"Uy, sungit," mahinang anang ng isang babae roon sa gilid. Mahina namang nagsitawanan ang mga kasama niya nang dahil sa nasabi nito.

"Anong sadya niyo? Bibili ba kayo, ha?" masungit na anang ni Tyrene. Nasapo ko ang aking noo nang dahil sa ginagawa niya. Tiyak na mawawalan siya ng customer kung ganoon ang ugaling ipinapakita niya.

Imbes na sumagot ay inilibot ng mga babae ang mga paningin nila. Sa tingin ko ay may hinahanap sila. Nangunot ang noo ko nang nanlaki ang mga mata nila nang magsalubong ang mga tingin namin.

Umawang ang labi ko nang makitang nagpipigil ng tili ang mga babaeng iyon. Hinahampas–hampas pa nila ang isat–isa para lang mapigilan ang hindi maipaliwanag na tuwa.

"Hala, sabi sa yo, e! Nandito pa sila!"

"OMG! 'Di ko kinaya!"

"Pogi!"

Isa–isang anang ng mga babae, habang naghahampasan nang pabiro sa isat–isa. Tuwang tuwa ang mga mukha nila nang tignan kami. Nilagpasan nila si Tyrene at agad na dumeretso sa amin.

Umawang ang labi ko nang maglabas sila ng notebook at ballpen nang marating nila ang harapan namin. Nanginginig pa ang mga kamay ng isang babae nang iabot nito ang ballpen at isang maliit na notebook sa akin.

"Pa–autograph, idol! Ganda mo! Kita kita sa television, eh! Napakagaling mo mag–spike!" natutuwang anang ng babae, mahina pang tumatawa nang dahil sa sinasabi niya sa harapan ko.

Mahina naman akong natawa nang dahil sa reaksyon niya. Nakangiti kong inabot ang ballpen at maliit na notebook mula sa kaniya. Agad akong pumirma roon sa pinakaunahan ng notebook. Nauna agad ang pangalan ko sa mga pipirma.

Nang tignan ko ang mga kasama ko ay pawang mga nagkukuhaan na sila ng mga litrato kasama ang mga babae. Maliban lang kay Alvaro na masungit ang pagmumukha kaya siguro ay hindi siya malapitan ng mga babae.

Nakangiwi kong tinignan si Alvaro. "Psst! Uy!" natatawang tawag ko kay Alvaro. Tumaas ang kilay niya, nakangiti na sa akin. "Sungit ng mukha mo!"

Mahina siyang natawa bago lumapit sa akin at hawakan nang may higpit ang bewang ko. "Hindi naman, ah?" Ramdam ko na nakangiti siya habang sinasabi iyon.

Hinarap ko siya kaya natanggal ang kapit nito sa bewang ko. Tinignan ko lang siya saglit bago pumunta sa mga babaeng may kabataan ang edad.

Nakangiti akong nagsalita. "Gusto niyo ba makipag–picture kay Var?" nakangiting saad ko sa kanila.

Natutuwang napatango sila agad agad nang dahil sa tanong ko. Ibinigay kaagad noong isang babae ang phone niya sa akin. Agad na nagsilapitan ang mga babae kay Alvaro na siya namang ikinagulat ng boyfriend ko.

Love, nakangiting saad ko, nakatingin nang deretso sa mga mata niya. Tumaas ang isang kilay niya sa akin. Sinenyasan ko siyang ngumiti. "Smile, please." Napairap siya nang mapagtantong wala siyang magagawa sa sinabi ko.

Inaasahan kong magiging pilit ang ngiti niya pero napaawang ang labi ko nang matamis na ngiti ang inilabas niya. Nakailang click ako sa camera button, magkakaiba ang posing nilang apat.

Nang tignan ko ay hindi ko maiwasang matuwa dahil mukha silang magkakapatid sa mga litrato na nakuha ko. Panganay na panganay ang dating ni Alvaro sa mga litratong iyon.

"Ate Camila, sama ka!" magiliw na anyaya ng isang babae sa akin, sinesenyas niya pang lumapit ako.

Ngumiti ako bago ibigay kay Tyrene ang camera. "Kailangan maganda ako riyan," natatawang saad ko kay Tyrene, tumango naman siya, nagpipigil ng tawa.

Lumapit ako sa kanila, at doon ako tumabi sa isang babae sa gilid. Ang eksena ay napapagiliran namin ni Alvaro ang tatlong babae.

I did some posing for those pictures. I was amazed by Tyrene's photography skills and the cooperation also of the girl's phone. It was an Android phone but, its camera was better than my iPhone.

"Kulit mo," said Sevann, we are now leaving the coffee shop. I let out a small chuckle as I looked at him.

"Pinagbigyan mo naman," I said, being so confident. Nakita kong napangiwi siya bago napapailing na natawa sa sinabi ko. Hinawakan na niya ang kamay ko bago ako iginiya papunta sa lugar kung saan niya pinarke ang kotse namin.

"Akala ko kasi na baka pati bata pagselosan mo kapag nakipagpicture ako," natatawang panimula ni Alvaro nang makapasok kami sa kotse.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Napasinghap ako bago siya hinampas nang marahan sa kaniyang balikat. "Hindi 'no!" inis kong tanggi sa sinabi kaya malakas siyang napahalakhak na lalo nagpainis sa buo kong pagkatao.

&.&

Love Grows Where His Camila GoesWhere stories live. Discover now