Pagkarating namin sa mini store ay agad niya akong hinila kong saan niya nakita yung lagayan ng mga ice-cream at tsaka naman ako kumuha ng mga limang klase lang para may stock na din sa ref namin, pagkatapos sa ice-cream ay hawak ko sa kamay si Triven na pumunta sa mga chips at saka ako pumunta sa soft-drink at saka kami dumeretsyo sa cashier na ngayon ay kinakausap ni Triven.

"Youw so pwetty po." Masiglang sabi ni Triven sa cashier.

"Hala thank you, ikaw naman ang gwapo." Tuwang tuwa naman ang cashier sa kaniya.

"Pwede po discount?" Nagpa-cute pa si Triven.

"Anak ano ka ba." Natatawang saway ko. "Sorry makulit talaga ang bulol na toh." Ngumiti ako sa cashier.

"Naku ma'am ayos lang po, ang cute cute nga po e." Inabot ko sa kaniya ang bayad ko.

"Pwede mag stay muna kami dito?" Tumango sakin ang cashier at kinawayan si Triven.

Umupo kami ni Triven at magkaharap kaming dalawa, binigyan ko siya ng ice-cream at saka ko hinintay na matapos siya kumain, busy siya sa pagkain samantalang ako busy sa kakatingin sa labas at binibilang ang mga sasakyan na dumadaan.

13...

14...

15...

"Tricia?" Nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko kaya agad akong lumingon at tiningala ang tumawag sakin. "O.M.G ikaw nga!" Tili niya.

"Elvie!" Yumakap ako sa kaniya at muli akong umupo.

"Kelan ka pa bumalik?" Tanong niya.

"Kanina lang." Ngumiti ako sa kaniya, ang laki ng pinag-bago niya.

"Grabe biglaan yung pag-alis mo dati, kung alam ko lang na yun na pala ang huli kong kita sayo dapat sinako na kita." Nag-pout pa siya, hindi naman toh ganto dati.

"Ah oo." Nahihiyang sabi ko.

"Why mo po isasako mommy ko?" Biglang tanong ni Triven kaya binalingan siya ni Elvie at biglang nanlaki ang mga mata.

"Oh My Gad... don't tell me.." hindi niya pa matuloy ang salita niya dahil sa gulat.

"Umayos ka gaga, tinatakot mo ang anak ko." Nakikita ko na kasing namumuo na ang luha sa mga mata ni Triven.

"Bakit naman siya matatakot sakin e ang ganda ganda ko." Tinarayan niya ako kaya napa-iling iling na lang ako.

"Who awe you po?" Tanong ni Triven.

"Ano daw?" Hyst...

"Sino ka daw." Bulol kasi sa 'R' at 'L' si Triven.

"I'm your Tita Elvie." Nakangiting pakilala niya. "Ang gwapo ng pamangkin ko." Pinisil niya pa ang pisngi ni Triven.

"Hoy, wag mo naman pisilin.. kaya palaki ng palaki ang pisngi e." Pinalo ko ang kamay niya.

"Aray naman! Bayulente kana ah.. isusumbong kita sa asawa ko, sinasaktan mo ang buntis." Ngumuso siya.

"Gaga seryuso buntis ka?" Gulat na tanong ko at naka-ngiting tumango siya.

"2 months palang." Hinimas niya ang tiyan niya.

"Congrats." Ngumiti ako at tumango siya.

"Magkwento ka nga, pano nangyaring may anak kayo ni kuya?" Nagtatakang tanong niya.

"Remember nung pumunta ako sa bahay niyo? Dun ko din nalaman na buntis ako sasabihin ko palang sana kay Steven." Tumango tango naman siya.

"E bakit ka umalis?" Tanong niya.

"Kasi narinig ko sila na naguusap nila Kyle na kapag nagkataon daw di pa siya handa sa mga anak anak." Kwento ko.

"Alam mo ba nung umalis ka halos maubos ang alak sa bar ng buong bar dito." Sabi niya.

"Hah?"

"Nung umalis ka kasi pinahanap ka ni kuya tapos wala namang nangyari kaya ayon, nilunod niya ang sarili sa alak tapos sinasambit ang pangalan mo at tanong ng tanong, kahit nga sila Zander ay walang magawa pati nga si Althea ay kinausap din si kuya pero walang nangyari." Kwento niya at tinignan ang anak ko. "Ipapaalam mo ba kay kuya na may anak kayo?" Tanong niya at natahimik ako.

"H-hindi ko alam.." Tinignan ko si Triven na dinidilaan parin ang ice-cream niya.

"Hindi sa nanghihimasok ako, pero anak din ni kuya yan may karapatan din si kuya na malaman na may anak kayo." Napatungo ako.

"Alam ko.." mahinang sabi ko. "Pero pano kung hindi niya matanggap?" Biglang sumikip ang dibdib ko.

"Hindi naman ganun kasama si kuya para itakwil ang sarili niyang anak." Sabi niya. "Naku! May bibilhin lang pala ako, aalis na ako ah... btw punta ka sa party ko ah, baka nakakalimutan mo birthday ko bukas." Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Owem.. oo nga pala! Sige pupunta ako." Ngumiti ako sa kaniya.

"Isama mo si baby ah." Ngumiti siya at saka tipid ako na tumango. "Ano name mo baby?" Tanong niya kay Triven.

"Twiven Dewavin Muñez po." Sagot naman ni Triven.

"So dala niya apilyedo ni kuya?" Tanong ni Elvie kaya tumango ako.

"Hindi ko naman pinagkait sa kaniya, araw-araw kong kinukwento kay Triven na may ama siya at si Steven yun." Sagot ko at yinakap naman niya ako.

"Thank you, oh siya alis na ako.. bukas ah." Kumaway ako sa kaniya.

Pagkalabas niya ng mini store ay sumunod naman kami ng mga ilang minuto at saka kami bumalik sa condo at inayusan ulit si Triven para matulog na at saka ko naman siya tinabihan at nagkwento hanggang sa maka-tulog siya.

Alam ni Triven na may ama siya at si Steven nga yun, ang sinasabi ko lang dito na kaya wala ang daddy niya samin kasi busy ito sa trabaho at hindi pa sila pwedeng magkita. Ramdam ko naman ang kasabikan ni Triven sa anak ko dahil parati niya din nakikita ang picture ni Steven sa social media lalo na sa IG dahil friends pa kami doon, tuwing gagamit si Triven ng Ipad ko ay IG agad ang binubuksan niya dahil alam niyang makikita niya ang ama niya dun kahit picture lang.








SEPTEMBER_AVERY

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now