CHAPTER 2

1.2K 24 0
                                    

Tasha



Bawat magdaan na mga oras at araw ay naging kakambal ko ang kaba. Simula nang dumating ang anak na panganay ni Governor.

Minsan kasi, kahit tila wala naman tao akong nakikita sa paligid, pero ramdam ko ang tila mainit na titig sa akin ng kung sino!

Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang iyon at dala ng nararamdaman kong takot para sa panganay na Villamar, o talagang nasa palagid lamang siya at naghihintay ng pagkakataong masakmal ako?

Pero bakit naman niya gagawin 'yon?

Itatanong ko pa ba 'yon sa isip ko? 'Di bat ang isang rapist ay hindi namimili ng bibiktamahin?

Maari rin akong maging kaniyang biktima tulad ng ibang naging kasambahay na nila!
Isang nakakatakot na imahe ang laging umaalipin sa isip ko, simula ng makilala ko ang panganay na anak ni Governor.

'Ni hirap ko ngang banggitin ang pangalan niya!

Hindi mapigilan ng tuhod kong mangatog mabanggit lamang ang pangalan ng panganay na Villamar!

"Tasha, tawag ka ni Señorito, Zaturnino." Ang imporma sa akin ni Lena. Isa sa kasamahan namin sa mansyon.

Isa siya sa malapit sa akin at nakagaanan ko na ng loob. Panganay lamang ito ng ilang taon sa akin sa edad na 21.

Magka-edad sila ni Joyce. Isa rin ito sa mga kasamahan namin sa mansyon, ngunit tila mabigat naman ang dugo ng isang 'yon sa akin.

Pansin ko 'yon sa mga erap at malamig nitong pakikitungo simula ng dumating ako sa mansyon.

"Bakit daw Lena?" ang nagtataka at medyo kabado kong tanong.

Tapos ko na naman linisin ang kuwarto niya kanina.

Ano naman kaya ang kailangan nito at kailangang puntahan ko pa talaga sa kaniyang silid?

Nagkibit ito ng balikat at umiling.

"Hindi ko alam e, basta inutusan lang n'ya akong papuntahin ka sa kuwarto niya." Ang parang wala lang na anito.

Napanguso ako, unti-unting ginagapangan ng nerbyos ang dibdib ko.

But then, parang may biglang naisip na dahilan si Lena kaya ako pinatawag ng Beast son ng aming amo! Napapitik pa sa hangin si Lena.

"Tama! May dumating kanina na babae e, nagtuloy sa kuwarto ni Sir Zat. Kilala ko 'yon kapag may dumarating na babae. At pagkatapos umalis ng babae, magpapalinis ng kuwarto 'yon! " ang nakangisi at makahulugan nitong sabi.

I am just 17 yrs old, at wala pang karanasan.

Ni hindi ko pa naranasan magkanobyo, at masyado pa akong bata para riyan.

Pero hindi naman ako gan'on kainosente at katanga para hindi makuha ang ibig nitong sabihin.

Napalunok ako. So, gan'on pala. Pagkatapos niyang makipagyugyugan, ako ang paglilinisin niya ng dumi nila?! Kadiri talaga siya, parang katawan niyang puro tattoo!

"Sige na Tash. Akyatin mo na. Naninigaw pa naman 'yon 'pag naiinip," ang bugaw niya sa pananahimik ko.

Para akong nahimasmasan sa huling narinig. Ayaw kong masigawan syempre!

Dala-dala ang mga gamit panglinis ay dali akong nagtungo sa silid niya.

Paakyat na ako ng hagdanan nang tawagin at harangin naman ako ni Joyce.

"At saan ka pupunta?" ang nakataas na kilay nitong tanong sa akin.

Hindi ko alam pero napapansin ko lang na mainit ang dugo talaga nito sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

The Beast's Obsession Akin Ka At Age 18Where stories live. Discover now