CHAPTER 12

1 1 0
                                    

CHAPTER 12

2 Months Later...

XYVER POV

Habang naghahanda kami ng mga kaibigan ko para tanungin si Crystal kung p'wede ko ba siya ligawan ay tinawagan ko muna si mom.

"Mom?"

"Yes, baby?" Tanong ni mom.

Yeah. Baby pa rin ang tawag niya sa 'kin kahit may kapatid akong babae na nakakabata sa akin.

"Mom, stop calling me baby. We have a baby and it's Xyriana." Saad ko.

Si Xyriana ay 4 years old pa lang siya. At syempre dahil bunso lahat ng gusto niya ay binibigay ko.

"Kahit na may nakakabata kang kapatid ay baby pa rin ang tawag ko sa 'yo." Saad ni Mom. "Btw, bakit ka napatawag?"

"Mom, sa tingin mo papayag si Crystal na ligawan ko siya?" Tanong ko kay mom.

"I don't know," sagot ni mom. "Sige na, baby, papakainin ko muna si Xyriana."

"Okay, bye mom."

Pagkababa ko ng tawag ay nanahimik na muna ako ng biglang nagsalita si Ashton.

"Sigurado ka bang nakapagpaalam ka na sa mga magulang ni Crystal?" Tanong ni Ashton.

"Yeah." Sagot ko.

"Pumayag ba?" Tanong niyang muli.

Gabi na ng tawagan ko ang mom ni Crystal. And yes, may number ako ng mom ni Crystal, dahil binigay iyong sa 'kin ni Vince.

"Hello? Xyver, napatawag ka?" Tanong ni tita sa kabilang linya.

"Tita, magpapaalam lang po ako." Saad ko.

"Magpapaalam saan?"

"Magpapaalam lang po ako kung puwede ko pong ligawan si Crystal?" Tanong ko. "Gusto ko po kasi na magpaalam muna sa inyo bilang respeto na rin."

"Do you really love my daugther?"  Tanong ni tita.

"Yes," sagot ko.

"Okay. I will allow you to court my daugther." Saad ni tita sa kabilang linya.

"Thank you, tita." Pasasalamat ko.

Pagkatapos naming mag usap ni tita ay pinatay niya na ang tawag.

"Buti pinayagan ka, akala ko kami lang ni Ashton ang magkakaroon ng liligawan, e." Saad ni Benedict.

"Pumasok na muna tayo, mamaya pa namang gabi ko tatanungin si Crystal." Saad ko.

Pumasok na kami sa van na dala ni Ashton at sinundo na namin sila Crystal. Habang nasa sasakyan kami ay pinagt-tripan ako ng mga kaibigan ko.

Pagdating namin sa bahay nila Crystal ay agad na sumakay 'yung tatlo. Nasa tabi ko si Crystal at hinawakan ko ang kamay niya.

"Bakit ba hawak mo na naman ang kamay ko?" Tanong ni Crystal.

"Masama bang hawakan ang kamay mo?"

"Oo. Ikaw talaga ang hihiga sa hinigaan ni Vince no'ng nacomatose siya." Saad ni Crystal.

Binitawan ko ang kamay ni Crystal at bumuntong hininga. Napatingin naman sa 'kin si Crystal at nagulat ako ng bigla niyang hampasin ang noo ko.

"Para saan 'yon?" tanong ko kay Crystal.

My Secret AdmirerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang