CHAPTER 19

5.4K 107 13
                                    







TRICIA'S POV:



"Sabi po ni Wowa bibiwhan niya po ako ng maraming cars!" Tumalon talon pa si Triven sa harapan namin.

Nakaupo kami ni Steven sa mahabang sofa at nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Steven at naka-akbay naman ang braso ni Steven sakin, samantalang ang bulol namin ay nasa unahan at saka nagtatalon talon habang kinikwento ang mga sinabi ng lola niya sa kaniya at saka ang mga pinamili nito.

"Bahay at lupa ang hingin mo kay lola at lolo mo." Sabi ni Steven sa anak.

"Hoy mahiya ka nga." Pinalo ko sa dibdib si Steven na tinawanan lang ako.

"Okay po daddy!" Masayang sabi ni Triven.

"Good." Ngumiti si Steven sa anak.

"Sabi po ni Wowa kukunin niya po ako mamaya." Masayang sabi ni Triven.

"Hindi ka naman ba makulit kela lolo at lola mo?" Tanong ko.

"No mommy! I'm behave po." Sabi niya at saka lumapit samin ni Steven.

"Wag makulit ha, baka lalong tumanda sila lolo mo." Tumatawang sabi ni Steven.

"Kung ano ano na yang pinagsasabi mo sa apo ko." Biglang sulpot ng ama ni Steven.

"Wowo! Wowa!" Agad na lumapit si Triven sa dalawang bagong dating.

"Miss me apo?" Hinalikan ni Tita si Triven.

"Yes po!" Masiglang sagot ni Triven.

"Oh siya kikidnapin ulit namin toh, i want triplets btw." Sabi ni Tito at saka umalis na sila habang hila hila si Triven.

"Kung maka demand kala mo naman siya magpapakain." Sabi ni Steven ng mawala na sa paningin namin ang mag-asawa at anak.

"Ikaw talaga." Pabiro niya itong kinirot sa tagiliran.

"May gusto ka ba kainin?" Tanong niya.

"Pupunta ako sa airport remember?" Tanong ko.

"Ah yeah, sasamahan na kita." Sabi niya.

Pumunta kami sa kwarto at saka ako naligo mag-isa pero biglang sumabay sakin si Steven at nag mabilisan lang kami at saka nag-bihis at saka namin tinungo ang airport dahil magre-resign na ako ngayon. Ayuko pa sana pero sapat na din yung mga taon para dun tsaka kailangan ko nang mas maayos na pahinga.

Pumasok ako sa loob ng airport at dumeretsyo sa office ng manager namin at saka nagpaalam sa kaniya at binigay ang resignation paper ko nagulat pa siya dahil sa biglaan kong pag-alis pero sinabi ko din ang dahilan sa kaniya.

"Tapos na?" Tanong ni Steven ng makalapit ako sa kaniya kaya tumango ako.

"Mmm.. uwi na tayo, inaantok ako." Humikab pa ako.

"Lets go." Inakbayan niya ako at sabay na kaming umalis doon at sumakay sa kotse.

"Nagugutom ako." Napatingin ako sa labas ng bintana at tinitignan ang nga dinadaanan.

"Ano gusto mong kainin?" Tanong niya kaya napa-isip ako.

"Gusto ko ng apple." Tumango siya sakin.

"Okay then will-"

"Na kulay violet." Putol ko sa sasabihin niya at napamaang naman siya.

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now