CHAPTER 22

3 1 0
                                    

CHAPTER 22

Nang dumating na ang lunch ay sa loob lang ako ng office kumain. Habang kumakain ako ay tumawag sa 'kin si mom.

[Anak, may meeting kang pupuntahan. Sa Vertal company.] Saad ni mom.

Pumayag ako at nagpaalam na kay mom. Pumasok ang secretary ko at sinabi rin niya iyon. Pagkatapos kong kumain ay inayos ko muna ang sarili ko bago kami pumunta sa company na iyon. Pagkapasok namin sa conference room wala pa doon ang may ari ng company.

Maya-maya lang ay dumating ito at napatingin ako doon. Naestatwa ako sa kinauupuan ko ng magtama ang tingin namin. Ako na agad ang umiwas ng tingin at huminga ng malalim. Nagsimula ang meeting pero hindi ako nakapagfocus dahil parang may nakatingin sa 'kin kaya hinanap ko kung sino iyon. Nagtama na naman ang tingin namin ni Xyver, ako na rin agad ang umiwas.

Pagkatapos ng meeting ay aalis na sana ako ng magkabungguan kaming dalawa.

"Sorry," saad ko at lumabas na ng conference room, nakasunod naman sa 'kin ang secretary ko.

Pagdating namin sa company ay bumuntong hininga ako. Ipinikit ko ang aking mata at parang gusto ko na lang umiyak ng maalala ko ang ginawa niyang panloloko sa 'kin. Habang inaalala ko ang panloloko niya sa 'kin ay may tumawag sa 'kin.

"Madam!" Tawag sa 'kin ng secretary ko.

"What?!" Inis na sigaw ko.

"Wala po, madam." Saad ng secretary ko sabay peace sign.

Napailing na lang ako pagkalabas niya ng office ko. Sanay na ako sa ugali niya na bigla-bigla na lang siyang papasok sa office tapos tatawagin ako pero kapag tinanong ko kung bakit wala lang ang isasagot niya.

Sa bahay ako ngayon uuwi dahil wala sila mom, kapag nandiyan naman sila ay sa condo ako umuuwi. Pagkapasok ko sa sasakyan ko ay hinubad ko ang coat ko. Nasa backseat ang bulaklak at paper bag na ibinigay sa 'kin ni Xyver. Pagdating ko sa bahay ay nagshower ako kaagad at nagcellphone muna ako. Hihiga na sana ako sa kama ko ng may sumigaw.

"Crystal, bumaba ka d'yan!" Sigaw ni Jamaica.

Napailing na lang ako at lumabas ako saka ako bumaba ng hagdanan. Pagkababa ko ay nakita ko si Jamaica, Kesha, Ashton, Benedict at si Xyver.

"Anong ginagawa n'yo dito?" Tanong ko. "Nagsama pa talaga kayo ng manloloko dito sa bahay."

Pagkasabi ko no'n ay tumingin ako kay Xyver, umigting ang panga nito. Iniiwas ko na lang ang paningin ko.

"Grabe ka naman, Crystal, naging boyfriend mo rin naman 'yan." Saad ni Kesha.

"Wala akong naging boyfriend." Malamig na saad ko. "Ano bang ginagawa ninyo dito?" Pag iiba ko ng usapan.

"Mang gugulo." Saad ni Jamaica.

"Magsilayas na kayo kung manggugulo lang din naman kayo." Saad ko.

Magsasalita na sana si Ashton ng pumasok si Vince sa bahay namin. Lumapit ito sa 'kin at yumakap, isiniksik niya ang kaniyang muka sa leeg ko.

"May problema ba?" Tanong ko habang hinahagod ko ang likod niya.

Umalis siya sa pagkakayakap sa 'kin at ngumuso.

"Nag away kami, ate." Saad ni Vince. "May gusto kasi siya, e, hindi naman ako makakahanap no'n."

"Dapat hindi mo siya iniwan. Sige na, bumalik ka na sa kaniya." Saad ko kay Vince.

Tumango ito at nagpaalam ng aalis na siya. Ibinaling ko ang tingin ko kay Kesha at hinihintay ko itong magsalita.

My Secret AdmirerWhere stories live. Discover now