"Yhonna." Nag angat ang tingin ko. "Maaga ang practice kaya punta agad kayo sa music club." Saad ni Veron. Practice nga pala pero nandun si Zaiker at ayaw ko muna siyang makita baka matanong ko siya ng wala sa oras.

"Pwede bang hindi muna ako p-pumunta?" Kununot ang nuo ni Veron.

"Eh? bukas na ang battle kaya mas maaga ang practice kailangan nating maghanda?" Nag taka agad ang tingin ko sa kaniya.

"B-Bukas?" Kinuha ko ang notebook na pinagsusulatan ng notes. Tss bukas nanga.

"Oo nakalimutan mo ba?" Takang tanong rin niya.

"Sige, p-pupunta ako." May tumawag kay Veron kaya iniwan na niya ako.

Wala akong pagpipilian, kung pwede lang umatras gagawin ko na baka rin kasi hindi kami manalo dahil sa 'kin. Wala pa ako sa katinuan.

"Oh heto na, ano sinabi sayo ni Veron?" Nilapag ni Meli ang pagkain namin.

"Wala naman, about lang sa practice mamaya." Kinuha ko ang pagkain kailangan kong kumain para hindi mahalata ni Meli na may problema ako.

"Bukas nanga pala 'yun kaya bubuksan ang university para sa lahat." Isa panga iyan sa nakakapag dagdag kaba sakin. Ayaw na ayaw ko ng atensyon ng iba pero bukas kailangan ko mag perform sa harapan ng madaming tao.

"Wag mo na ako hintayin mamaya, mauna kana baka kabihin ako sa practice." Saad ko at tumango naman si Meli.

Nagsinungaling na naman ako. Nung lunes pa nagsimula ang trabaho ko sa gotohan na kainan naman sa gabi. Kaya hindi narin ako humihingi ng perang pambaon kay Mama dahil hinahati ko ang kinikita ko.

---

"Konting minuto nalang magsisimula na tayo." Anunsyo ni Jacob.

Nasa music club na kami pagtapos ng last class katabi ko ngayon ni Ryona habang nakikipag usap sa isa naming kasama. Wala pa si Zaiker at siya nalang ang hinihintay kaya nakahinga ako ng maluwag. Kaya pala unang pagkikita palang namin pamilyar na ang muka niya dahil kamukang kamuka niya si Papa.

"I'm here, let's start." Halos manginig ang tuhod ko sa seryosong boses niya at ang presensya niyang dumaan sa harapan namin.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa party niya dahil naging blangko na ang utak ko nun, hindi ko rin naman matanong sila Ryona dahil ayaw ko sila magtaka.

Nagsimula ang practice at seryoso ang lahat hindi lang isang kanta ang tinugtog ng bawat grupo kailangan namin husayan para bukas. Nagsalita rin ng pang palakas loob sila Jacob at ang iba pa. Pinili ko nalang manahimik at maging seryoso.

"Are you'll ready tomorrow? We can still practice until tomorrow's afternoon." Pagsasalita niya gamit ang normal na boses habang ang mga tingin ko ay nasa ibaba lang.

"Makakapag handa pa tayo bukas kaya galingan niyong lahat." Nagpalakpakan kaming lahat at pwede na kaming umuwi.

Hindi ko alam kung makakapag trabaho pa ako dahil pagod narin ang katawan ko. Kapag hindi ako pumasok baka masesante ako wala pa akong isang linggo absent agad.

Malapit lang ang bayan sa university kaya mas pinili kong lakarin sayang rin ang pamasahe.

"Pasensya na po late ako." Hinubad ko ang ID ko at tinabi sa loob ng gotohan ang bag ko.

"Ayos lang ija wala pa naman masyadong costumers mukang pagod ka ha." Sinundan ko si Aling Milda at nagsuot ng gloves para simulan ang pag se-serve.

"May ginawang practice lang po." Inaantok narin ako baka mamaya pag uwi ko tulog narin si Mama. Dito narin ako kumakain lalo na kapag may natira sayang naman daw kung itatapon na.

Mga tatlong babae rin kaming nag tra-trabaho dito at isang lalaki sa cashier. Pumunta muna ako sa loob para ayusin ang istura ko.

Paglabas ko dumadami na ang costumers masarap rin kasi ang mga ulam dito at mura pa. Tipid bulsa.

"Yhonna pa serve sa table 10 thank you." Kinuha ko ang mga ulam na inabot ni Jessica at ngumiti naman ako.

Mag students rin 'to, halata sa jerseys na suot nila.

"May order pa po ba kayo?" Kinuha ko ang maliit na notebook at ballpen.

"Oy Yhonna." Nag angat ang tingin ko at halos malaglag ang panga kong nakatingin kay Keijo na nakangiti sa 'kin ngayon.

"Anong ginagawa mo dito." Lumakad ako papunta kila Aling Milda para sabihan ang order nila.

"Obvious ba? dito ako nag tra-trabaho." Natawa naman siya kahit hindi naman nakakatawa ang sagot ko.

"Heto naman ang init ng ulo, sige anong tapos ng trabaho mo?" Kunot nuo akong humarap sa kaniya.

"Bakit mo tinatanong?" Pinag singkitan ko siya ng mata.

"Para maihahatid kita sa inyo." Inosenteng saad niya.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now