Dahan-dahan silang naglakad at tinungo ang kotse. Binuksan agad ni Magno ang pinto at sasakay na sana siya ng may naramdaman siyang kirot sa tyan niya.

"Ma'am Kaede, ayos lang po ba kayo?" Alalang tanong ni Magno.

"M-Mang Magno.. m-manganganak na yata ako. A-arayy!" Sabi ko at hinahawakan ang tyan habang iniinda ang sakit.

"Ho? Sige po, dadalhin ko na po kayo sa ospital." Daling pumasok si Magno sa kotse at pinausad yun. Si kaede naman, hindi alam ang gagawin dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Hanggang sa nakarating sila sa ospital.

***

"WHAT?" Sigaw ni Zares ng marinig niya ang sinabi ng mommy niya sa kabilang linya. "S-S-Saang ospital?" Nanginginig ang kamay niyang kumuha ng susi sa bulsa niya. Hindi niya alam ang gagawin. "Okay, mom. Papunta na ako!"

Mabilis ang hininga niya habang pinaandar ang kotse niya. Shit! Calm down, Zares, baka sa kakanerbyos mo, hindi ka makarating dun.

Hindi niya alam kung ilang minuto niyang narating ang ospital basta ang alam lang niya ay kailangan siya ngayon ng asawa niya.

"Mom, where is she?" Malakas ang tibok ng puso niya ng makita ang mommy niya at ang daddy niya, pati narin si Daren naghihintay.

"Still in delivery roomㅡoh my god son, are you okay?" Bigla nalang Kasi siyang napaupo sa upuan na nandun. Nanghihina kasi ang katawan niya.

"I'm.. I'm nervous as fvck! Magiging okay lang naman sila ni baby diba?" Mahinang sabi niya.

"It's normal to feel that. Ganyan din ako noon nung ipinanganak ka ng mommy mo. And don't worry son, malusog si baby at ang asawa mo kaya paniguradong magiging ayos ang lahat." Sabi ng daddy niya na ikigaan ng pakiramdam niya. Oh God! Please, ayos lang po sana ang mag-ina ko.

"Oo nga bro, so don't worry that much okay?" Segunda pa ni Daren at tinapik ang balikat niya.

It took 1 hour bago lumabas ang doctor. Agad naman silang tumayo.

"Doc, kumusta po ang mag-ina ko?" Agad na bungad niya sa doctor.

Ngumiti ang doctor. "They're both alright. Ililipat lang namin ng silid ang asawa mo at mamaya, ibibigay namin sa inyo ang baby niyo. Congratulations again, mister!" Sabi ng doctor na mas lalong ikinahinga niya ng maluwag.

"Thank you doc!" Finally! Finally.. I am now a dad! Ngayon isang pakiramdam nalang ang nararamdaman niya. Masaya. I'm so happy! Thank you God for this blessing!

*****

"KAEDE, you okay?" Tanong ni Daren kay Kaede nang magising ito.

"Ayos lang ako kuya. Asan si Keivㅡ" hindi niya natapos ang sasabihin ng biglang may pumasok at agad siyang niyakap.

"God! I was so worried about you!" Ani ng asawa niya na ikinatawa niya.

"I'm okay now." Hinaplos ni Zares ang buhok niya at hinawakan ang kamay niya. "Asan nga pala sina mommy at daddy?"

"May binili lang sa labas."

Napalingon sila sa pintoan ng may pumasok dun. Sumunod namang pumasok ang mga magulang nila.

"Congratulations, it's a baby girl!" Sabi ng doctor at ibinigay ang bata kay Zares.

Nang hindi kumilos si Zares sa kinatatayuan niya at nakatingin lang ng deretso sa baby, ay ang mommy nalang nila ang kumarga ng baby.

"I'll go ahead."

"Thank you, doc!"

NATULOS si Zares sa kinatatayuan niya at hindi makakilos. Nang makita niya ang anak niya, gusto niyang umiyak sa saya.

Ang mommy na mismo ang kusang lumapit sa kanila ni Kaede.

"Kargahin mo siya, anak." Sabi ng mommy niya.

"I.. I can't.. n-natatakot ako baka kung mapano siya." Dahil sa liit ng mga kamay at katawan nito, natatakot siyang hawakan ang anak niya.

"Hahaha! Kargahin mo lang, wala ka ng ibang gagawin. Baby, yung daddy mo takot na kargahin ka.. ang ganda ng baby namin, mana sakin at sa mommy niya." Natawa siya sa sinabi ng mommy niya.

"Syempre, gusto kong kargahin ang baby ko, maybe.. later." Natatakot talaga siya.

Pinahiga ng mommy niya si baby sa tabi ni kaede.

"Baby, ako ang gwapo mong tito. Gayahin moko pag laki mo ha? Mabait at matalino." Napangiwi siya sa sinabi ni Daren. Tsk! Sana hindi siya narinig ng anak ko.

Napangiti siya ng makita si Kaede na hinaplos-haplos ang kamay ng baby niya. Ah! Ang sarap sa pakiramdam..

"Baby, baby ko.." sambit niya at bahagyang hinawakan ang maliit nitong kamay. Nanlaki ang mata niya ng bahagya itong ngumiti. "Wahh! Look, she's smiling at me!" Parang hinaplos ang puso niya dahil sa nakita.

Tumawa lang ang iba dahil sa sinabi niya.

"Thank you.." madamdmain niyang usal kay kaede na nakatingin sa kanya.

"For what?"

"For everything. For making me happy and contented."

"Parehas nating pinapasaya ang isa't isa kaya thank you din."

"Now that we have our little princess, we will create our own forever with our little angel." Sabi niya na ikinatango ni Kaede. "You complete me Kaede just by looking at you. That's how I irrevocably inlove with you!" Usal niya na nakapagluha kay Kaede.

"I love you too.. so much!" Sagot ni Kaede kaya hinalikan niya ito sa labi. Wala silang pakialam kung nasa harapan sila ng mga magulang nila basta ang importante, masaya sila at nagmamahalan.


~ THE END ~

*
A/N: Maraming maraming salamat sa pagbabasa hanggang dulo, ZYNYSS! See you next time!

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now