"Babalik din yun kuya.." biglang humina ang boses niya.

"Kelan? Ilang taon na pero nandito parin ako at naghihintay sa wala." Inis akong tumingin sa bote.

"Bro.." tawag ni Ty na bagong dating galing sa kusina. "Inomin mo na mahal." Binigay nito ang gatas kay Elvie.

"Ayuko nga niyan! Ang baho!" Inis na sabi ni Elvie at umalis.

"Hyst.." sabi na lang ni Ty. "Hindi kita masasamahan bro, may topak na naman si buntis." Sabi nito kaya natawa kami.

"Kelan ko kaya mararanasan yan kay Tricia.." bulong ko.

"Babalik yun bud." Tinapik niya ang balikat ko at umalis na.

Sa apat na taon na lumipas naging ganap na engineer ako gaya ng gusto ko at nakapag-patayo ang sariling bahay na para sana samin ni Tricia nagbabakasakaling babalik siya.. babalik sa piling ko. Pero apat na taon na akong naghihintay pero wala paring pinagbago ang buhay ko.

Natutunan ko siyang mahalin nung mga sandaling magkasama kami doon sa birthday ni Zander, hindi ko akalain na napapasaya niya ako kahit sa munting ngiti niya lang, lahat ng mga bagay sakin ay nabago ng dahil sa kaniya pero hindi ko napapansin. Napansin ko na lang iyon nang malapit na kami mag-gruadate at saka naman siya umalis, kung kelan handa na akong ibigay sa kaniya lahat pati pagmamahal na dapat ay dati ko pa binigay.

Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. Kung sana noon ko pa napansin na gusto ko pala siya edi sana nandito siya sa tabi ko at sabay kaming bubuo nang pamilya ngayon at masayang nag-uusap habang kumakain at sabay na mag-aalaga ng mga anak namin kung magkaroon man kami, lahat nakaplano na sakin siya na lang ang kulang ngayon.


.
.
.
.

"Tol! Busy?" Pumasok si France sa opisina ko.

"Yah, why?" Tanong ko habang nasa laptop ang tingin.

"Nothing, check mo kaya instagram mo." Sabi niya pa pero umiling ako.

"Wala akong oras diyan." Sagot ko.

"Subukan mo lang, baka lumiwanag mundo mo." Humalakhak pa ito at saka nagpaalam na aalis na.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pinagpatuloy na lang ang trabaho ko dahil gusto ko na lahat itong matapos para bukas ay makapag-pahinga naman ako kahit papano.

Pagsapit ng gabi ay umuwi na ako sa bahay, sa bahay na sarili kong gawa na para samin ni Tricia at sa mabubuo sana naming pamilya. Dumeretsyo ako sa kwarto at naligo at saka ako padapa na nahiga sa kama ko at saka handa na sanang matulog ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko yun sa bed side table ko at saka chineck at halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita.

'tr1ciaaa likes your photo.'

Agad akong napabangon at napasandal sa headboard ng kama at saka ko binuksan ang instagram para makita kong totoo ba itong nakikita ko. Agad na bumungad sakin ang 15 notification sa instagram ko at agad kong tinigna at halos lumuwa ang mata ko sa nakikita, lahat ng post ko sa mga taon na lumipas ay naka-react si Tricia at saka ang react niya ay nung isang buwan pa at ngayon.

Dahil sa gulat, chineck ko ang account ni Tricia at halos maubusan ako ng hangin dahil sa pagkagulat nang bumungad sakin ang picture ng isang batang lalaki, agad ko yun tinignan at halos lumuwa ang mata ko dahil gantong ganto ako nung bata ako, kumunot ang noo ko at saka mas lalong nagulohan ng mabasa ko ang mga comment, pati sila Zander ay nag-comment.


Bea_crys: parang kamukha ni Steven.

frances: lol what's that?

marvin.1: Mention niyo si Steven.

Chasing The Heartless Guy Series #2Onde histórias criam vida. Descubra agora