"M-magsimula na nga ulit tayo. Marami pang exercise!!" Naiilang na sabi ko at tinalikuran na siya. Narinig ko pa siyang natawa kaya palihim kong pinagalitan ang sarili ko. Ilang exercise pa ang itinuro ko sa kaniya bago namin napagpasyahan na umuwi na dahil 5pm na rin.


"Saa——*brooooom!*" hinila agad ako ni Luke palapit sa kaniya nang may dumaan na motor sa harapan namin at muntik pa akong masagasaan nun. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Muntik na muntik na talaga ako doon. Ano bang trip ng motor na yun at dito pa dumaan? Ang malala pa diyan... hindi man lang siya nag-sorry sa akin!!


"Okay ka lang?" Tanong ni Luke na nakakuha na ng atensyon ko. Lumayo agad ako sa kaniya at inayos ang damit ko.


"O-okay lang ako,"


"Pero nanginginig ka." Turo niya sa kamay ko na itinago ko agad sa likuran ko. Ayokong magpakita ng ganitong side ko sa kaniya. Kapag kasi nakita niya na ganito ako, for sure mas lalo lang niya akong pipigilan na tulungan siya.


"Ayos lang ba kayo?" Biglang dating ng isang lalaki na naka-suit attire pa. May suot pa siyang black sunglasses. May napansin pa akong something na symbol sa bulsa ng suit niya na binalewala ko nalang din.


"Aria," Tawag ni Luke sa akin na ikinalingon ko ulit. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Halatang binabasa ang nasa isipan ko.


"Bakit?"


"Mas mabuti sigu——" napatigil siya sa pagsasalita nang bigla siyang bulungan nung lalaki na nakapagpakunot lang lalo ng noo ko. "Sige, teka lang."


"Kaano-ano mo siya?" Nagtatakang tanong ko kay Luke na napatigil pa muna bago tumingin sa akin. "Uncle mo?"


"Oo." Sagot niya agad na ikinamaang ko at agad na yumuko. "Hello po. Classmate po ako ni Luke."


"Ah talaga?" Nakangiti niyang sabi at bahagya pang tumingin kay Luke na nakatingin lang ng diretso sa akin.


"Pinapauwi niyo na po ba ang pamangkin niyo? Pasensya na po at ginabi na kami. Medyo marami po kasi yung napractice namin." Nakonsensiya naman ako agad. Baka isipin ng uncle niya, binubully ko si Luke.


"Uhm, u-uncle, okay lang ba na mamaya na ako umuwi? Nagpapasama pa kasi si Aria sa market." Napatingin agad ako kay Luke sa sinabi niya pero nakatingin na siya sa Uncle niya. Pinagsasasabi nito ni Luke? Wala naman akong sinabing ganon! Scam siya!!


"Ganon ba? Sige. Magkita nalang tayo sa bahay." Natural na sabi nito bago naglakad papunta sa sasakyang itim na nakapark malapit dito sa pwesto namin.


"Sa uncle mo pala ikaw nakatira? Nasaan parents mo?" Kunot-noong tanong ko na nakakuha ng atensyon niya.


"Nasa probinsya."


"Ah kaya naman pala eh," Nakangiti kong sabi sa kaniya. "Saang company nagtatrabaho ang uncle mo?"


"Uhm," bahagya niya pang kinamot ang ilong niya at umiwas ng tingin. "I think, advertising."


"Woah, nice!" mukhang may masasabi naman pala talaga ang pamilya niya. Pero bakit pakiramdam ko, jina-judge rin ako ng uncle niya kanina? Feeling ko may sinasabi siya sa isip niya tungkol sa akin dahil sa paraan ng pagtingin niya talaga sa akin kanina. Tapos dinagdagan pa ni Luke ng kasinungalingan niya kaya baka magalit na talaga sa akin ang uncle niya. Hindi ako BI noh????! "Hoy! Ikaw!" Turo ko sa kaniya pero nauna na siyang sumakay sa bus kaya ganon na rin ang ginawa ko. Doon pa siya umupo sa bandang likuran kaya nagmadali talaga akong umupo dahil umandar na siya.


Captivated By His Enchanted EyesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora