"Aria, ikaw na," Nakangiwing sabi ni Blake pero sanay naman siya diyan sa impact ng bola kaya hindi ko alam kung bakit sakit na sakit siya. Lumapit na rin ako kay coach na napatingin pa kay Allen na nanonood na ngayon. Kanina naglalaptop lang siya ah. Tss.


Wala din sa sariling napatingin pa ako kay Luke na nandoon sa entrance na nakatingin na naman kay Ylona. Nang lingunin ko si Ylona, nakatingin naman siya kay Allen. Ano ba itong mga naiisip ko?


"Focus, Aria!!!!" Saway agad ni coach kaya bumuntong-hininga na ako at umayos ng tayo. Unang receive ko palang nung bola, ang sakit na putcha!!! Sinubukan ko talagang i-maintain ang taas ng bola para ma-spike niya. Ilang minuto ata kami sa ganong estado at namumula na rin ang braso ko. Bahala na. Hindi naman ako mamamatay dito. Nanonood na rin ang mga kateam-mate ko at sila pa ang ngumingiwi every time na napapalakas ang hampas ni coach. "Again!" Sigaw ni coach kaya ibinigay ko ng maayos ang bola bago niya hinampas ulit. Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagmura sa isipan ko. Dapat sanay na ako dito eh. "Okay, enough, come close," Sabi niya sa mga kateam-mate namin.


"Oh, tubig. Ang tagal niyo! Buhay ka pa ba?" Tanong ni Gian sa akin na ikinatawa ko. Nagsabi lang naman si Prof ng mga kailangan pa naming i-practice at sinabi niya ring simula daw bukas, madadagdagan na ang oras ng training. Naalala ko rin na malapit na ang practical test namin sa PE. Tatlong linggo nalang. Kailangan ko pang ipasa yun bago ako lalaban sa tournament. Midterm na pala. Magre-review pa ako.


O sige, Aria. Ginusto mo naman yan eh.


Nagbihis na kami sa locker room para makauwi. Pagod na pagod ako at gutom!!!!! Ayoko na!


"Bawal tayo mag-samgyupsal noh?" Tanong ni Blake sa amin na sabay-sabay naming ikinatango. Masiyadong mabigat ang meat. Hindi kami pwede nun.


"Pwede naman. Kaso kailangan mong mag-exercise ng mag-exercise pagkatapos." Nakangiwing sagot ni Hazel. Nagpaalam na rin silang mauuna na kaya lumabas na rin ako para puntahan si Allen. Ang kaso... naabutan ko siyang kausap si Ylona.


"Are you uhm... busy tomorrow?" Nahihiyang tanong ni Ylona na ikinakunot naman ng noo ni Allen. Halatang naguguluhan din sa inaaksyon ng taong nasa harapan niya. Alam ko... mag-kaklase rin sila.


"Yeah. I have things to do. Ngayon lang ang available na araw ko."


"How about now? Let's eat together, Allen. My treat." Alam ko naman kung anong ibig sabihin ng mga aksiyon na ipinapakita ni Ylona ngayon. May parte pa sa akin na gusto ko nalang kunin si Allen para bumalik na si Ylona kay Luke. Kaso napaisip din ako bigla.


Selfish ata kapag ganon ang ginawa ko...


"Aalis ka ngayon?" Napatingin agad ako kay Luke na nasa likuran ko kaya sa kaniya na napunta ang atensyon ko na bahagya pang tumingin kila Ylona na nag-uusap. Medyo malayo rin kasi ang pwesto nila sa amin.


"Oo. May problema ba?" Nag-aalangan na tanong ko nang mapansin ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Parang jina-judge niya ako. "Okay ka lang ba?" Pag-iiba ko ng tanong. Bakit naman kasi ganon siya makatingin? Nasasaktan ba siya sa nakikita niya ngayon at sa akin niya na naman inilalabas ang galit niya?? Hays. Paano pa kaya kapag sinabi ko ang mga sinabi ni Ylona kanina?


"Ito na yung mga information sa idi-discuss ni Prof Pablo bukas. Mauna na ako."


"Teka," pigil ko sa braso niya na ikinatigil niya at napabuntong-hininga pa bago muling tumingin sa akin. Ano bang nangyayari sa kaniya?? Nag-aalala ako.


"Ano?"


"May kailangan akong sabihin say——"


"Aria," Sabay kaming napalingon ni Luke kay Allen na naglalakad na papalapit habang nasa likuran niya si Ylona na napatingin pa sa kamay kong nakahawak sa braso ni Luke kaya binitawan ko yun agad. "Tara na?"


"A-ah oo, tara," Tipid na ngiti na sabi ko bago nilingon si Luke na halatang kakausapin si Ylona. Hindi pa ako mapakali kaya hindi ko maiwasang hindi sila tingnan kahit naglalakad na kami palabas ni Allen.


"Kumusta ang braso mo?"


"H-ha?" Nagugulat na tanong ko sa kaniya kaya itinuro na niya ang braso ko na medyo mapula nalang ngayon. "Medyo sanay naman na ako. Bakit? Isa ka rin ba sa ngumingiwi kanina every time na tumatama sa braso ko ang bola?" Natatawang tanong ko nang makapasok sa sasakyan niya. Yes, may sariling sasakyan si Allen. Lahat na nga nasa kaniya. He's handsome, he can lead, matalino, mayaman at marami pang iba na talaga namang magugustuhan ng babaeng katulad ko kaso hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magustuhan. Pero aminado naman ako sa mga good qualities niya.


"Kaya ayaw ko ng sport eh." Natatawang sabi niya at bahagya pang umiling.


"Player ka ng basketball last year hindi ba? Bakit ka nga pala tumigil?"


"Responsibilities," Natural na sagot niya na ikinatango nalang. Parang nabalitaan ko nga yun. Kailangan niya atang kunin ang business nila since only child siya. Pareho kasi kaming only child kaso hindi naman kami mayaman kaya wala akong mamanahin. "Saan mo gustong pumunta?"


"Sa kainan. Sa kahit anong kainan. Gutom na gutom na talaga ako!! Parang lahat ng nakikita ko ay pagkain!" Reklamo ko na ikinatawa niya. Tss. Dumiretso na agad kami sa mall kung saan ang gaganda na ng mga lights kasi medyo gabi na nga. Gusto ko pa ngang sakalin si Allen nang sa isang mamahaling restaurant pa kami kumain. Pwede namang sa unli wings nalang or what. Hindi niya ako kailangan gastusan ng ganito.


"Ang mahal naman dito potek....." Reklamo ko na mukhang narinig niya dahil napunta sa akin ang atensyon niya. "Alis na kaya tayo?"


"Nagbayad na ako,"


"Ano??" Nagugulat na tanong ko dahil hindi ko man lang napansin yun. Nagbayad na siya? Bakit siya nagbayad?


"Yes. Last time na lumabas tayo kasama si Ross, ikaw ang nagbayad. Seriously, Aria? Ako ang nagyaya kaya ako dapat ang magbabayad." Sumimangot agad ako sa sinabi niyang yun. Lumalabas naman kasi talaga kami nito ni Allen dahil kaklase ko rin siya simula high-school tsaka kapag may hindi ako maintindihan sa klase namin, sa kaniya ako lumalapit. Kaso lately, naging busy na kami pareho kaya hindi na kami makapag-usap.


Iba talaga nagagawa ng adulting....


Ang dami ng inorder niya! Gusto ko siyang sakalin talaga!! Pabor naman sa akin kaso nakakahiya!! May cake pa!! Favorite flavor ko pa yun. Shocks! Nang-aasar ata ito si Allen dahil pinapataba niya ako!


HINDI NIYA BA ALAM NA NAGMA-MANAGE AKO NG TIMBANG????


"Hay grabe! Busog na busog ako." Nakangiting sabi ko habang nakasandal sa railings ng restaurant na ito. Meron kasi siyang veranda kung saan kitang-kita mo ang mga ilaw sa ibaba. Ang ganda!! Ang sarap pa ng ihip ng hangin.


"Aria," tawag niya sa akin na ikinalingon ko agad.


"Hmm?"


"About the thing that I said earlier sa classroom niyo," napatigil ako nang maalala ang sinabi niya. Sinabi niya kasing gusto niya ako. Naalala ko na naman tuloy.


Bakit niya ba kasi sinabi yun??


"Ah yun? Alam ko naman na nagbibiro ka lang."


"I'm not joking, Aria. I really like you,"Napamaang ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung anong sasabihin ko doon. Gusto kong itanong kung bakit ako kaso ang corny naman nun. Ang weird pakinggan. "Hihintayin ko ang sagot mo pagkatapos ng tournament. For the remaining three weeks, allow me to court you."

Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now