Chapter 25: Last Chapter

Start from the beginning
                                    

"Hahaha! That's normal, son. Yung mommy mo nga noon eh hanggang sa limang buwan, hindi niya ako pinapansin." Ani dad.

"Limang buwan? Ang tagal naman?" Iisipin ko palang na mangyayari samin yun, hindi ko talaga kakayanin. No, please God. Wag naman po sana!

Pumunta kong kitchen at nagluto ulit. Hindi ko kasi inaasahan na pupunta sila dito ngayon at hindi naman kasya samin yung niluto ko kanina kaya kailangan kong magluto ng marami.

Minsan lang silang bumibisita kaya dapat special ang araw na to.

*DING-DONG*

Napabuntong-hininga akong tinungo ulit ang pinto at binuksan.

"My brother! How are you and my sister?" Inakbayan pa ako ni Daren.

"Tsk. Wag mo ngang itanong yan! Syempre, we're good!"

"Talaga ba?" Pang-aasar niya sakin.

"Fine! She doesn't want to see me! Happy?"

"Hahahahaha! That's my sister!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang! Syempre alam mo namang normal yun."

"I know!"

"Torture ba?"

"What?"

"Torture ba ang hindi pansinin ng asawa mo?"

"Tsk. Sobra! Pumasok ka na nga. Dumiretso ka na lang sa living room!" Iniwan ko siya at bumalik sa kitchen.

Nadatnan ko pa si Kaede na nakaharap sa ref at may kinuha kaya dali ko siyang nilapitan.

"What's wrong?" Agad kong tanong at sinilip ang ref. "Want anything to eat?"

"I want strawberry." Sabi niya kaya agad ko yung hinanap. Nang makita ko yun binigay ko sa kanya. Dinilaan pa niya ang labi niya habang nakatingin sa strawberry. Ako naman, napalunok dahil sa ginawa niya. Damn this woman! "Ano namang tiningin-tingin mo jan?" Nakataas ang kilay niyang turan.

Umiling-iling agad ako. "Nothing.." sagot ko agad. Baka kasi, bugbogin na niya ako eh hehe.

"Hmph!" Inirapan pa niya ako bago umalis.

Napailing nalang ako. Kung hindi lang kita mahal, naku!!

Pagkalipas ng ilang sandali, natapos din ako sa kusina at tinungo ko ang living para tawagin sila.

Nadatnan ko silang nagkukwentuhan. Si Kaede naman nakahilig kay Daren. Tss!

Tumikhim ako. "Uhm everyone! Kakain na tayo!" Medyo pasigaw kong sabi.

Nilapitan ko si Kaede at inalalayan siyang tumayo. Tiningnan niya ako kaya lalayo na sana ako pero nang makita kong wala siyang reaksyon sa ginawa kong pag-alalay sa kanya ay hindi ko natuloy at napangisi ako.

Nauna na sila mommy sa dining. Ang naiwan lang ay kaming tatlo Kasama si Daren.

Pinandilatan ko si Daren. Bakit pa siya andito? He just shrugged na mas lalong gusto ko siyang batukan.

"You okay?" Mahinang tanong ko kay Kaede.

Kaede's Point of View

"Wag mo namang sungitan ang asawa mo anak. Baka magsawa siya." Sabi ni daddy.

"Wag mo ngang tinatakot ang anak mo, Darien!" Saway ni mommy kay daddy. "He was just kidding, dear! Wag mong pansinin yun, hmm?" Tumango ako.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now