CHAPTER 16

2 1 0
                                    

CHAPTER 16

CRYSTAL'S POV

Habang nagkukulitan kami ni Xyriana ay may tumawag sa pangalan ko at pamilyar iyon. Isa lang ang babaeng iyon.

"I-ikaw ba 'yan Crystal?" Tanong ng pamilyar na boses.

Iniangat ko ang ulo ko at gano'n na lang ang gulat ko ng makita si tita.

"T-tita?" Tawag ko kay tita at binaba ko si Xyriana.

Tumayo ako at lumapit si tita sa 'kin saka ako niyakap, niyakap ko rin siya pabalik.

"Tita, i miss you." Saad ko.

"I miss you too." Saad ni tita.

Humilay na kami sa pagyayakapan at hinawakan ni tita ang muka ko. Ngumiti si tita at ngumiti rin ako.

"Ang laki mo na. Namiss kita." Saad ni tita. "And i think your ninong will miss you too."

"I miss ninong too." Saad ko.

"So, ikaw ba ang nililigawan ng anak ko?" Tanong ni tita.

Tumawa ako at ngumiti. "Yes, tita." Sagot ko.

"That's good." Saad ni tita at tumingin kay Xyver. "Maghahanda muna ako ng dinner dito muna kayo at ikaw na bahala kay Crystal pati na rin ang kapatid mo."

"Yes, mom." Saad ni Xyver.

Nagpaalam na si tita na pupunta na siya sa kitchen para magluto at nagpaalam naman si Xyver na magpapalit. Umupo ulit ako sa sofa at iniupo ko si Xyriana sa hita ko.

"May ibibigay sa 'yo si ate." Saad ko.

Kinuha ko ang paper bag na dala ko. Nakangiti namang nagaabang si Xyriana. Binuksan ko iyon at inilabas ko ang isang stuff toy na panda. Mabilis namang kinuha ni Xyriana ang stuff toy at niyakap. Natawa ako.

"Do you like it?" tanong ko.

"Yes, ate. Thank you." Saad nito at yumakap.

"Welcome." Saad ko. "Wait, meron pa."

Kinuha ko ang isang paper bag at kinuha ko ang box sa loob. Isa iyong kuwintas na may nakalagay na name ni Xyriana.

"Here, baby. I want you to wear this everyday, okay?" Tanong ko.

Tumango naman ito at sinuot ko sa kaniya ang kuwintas. Pagkatapos kong suotin 'yon ay may nagsalita at napatingin ako.

"Bakit ako wala?" Saad ni Xyver.

Inirapan ko lang siya at hinalikan sa noo si Xyriana.

"Thank you, ate." Saad niya at hinalikan niya ako sa pisngi. "Kuya, look i have a new toy!"

Umupo si Xyver sa tabi ko at pinisil ang pisngi ni Xyriana. Hinalikan naman ako ni Xyver sa pisngi.

"Sa 'kin 'yan hindi sa 'yo." Saad ni Xyver at inaagaw niya ang stuff toy kay Xyriana.

"No!" Sigaw ni Xyriana. "Ate, binigay sa 'kin ni ate 'to."

"Sa 'kin daw 'yan hindi sa 'yo." Saad ni Xyver.

"Ate, si kuya ko niaagaw 'tong bigay mo." Saad ni Xyriana at ngumuso.

Magsasalita na sana ako ng may pumasok at nagulat ako ng nakita ko si ninong. Napatingin sa 'kin si ninong at nagulat din ito. Binuhat ko si Xyriana at iniupo kay Xyver. Lumapit ako kay ninong at yumakap, niyakap niya rin ako pabalik.

My Secret AdmirerKde žijí příběhy. Začni objevovat