Chapter 16

92 8 0
                                    

Chapter 16

Kaede's Point of View

"Mom, she's Kaede, my girlfriend." - Keiv. Napalunok ako nang makita ang isang magandang babae na nasa late-40s na kamukha ni Keiv.

"Oh hello there, beautiful young lady!"

"Hello po. H-Happy birthday po!" Ang ganda niya kahit may edad na.

"Thank you so much, dear, for coming." Hinarap niya si Keiv. "Son, go to Daren. Shoo! Shoo! Don't worry, I'll take care of your girl." Sabay tulak kay Keiv.

"Mom, I just can't leave her!" Asik naman ni Keiv.

"Zares?" In a warning tone. "Gusto ko lang makabonding si Kaede. Right, dear?"

Ngumiti ako. "Ayos lang ako, puntahan mo muna si Daren." Napanguso siya bago humalik sa pisngi ko.

"Babalik din ako agad. Mom, take care of her!" Natawa naman ako. Para namang nasa malayo ako eh nandito lang naman kami sa iisang bahay.

Kanina, nung huminto kami sa tapat ng bahay nila, literal na napanganga talaga ako. Ang laki naman kasi tsaka maraming CCTV at iba pa for security and safety daw.

"Let's sit." Pinaupo naman niya ako. "Since parehas tayong maganda, tawagin mo nalang akong mommy." Nakangiti niyang usal na nakapagpalaki ng mata ko. "Hahaha! You're so cute. Sige, Tita nalang para mas komportable ka."

"Sige po, T-Tiita.." Nahihiyang sabi ko at napatingi ako kay Tita nang magbuntong-hininga siya.

"Thank you, Kaede.." Biglang sabi ni Tita na nakapagtataka sakin. It was sincere.

"Saan po?" Wala naman akong ginawa ah.

"For everything." tiningnan niya ako ng sinseridad. "Thank you for making my son happy and for bringing the old him. I know saying thank you is not enough but I hope you would still appreciate how thankful I am." Nagtataka talaga ako sa iniasta niya. May pinagdadaanan ba siyang hindi maganda?

"Tita.. p-pwede ko po bang malaman kung anong mga pinagdaanan niya?"

"He went through a lot. I guess you heard about his past girlfriend, right?" Tumango ako. "Simula nung mamatay ang first girlfriend niya na si Ailee, he did become a mess. And as his family, ginawa namin ang lahat para maging masaya ulit siya pero palagi kaming nabibigo. Kaya nga, sobrang saya ko ngayon dahil nakikita ko sa mukha niya ang kaligayahan at yun ay dahil sayo." Hinawakan ni Tita ang kamay ko. "Sana.. hindi mo siya iiwan at mamahalin pa sa hinaharap, Kaede."

"Opo, hindi ko po siya iiwan kahit.. kahit anong mangyari." Ngumiti siya at ngumiti din ako.

"Thank you so much, Kaede. I owe you a lot!" At niyakap ako.

"Wala po kayong ipagpasalamat Tita, deserve pong sumaya ng anak niyo sa kabila ng mga paghihirap na naranasan niya. Tsaka, ako din naman po pinapasaya ng anak niyo."

"It's good that you're both happy. Now, I even more realize how lucky we are. Dahil nakilala ka namin. Sana, ikaw na talaga ang magiging parte ng pamilya namin." Namula naman ako sa sinabi niya. "Sayang wala dito ang daddy niya, may inasikaso pa kasi sa ibang bansa." Ah, kaya pala! "Please, don't mention to him kung anong pinag-usapan natin ngayon. I don't want him to remember his past."

"Sige po."

"Let's go to the dining." Hawak-hawak lang ni Tita ang kamay ko hanggang sa makarating sa dining.

Parehas kaming napalingon sa gilid ng may tumikhim. "Can I get her now, mom?"

"Oh sure, son. All yours now!" At talagang ibinigay pa ni Tita ang kamay kong hawak niya kay Keiv.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now