CHAPTER 12: THE WELCOME

1 0 0
                                    

CHAYOUNG POV

"Salamat po, opo mamaya pong after class, salamat po ulit" sabi ko at binaba yung telepono

"Waaahhh! Natanggap ako!" Natnaggap ako sa Cafe na pinag-applyan ko!

Teka magbibihis na ako, ayoko namang malate.

"Alin kayang sapatos ang isusuot ko? Ang dami naman! Hmmmmm...ito nalang!" sabi ko at kinuha yung flat na black

Notebook, lunch, ballpen, assignment, book... ano pa ba ang kulang?

"Teka panyo ko!...panyo okay na!" lumabas na ako sa suite at dumiretso na sa elevator. I'm on time!

"Ahh, Ms. Jeong!" Hinabol pa talag ako nung guard.

"Ah, 6:37 na po" sabi ko

"Salamat po" sabi nya

Nakalista kasi sa kanya kung anong oras ako naalis at nabalik dito, si Sangwoo kasi, sabi nya for safety purposes daw. Paranoid lang sya, kaya ko naman ang sarili ko.

Malapit lang naman ang school, kahit sabi ni Sangwoo mag-bus daw ako nilalakad ko nalang. Nakakapanibago dito sa Bundang. Ang daming buildings di katulad sa lugar namin sa Cheonan, medyo less developed.

Siguro mga 20 minutes na lakaran lang naman yung school mula dun sa hotel. May exams nga pala kami next week. Dapat maisingit ko yung pagrereview ko sa sched ko.

"Teka saan ba ang-wahh!" Naramdaman kong tumama yung bewang ko sa pathway. Kahit kailan ka talaga Chayoung. Hindi ka naman bulag eh!

"Araaay!" Tumingin ako sa paligid, I's pretty sure na natapilok ako kung saan pero wala namang bato o kung anomang nakaharang sa pathway. Ano ba yan, patag na nga yung daan, natatapilok pa ako.

"Ayos lang po ba kayo Miss Chayoung?" tanong ng ilang estudyante, nagsilapitan sila sa akin.

"Ahh..Oo" sagot ko. Pinilit kong tumayo pero masakit yung pagkakabagsak ko.

"Tulungan na po namin kayo" sabi nung ilang estudyante at tinulungan nila akong makatayo. Humingi ako ng pasensya sa kanila. Nakaka-abal na naman ako.

Lumakad na ako papunta sa building ng Monarch class ng biglang may...

"Ah! Ah! Ah! Ang dulas ng hagdanan"Sobrang dulas ng hagdan, siguro nahulog ako ng apat na steps, hindi maganda yung pagkakatama ng likod ko. Sobrang sakit.

Maraming estudyante ang nagtatakbo sa akin para tulungan ako, nakakahiya naman!

"Ayos lang ako! Sige na" sabi ko

Pinilit kong tumayo kahit masakit. Ayaw ko namang makarating to kay Sangwoo kasi sigurado akong papagalitan nya ako.

This time humawak na ako sa railings at dahan-dahan na akong umakyat. Nung nasa 3 floor na ako biglang may bumagsak sa aking kung ano na malagkit. Para bang may nagbuhos sa akin mula sa upper floor.

This feels so familiar. So familiar.

"Teka? Glue ba to?"

Sinubukan kong alisin yung glue sa mukha ko. Bababa na sana ako papunta sa pad ng biglang may sumigaw.

"MISS CHAYOUNG MAG-INGAT PO KAYO!"


SANGWOO POV

"Okay, salamat sa update. tawagan mo ulit ako kapag nakauwi na sya dyan" sabi ko at binaba yung telepono

"Kuya, nandito na tayo" sabi ni Sang-In

Pagkababang-pagkababa ko palang may kakaiba na, it's eerily quiet and chaotic at the same time.

"Nasaan ang mga tao?" tanong ni Sang-In

INVISIBLE KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon