"Such a stubborn girl! Paano nalang kung mapahamak siya?" Rinig kong bulong ni Teri. Natawa nalang ako. Nah! I don't think so! She's Nally after all!

"Tigilan mo nga yan! Mas malakas pa siya sayo. Baka nga ikaw pa ang iligtas niya eh!" Ani Ace. Same attitude as Zares.

"Tsk! Akala ko ba pinsan kita?" Ani Teri.

"Pag nagalit sakin si Zeyn mamaya, ako mismo papatay sayo!" Sabi ni Ace.

"Hahaha! Sigurado, magagalit yun mamaya!" Sambat naman ni Levin. Hindi ako makarelate sa kanila, tsk!

Nanahimik lang ako habang nagpatuloy kami. Wala na rin kaming nakikitang mga tauhan ni Fuentes.

Nasa unahan namin si Nally kaya nang huminto siya, huminto din kami.

Nagtaka pa ako dahil sa reaksyon ng mukha niya kaya lumapit ako.

"What's wrong, Nally?" Nakatingin siya ng deretso sa harapan.

Tiningnan ko ang tinitingnan niya at nanigas ako sa kinatatayuan nang makitang tinutukan ng baril ng isang lalaki si Zares.

Duguan na siya kaya siguro hindi na siya nakatayo. Si kaede naman, nasa gilid lang at parang estatwa dahil hindi kumikilos.

"Fvck!" Susugod sana ako ng humarang ang kamay ni Nally.

"Don't.."

"What? Can't you see--"

Tila gumuho ang mundo ko  nang umalingawngaw ang putok ng baril. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyong yun at nagulat sa nakita.

Zares' Point of View

Napasinghap ako at pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala akong naramdaman maliban sa mga sugat na natamo ko.

"Ahhhhh! Fvck!" Sigaw ng kung saan kaya napamulat ako.

"What the fvck, Alen?" Sigaw ni Fuentes. Si Jake naman, nakahandusay sa sahig at namimilipit sa sakit hawak ang binti niya.

Napatingin ako kay Alen na nakatingin din sakin. "Take her and this!" Turo niya Kay kaede at may ibinato siya saking maliit na syringe. "It a cure for their experiment!" Nagtaka ako sa kanya. "Go! And please, move now, shock later!" Aniya. Kaya tumayo ako at hinila si kaede na nagpupumiglas.

Kahit nahihirapan ay pinilit kong makalayo dun pero nakaramdam ako ng takot ng may humarang saming limang lalaki. Kaya ko naman tong patumbahin kung wala lang akong sugat.

Napatingin ako kay Kaede nang sinubukan niyang magpumiglas. Malakas akong bumuntong-hininga at pinisil ang batok niya kaya nawalan siya ng malay. For her, I can knock them out!

Pinahiga ko siyasa gilid at isinilid ang syringe sa bulsa ng jacket ko bago hinarap ang mga kalaban.

Sumugod sila kaya sumugod narin ako. Pero bago pa sila makalapit sakin, nagulat nalang ako ng tumumba silang lahat.

"BROOOOO!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng malakas na boses na yun.

"INSAAAAANNNNN" Alam ko na kung kaninong boses to.

Gusto kong batukan si Teri sa pagsigaw niya ng insan sakin.

Nakita ko sina Daren, Nally at Teri na may kasamang dalawang lalaking hindi ko Kilala. Lahat sila nakipaglaban. Sumisigaw pa sila sa lagay na yan?

"Go! Leave now!" Sigaw ni Nally kaya natauhan ako at naalala si Kaede.

Bubuhatin ko sana siya ng may humawak sakin.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now