CHAPTER 17

2 1 0
                                    

CHAPTER 17

Lumipas na ang isang linggo ng matulog ako sa bahay nila Xyver. Isang linggo na rin na wala sila mom at dad, dahil nasa state sila. Isang linggo na rin akong mag isa sa bahay.

Sunday ngayon at wala akong magawa sa bahay ay naisipan kong puntahan sa bahay nila Vince si Vince. Naligo na 'ko at nag ayos ng sarili ko. Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay pumunta na ako sa bahay nila.

Pagdating ko sa bahay nila ay agad akong pumasok. Nadatnan ko si Vince sa sala kasama niya si Sabrina.

"Ehem! Ang sweet naman ata, nilalanggam na ako." Natatawang saad ko at tumingin sila.

"Hi, ate," bati sa 'kin ni Sab.

"Hi,"

"Anong ginagawa mo dito, ate?" Tanong ni Vince.

Umupo ako sa pang isahang sofa. "Wala kasi akong magawa sa bahay kaya dito na lang muna ako." Sagot ko.

"Para may magawa ka, isipin mo kung paano mo isusurprise si Xyver sa birthday niya." Saad ni Vince na ikinataka ko.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Sa June 19 ang birthday ni Xyver, kaya kung ako sa 'yo May 19 pa lang naman, may isang buwan pa para paghandaan mo ang birthday niya." Saad ni Vince. "Hindi mo ba alam kung kailan birthday niya?"

"Hindi." Sagot ko.

"Ayan may gagawin ka na, puwede ka ng lumayas dito." Natatawang saad ni Vince.

"Ang galing mo rin 'no? Dito muna ako bahala kayo maglandian diyan dalawa." Saad ko.

Hindi ko alam na sa June 19 ang birthday ni Xyver. Dahil nasabi na rin naman na sa 'kin ni Vince na sa June 19 ang birthday ni Xyver ay naisipan kong i-text si tita.

Me:

Tita, tatanong ko lang po sana kung anong gustong bagay ni Xyver?

Ilang minuto lang ay nagreply agad si tita.

Tita Xyria:

Sapatos at relo lang ang gusto no'n. Hindi na niya gusto ang ibang bagay maliban na lang siguro kung galing sa 'yo.

Me;

Tita, nagsasabi ba siya sa 'yo kung anong wish n'ya?

Tita Xyria;

May naalala ako ang sabi niya sa 'kin last two days na sana daw sa araw ng birthday niya ay sagutin mo siya. Kahit 'yon lang daw ang marinig niya ay okay na siya.

Pagkatapos kong i-text si tita ay nag iisip na ako kung anong gagawin ko sa birthday ni Xyver.

Kumakain ako ng cake sa kitchen ng tumawag sa 'kin si Xyver.

"Hello? Napatawag ka?" Tanong ko.

"I miss you." Saad niya.

"Baliw," natatawang saad ko.

"Oo nga pala, pinapapunta ka ni Xyriana dito sa bahay pero bago ka pumunta sa bahay date muna tayo, please..."

"No. I'm busy."

"Sige na, please, wife," saad ni Xyver.

"Fine. Sunduin mo ako dito kila Vince." Saad ko.

"Okay, i love y-" hindi ko na pinatapos ko si Xyver at pinatay ko na ang tawag.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Nang matapos akong maghugas ay umakyat ako sa kuwarto ko dito sa bahay nila tita at naligo ako saka nag ayos ng sarili. Habang nag aayos ako ay may kumatok at binuksan ang pinto ng kuwarto ko.

My Secret AdmirerWhere stories live. Discover now