CHAPTER 13: MATA AU HI MADE

1 0 0
                                    

CHAYOUNG POV

Hindi pa rin naalis sa isip ko yung tungkol kay Chaeyoon. I hate seeing somebody hurt because of me. Napatingin ako sa orasan, it's past seven pero wala pa si Sangwoo para sunduin ako. I'll just commute to school.

Pagdating ko sa pad, everyone is silent. Sangwoo and In Hye is looking at each other like they are going to throw hands.

"Pwede bang may magsabi sa akin ng nangyayari?" wala manlang pumansin sa akin.

"You really want this In Hye?" sabi ni Sangwoo, he is angry.

"At sa tingin mo matatakot ako sayo?" tanong ni In Hye

"Paano kung hilahin ko lahat ng shares na nakapangalan kay lolo?" tanong ni Sangwoo, what is happening.

"Then let a war begin. pababagsakin kita!"

"TUMIGIL NA NGA KAYO!" Chaeyoon started crying.

"Chaeyoon..." sabi ni Seung Ji at lumapit sila kay Chaeyoon

"Bakit ako titigil? Anong ginawa kong masama? I will protect what is important to me. Walang mali sa ginagawa ko" He raised his voice at Chaeyoon and I can see that she's sad.

"Sangwoo, tumigil ka na please" sabi ko

He just looked at me and smile sweetly. He held my hands and gently hugged me. Bigla kong naalala yung letter ni Chaeyoon. Itinulak ko ng konti si Sangwoo, just enough to lose the hug. Ayokong masaktan si Chaeyoon at isa pa, wala naman syang dahilan para yakapin ako.

"Bakit...bakit hindi mo damayan si Chaeyoon dun? Mas kailangan nya ang yakap mo kaysa sa akin" sabi ko at lumabas sa pad

Tumakbo ako, tumakbo ako ng mabilis hanggang hindi ko na alam kung nasaan ako. I just found myself crying.

"Haha! Ano ba tong nararamdaman ko! Nakakatawa naman" para akong baliw na kinakausap ang sarili ko

"Ikaw ang dahilan" biglang sulpot ni Dae Woong

"Ako?" tanong ko

"Kinausap kaming lahat ni Sangwoo na wag na wag sasabihin sayo ang nangyayari, pero...hindi ko naman kayang makitang malungkot ka" nialpitan nya ako at inagbutan ng panyo.

"Ano bang nangyayari"

"Yung nangyari sayo kahapon? Si In Hye at Seung Ji ang nag-utos nun." sabi ni Dae Woong

"Sila? Pero bakit? Ano bang nagawa ko? May nagawa ba akong mali?"

"Wala! Wala kang ginawang masama it's just..."

"It's just what? Dae Woong sabihin mo" kung ako ang dahilan nitong lahat, I'm sure na ajko din ang makakagawa ng paraan na maayos to.

"Chayoung, may mga bagay na nakakasakit sa kanila" So, tama ako...

"Sino? Si Sangwoo ba? Yung pagtrato nya? Yun ba? Pero..."

"Oo yun nga" sagot nya

"Si Chaeyoon ba?" tanong ko

"Paano mo--"

"Nasasaktan ko ba yung kaibigan nila kaya sila nagagalit sa akin?" tanong ko

"Oo, sya ang dahilan at nung nalaman ni Sangwoo lahat nang nangyari, hinila nya ang stocks sa company sa pamilya ni Seung Ji at In Hye at ngayon mababankrupt sila" sabi ni Dae Woong

Ginawa na naman nya! Paulit-ulit nalang! Palagi nalang may nasasaktang iba.

"Chayoung...kumalma ka" sabi ni Dae Woong

"Inulit na naman nya!"

Naalala ko noon, mayroon ako kaibigan pero, may nangyari...ninakaw nya yung isa sa mga regalo sa akin ni Sangwoo, at sa sobrang galit ni Sangwoo tinanggal nya sa trabaho yung tatay nung kaibigan ko.

INVISIBLE KINGWhere stories live. Discover now