CHAPTER 3

1.1K 26 2
                                    

Tasha


Araw ng Sabado. Nasa mansyon ang magkakapatid na Villamar.

At tulad ng araw-araw na naming nakasanayan ay maagang umaalis ng mansyon ang Governor.

Ngunit madalas naman na naiiwan ang may bahay nito.

Lalo na tuwing Sabado at Linggo.

Likas na mabait ang may bahay ni Governor. Magiliw ito sa mga anak.

Kahit pa kapansin-pansin ang malamig na pakikitungo sa kan'ya ng panganay na Villamar.

Ang naririnig kong bulong-bulungan noon ay hindi naman kasi nito totoong Ina ang Ginang.

Matagal na raw namayapa ang unang Ginang ng butihing Governador, na siyang tunay na Ina ng panganay na Villamar.

Pero ang hindi ko makuha-kuha ay kung bakit kailangan pang pakitunguhan ni Beast ng hindi maganda ang naging pangalawang Ina.

Gayong kitang-kita naman kung gaano sinusubukan ng Ginang na mapalapit sa kaniya.

Inumpishan kong ligpitin at nilinis ang kuwarto ni Señorito Zyron. Sinunod ko naman linisin pagkatapos ay ang silid ni Señorito Zackie.

Lagi kong hinuhuli ang silid ni Señorito Beast at sinisiguro ko munang wala na ito sa kaniyang silid bago ko iyon linisan.

Madalas kasi ay late na itong nagigising. Once in a blue moon lamang yata ito magising ng maaga.

Ang napapansin ko rin sa ilang Linggo ko nang pamamalagi sa mansyon ay ang madalas na sagutan ni Governor at ang panganay nitong anak.

Hindi na ako magtataka kung lagi silang nag-aaway. Ibang-iba naman kasi talaga ang ugali ng panganay kung ikukumpara sa ibang Villamar sa mansyon.

Malayong-malayo ang karakter nito, mukha talaga itong kriminal!

Nakakatakot!

Kasalukuyang nag-aalmusal ang mag-anak. Samantalang ako, ay inumpisahan ko na ang mga gawaing nakaatangan sa akin sa araw na iyon.

Nabugaw ang pag-iisip kong iyon nang dumapo sa ulo ko ang isang unan. Kasunod ng nakakalokong hagikhik ni Zackie!

Masama ang tingin ko itong binalingan. Natatawa naman itong lumapit sa akin.
"Oops sorry!" ang kunwari nitong sabi at napatakip ng bibig.

"Sorry ka d'yan!" ang nakairap kong sabi. Sapol ako sa ulo. Hindi naman masakit dahil malambot at magaan lamang ang unan nito. Pero nainis pa rin ako dahil sa ngisi nito ngayon!

Alam kong nang-aasar na naman ito sa akin.

"Sino 'yong kasama mo noong nakaraang Linggo sa Simbahan huh?" ang may panunuksong tanong nito sa akin.

Tinignan ko siya. Napaisip ako saglit. Paano nito nalaman na nagsimba nga ako?

"Nagsimba ako kasama ang isang kaibigan , nakita kita." Ang agad na sansala nitong sagot sa tila pag-iisip ko.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa.

Hindi ko sinagot agad ang tanong niya. Kasama kong nagsimba si Reynald, kababata ko at matalik na kaibigan.

"Jowa mo 'yon no?" ang pangungulit nito sa akin. Natawa ako ng mahina at napailing.

"Oy... Ayaw sumagot, confirmed 'yan!" anitong sinisiko kunwari ang tagiliran ko kaya tuluyan na akong natawa sa kaniya at lumayo.

"Kababata at kaibigan ko 'yon. Wala pa sa isip ko 'yang boyfriend, boyfriend na 'yan.

Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral." Ang seryoso ko nang sabi at bahagya lamang siyang nilingon at muling tinuon ang atensyon sa ginagawa.

Ang magligpit at maglinis sa kuwarto nitong hindi naman gaano magulo at marumi dahil sa araw-araw kong nililinisan ito. Kahit nga alikabok ay hindi ka makakakita.

The Beast's Obsession Akin Ka At Age 18Where stories live. Discover now