CHAPTER TWELVE

6.3K 133 54
                                    





TRICIA'S POV:

"Bukas na pala ang celebration ng birthday ni Zander." Sabi ni Abi.

"Naka-handa na nga ang damit ko." Sabi naman ni Elvie.

"Ako din hehe." Sabi ni Abi at tumawa.

"Ikaw Tricia?" Tanong ni Elvie.

"May simple dress ako sa condo ko pwede na yun." Sabi ko.

"Pero teka nga ah, kailan mo balak pansinin si Stev?" Tanong ni Abi.

"Ha?" Tanong ko.

"Bakit mo siya nilalayuan?" Tanong ulit ni Abi.

"Hindi ba halata Abi, malamang kasi pagod na siya kakahabol sa tukmol kong kuya." Kumagat si Elvie sa hawak niyang burger.

"Yang kuya mo naman kasi." Sabi ni Abi.

Nandito kami sa canteen at kumakain dahil lunch break na at saka syempre nandito na naman ang X-hunter pero nasa likod namin sila pwesto.

"Cr muna ako." Paalam ko at tumango naman sila.

Dala-dala ko ang bag ko paalis ng canteen at hindi pa ako masyado nakaka-layo canteen ay biglang may humawak sa braso ko at hinila ako sa may mga wala masyadong tao at nagulat pa ako na si Steven yun na lukot na lukot ang mukha... badtrip?

"S-steven.." mahinang sambit ko sa pangalan niya pero naka-titig lang siya sakin.

"May kailangan ka?" Tanong ko pero nakatitig lang siya. "Kung wala aalis na ako." Tatalikuran ko na sana siya pero bigla siyang nagsalita.

"Why?" Tanong niya na ikina-taka ko. "Bakit hindi mo ako pinapansin?" Dagdag niya pa.

"Steven naririnig mo ba ang sarili mo?" Tumawa ako ng pagak. "Sabi mo wag na kitang sundan diba, tapos ngayon na tumigil ako magtatanong ka ng ganiyan." Sabi ko.

"Kasi hindi ako sanay.." sabi niya.

"Masanay kana.." sabi ko at nagtinginan kami. "Napag isip-isip ko kasi na dapat na kitang tigilan, siguro tama na yung almost 2months na yun para magpaka-tanga ako sayo... kasi sa sobrang pagmamahal ko sayo nakalimutan ko na yung sarili ko.." tumawa ako at saka tumingin sa taas para pigilan ang traydor kong luha. "Kasi Steven dun ko lang naramdaman yung pagod, ako yung nasa tabi mo e.. pero iba ang nakikita mo." Hindi ko na napigilan ang mga luhang gustong lumabas, kaya tinignan ko na lang siya habang tuloy tuloy ang mga luha ko.

"S-steven ako yung nasa tabi mo e, pero si Althea ang nasa dito mo." Dinuro ko siya kung nasaan ang parteng puso niya. "Yung gusto na kitang sigawan ng 'Steven nandito ako!' Pero wala e, masyadong malakas ang kalaban ko... sobrang sakit na Steven tama na.." napaupo ako at yinakap ang sarili kong tuhod.
"K-kung nasasaktan ka nasasaktan din ako.." umupo din siya para magpantay kami at hinawakan niya ang baba ko para itingala sa kaniya. "S-steven.. pano ako? P-pano naman ako?" Tanong ko pero hindi siya sumagot.

"M-may nararamdaman din ako Steven.., tao din naman kasi ako na nasasaktan, g-gu-gusto lang naman kitang mahalin e." Hikbi ako ng hikbi. "P-pero ang sakit.. ang sakit sakit mo mahalin, walang lumipas na gabi na hindi ako umiiyak ng dahil sayo, pagkagising ko sa umaga ikaw ang papasok sa isip at magtatanong ng kung 'ayos ka lang ba?' Kung 'kumain kana ba' naghihintay ako at umaasa parin na sana dumating ang araw na maging akin ka.." umiyak ako ng umiyak. "Bakit hindi mo makitang nandito ako? Potangina Steven ako ang nandito!" Hindi ko napigilan ang sarili kong sumigaw. "Steven andito ako oh, nandito ako.. pano ako?" Umiyak ako ng umiyak lahat ng sakit ay binigay ko na.

Chasing The Heartless Guy Series #2Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum