Chapter 9

103 9 0
                                    

Chapter 09

Kaede's Point of View

"Ahm.. I'm sorry sa nasabi ko sayo. Please, kalimutan mo na yun." Nagulat talaga ako kanina nang bigla nalang akong nilapitan ni Dina, yung pinsan ni Tina. "Nagalit nga sakin si Tina eh, dahil sinigawan daw kita. And she wants to apologize to you in person. Ahm, can you meet her tonight? Sa midnight club." At nginitian niya ako.

Nakita ko naman ang  sinseridad sa mga mata niya. Siguro naman nagsasabi siya ng totoo.

"Ahm.. s-sige.." Nakita ko namang nagulat siya at nakabawi din agad.

"Thank you very much, Kaede. You're such a nice person. See you later! And thank you for your forgiveness! Punta ka, ah?" Tumango ako at kumaway pa siya bago tumalikod.

Tumuloy ako sa pagpunta ng library. Pinakita ko lang ang ID ko saka pumasok.

****

Kararating ko lang ng Midnight Club. Papasok na sana ako nang may nakita akong isang babae na parang umiiyak na nasa gilid.

Nilapitan ko naman at kinuha ang panyo ko. Inilahad ko yun sa harapan niya.

Nagulat pa siya at nag-angat ng tingin.
"Ahm.. sorry, napansin ko kasing umiiyak ka." Kinuha naman niya ang panyo.

"Salamat."

"Ahm.. I know wala ako sa lugar magtanong ng dahilan kung bakit ka umiiyak pero naniniwala akong magiging maayos ka rin. Kung ano man yang problema mo, maayos rin yan, just believe in Him." Hinimas ko ang likod niya.

"Thanks! You're Daren's girlfriend, right?" Tanong niya na nakapagpagulat sakin.

"Daren?" Tiningnan ko naman siya ng maigi. Oh! Kaya pala mukha siyang pamilyar, nakita ko na pala siya nung minsang magkasama kami ni Daren. Pero ano daw? Girlfriend? "Ah, ahahaha! Hindi niya akoㅡ"

"Kaede? Oh, you're here, thanks to you!" Sabi ng pamilyar na boses sa likuran ko. Paglingon ko si Tina pala.

"Tina." Lumingon naman si Tina sa likuran ko.

"Let's go inside."

"Sige, wait. . ." magpapaalam sana ako sa babae pero paglingon ko wala na siya. Asa'n yun?

"Tara." Hinawakan ako ni Tina sa kamay. Para ngang nanindig ang mga balahibo ko eh. "Upo ka muna dito, may pupuntahan lang ako." Nakangiti niyang usal kaya tumango lang ako.

Nakita ko siyang pumunta sa 2nd floor. Sa 2nd floor kasi ay puro mga kwarto para sa mga nagtotot. Hehe alam niyo na yun.

Nang ilang minuto ang lumipas, hindi parin bumababa si Tina kaya hindi na ako nakatiis at sinundan na rin siya. Tss. Parang pumunta lang ako dito para sa wala.

Naglalakad ako sa tapat ng isang kwarto nang marinig ko ang pangalan ko. "Nandun siya sa baba. Puntahan mo na! Kanina pa yun naghihintay sakin. Patayin mo kung kinakailangan!" Narinig kong sigaw ni Tina sa loob. "Jake, ano ba! Kumilos ka na nga! Ano pa ba ang silbi ng pagbabayad ko sa inyo kung di mo lang din naman gagawin ang gusto ko!" Patuloy pa niya. Oh my god! Why am I even here? My life is in danger!

Napatalon ako sa gulat nang may sumigaw. "Kaede? What are you doing here?" Paglingon ko sina Daren at Keiv pala. T-Teka, andito din sila?


Zares' Point of View

"Bro!" Lumapit sakin si Daren ng may malaking ngiti sa labi. "Congrats, I'm so happy for you. Finally!"

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now