CHAPTER 13

6.8K 146 51
                                    


TRICIA'S POV:




"Kanina ka pa tinitignan ni Stev oh." Nguso ni Althea sa may likuran ko kung saan nandun sila Steven at ang iba pa na nagiinuman.

Nilapitan ko kasi si Althea para naman makausap siya kahit saglit at gusto ko talaga mahawakan ang tiyan niya at magpapaalam na ako pero ayan nagchi-chismisan na kami, umuwi na din kasi sila Abigayle kaya wala na akong kasama.

"Imposible, sayo yan naka-tingin." Pilit akong ngumiti.

"Sira, tignan mo." Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at nilingon sa likod.

Aray ah.. masakit. Close ba kami netoh? Tsk.

Napasinghap pa ako nang hangin ng magtama ang tingin namin ni Steven, taimtim siyang naka-tingin sakin habang hawak ang isang baso na may alak. Binalik ko kay Althea ang tingin ko nang hindi ko na makayanan ang tingin niya.

"See?" Tanong niya pa.

"Kailangan ko ng umuwi, medyo naparami kasi inom ko ng wine." Alam kong may tama na ako kaya kailangan ko ng umuwi.

"Pwede kana man mag-stay dito e." Alok niya.

"Hindi na, mas gusto ko sa condo ko." Ngumiti ako.

"Ingat ka." Nginitian ko siya.

"Yeah sure, thanks." Kumaway siya sakin.


Paglabas ko ng hall na yun ay tinahak ko na ang palabas ng hotel at palabas na ako nang biglang may humawak sa bewang ko kaya naman agad akong lumayo dun pagkatapos itulak yung mapangahas na hawakan ako sa bewang.

"Mind to bed with me?" Tanong nitong lalaki.

"No thanks." Malditang sabi ko at saka aalis na sana ng hawakan niya ako sa siko ko. "Ano ba.. bitawan mo ako!" Singhal ko.

"Wag na pakipot miss." Napaka-baho ng hininga niya!

"Ano ba! Tatawag ako ng guard kapag hindi mo ako binitawan." Pananakot ko.

"Edi tumawag ka." Ngumisi pa siya. Halatang lasing na lasing ang lugmok na toh.

"Bitawan mo ako sabi e." Napasinghap ako ng bigla niya akong hapitin sa katawan niya.

Tangina mas gusto ko ang katawan ni Ste—hep! Kalandian na naman Tricia.

"Isang oras lang.." bulong niya.

"Bitaw! Tangina di ako bayarang babae!" Inis na sabi ko at saka ko siya tinuhod at tinamaan ang birdie niya.

Napayuko siya habang hawak hawak ang birdie niya na mukhang mamamaga pa dahil sa pagkakatuhod ko, panay ang mura niya at nag-angat siya ng tingin sakin at sobrang sama ng tingin niya kaya napa-atras ako sa takot. Panay ang atras ko hanggang sa may nabangga ako na sobrang tigas ay akala ko pader na, kung hindi niya lang ako hinawakan sa dalawa kong bewang ay masasabi kong pader na talaga.

Lalayo na din sana ako nang maamoy ko ang pabango niya ay hindi ko na nagawa pang lumayo dahil alam kong matutulongan niya ako sa isang toh.

"Tangina mong babae ka! Halika dito!" Galit na sigaw sakin nung tinuhod ko.

Agad akong humarap kay Steven at tinago ang mukha ko sa dibdib niya kaya amoy na amoy ko na ngayon ang amoy alak at pabango niya na pinaghalo.

"What happened here?" Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang dalawang braso ni Steven na pumalibot sa likod kong nakikita.

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now