From an outsider's point-of-view, it's very easy to believe that Paolo was such a proud boyfriend. Parang sobrang appreciated niya ang girlfriend niya. Medyo napangiti ako ng slight as if naman totoo ang mga pinagsasabi niya. Ang galing umarte. Dapat siguro mag-artista to.

"Talaga? Pansin ko nga parang inspired na inspired ka ngayon eh. Mukhang maswerte ka nga." Patol ni Kuya Kei.

Pakiramdam ko nga parang medyo madaling utuin itong si Kuya Kei dahil minsan parang masyado siyang mabait. Come to think of it, I never really saw him get angry. Annoyed and strict, yes, but never angry. Kaya mahal ko yan kahit dork madalas.

Ganito ba talaga sila kaclose? I know that they hang out together without me. Kaya alam ko na close si Paolo kina Kuya Kei, Jei at Jyu pero hindi ko naman naimagine na ganito siya ka-close.

"Talaga, Kuya. Haha. Hindi ko na pakakawalan to." He looked at me with a smile, as if he means what he just said. I want to throw up. Pinigilan ko ang sarili ko na hampasin siya ng kung ano mang madampot ko. Parang masyadong nacarried away sa acting niya eh.

Siguro ganito siya sa mga babaeng nakilala niya. I can see why it's very easy for him to make a lady fall head over heels. Kaya siguro ang daming nakukuhang babae dahil sa may paraan siya para maramdaman ng babae na sobrang pinapahalagahan siya nito. Idagdag mo pa na medyo may hitsura din siya, matangkad at mayaman. Kahit sinong babae siguro mahuhumaling sa kanya. Then again, ganyan naman talaga ang mga playboy. Parang scam lang. If it's too good to be true, chances are it's not true. 

I must say, he's very good at making one feel loved. Lalo na kapag nakatingin siya. He doesn't have piercing eyes. Rather, they somehow looked loving, especially when he's looking at me. Nakakailang kasi parang ang expression niya kasi eh, as if gandang-ganda siya sa akin. Alam ko namang acting lang yun.

Tinapik ni Kuya Kei ang balikat ni Paolo bilang suporta. "Ayusin mo na talaga yan, Pao. Wag mong paiiyakin." He turned to me. "Sand."

At tumigil ang mundo. Pakiramdam ko may naapakan akong landmine habang isang malamig na sensation ang gumapang sa likod ko. Kung detachable lang ang kaluluwa malamang lumayas na sa world ang kaluluwa ko.

"I mean, Sandra. Sorry medyo nalito ako. May kapatid kasi ako na Sand ang pangalan. Best friend ni Paolo." Paumanhin ni Kuya. "Para ngang may pagkakahawig nga kayo eh."

I can't decide if I wanna commit a felony at this very moment by banging Kuya Kei's head on the table to cause amnesia or just bang my head on the table myself. I'll decide after the dessert.

Normally, if talagang si Sandra ako, medyo mao-offend ako dahil parang nakalimutan niya ang pangalan ko pero dahil sa mabait ako at mukhang hindi naman talaga sinasadya ni Kuya Kei, hindi ko nalang pinansin.

Pakiramdam ko talaga namumukhaan ako ni Kuya Kei eh. I'm doomed! The dishonor! The shame!

"Parang hindi naman, Kuya," kontra ni Paolo in his efforts to change Kuya's mind about my face. "Siguro kasi pareho silang singkit pero parang malayo naman."

Kuya Kei looked at me. "Pag pina-iyak ka nito, sabihan mo ako ah at nang magulpi ko." Pabiro niyang sabi at tumawa pa.

Wow. Kuya Kei really saw Paolo as a younger brother. Am I missing something? Am I being replaced as the youngest brother now?

I bowed again as acknowledgment.  Ngumiti na din ako para hindi naman ako mukhang snob or aloof. What can I do? Hindi ako pwedeng magsalita dahil baka mahalata niya kung sino ako. Para ngang namumukhaan niya ako eh. Yabai!

"Kuya, naman!" reklamo ni Paolo na tinawanan lang ni Kuya Kei.

"O, siya. Sige. Punta na rin ako sa table namin. Dumaan lang ako para bumati," paalam ni Kuya. He smiled as he waved goodbye and proceeded to the table where several men in suits were seated.


Paolo sighed in relief once Kuya Kei was already out of earshot. Ako naman ay hindi na komportableng kumain dahil ayokong ibaba nang masyadong matagal ang panyo ko. Mahirap na at baka mapatingin si Kuya Kei at mamukhaan ako.

Parang pinagsisisihan ko na ang mga desisyon ko sa buhay.

"What the heck?! Muntik na tayong mabuko!" I nearly blurted out.

"Sa tingin ko hindi ka naman namukhaan ni Kuya Kei pero sa lahat ng girlfriends ko na nakilala niya, parang ikaw ang pinakagusto niya." He said optimistically as if talagang kailangan niya ang blessings ni Kuya Kei. "Ngayon lang kasi siya nagsalita ng ganun."

Sa lahat din ng mga 'girlfriends' na pinakilala niya kay Kuya Kei, ako lang din ang hindi 'girl' and hindi rin niya true 'girlfriend'.

"How can he not like me?! I'm his brother for god's sake. Baka kung ano ang isipin niya kapag nalaman niya 'to."

Napaisip sandali si Paolo. Seriously, he really thought that Kuya Kei will just let it pass once he knew of this stunt?

"Gusto mo lumipat tayo ng lugar?" he asked almost thoughtfully. For a moment, he sounded and looked like a thoughtful and loving boyfriend. Ay, teka! What the heck am I even thinking?!

"Let's just finish the steak before leaving. Ayokong isipin niyang umalis tayo agad dahil sa kanya." I answered. Even at my most panicked moments, I still have to act logical. Sobrang invested na ako sa pesteng pretend, girlfriend thing na ito para mabuko. Ayoko din magpatalo din sa huklubang ex ni Paolo!

Paolo agreed. I just made sure that I'm out of Kuya Kei's line of sight. Inusog niya nang konti ang upuan niya para hindi ako nakikita ng Kuya ko.


"Siya nga pala, Sand," saad ni Paolo nang maayos na ang pwesto niya.

Hinawakan niya ang kamay ko. Instinctively, I pulled away. "What?" I glared. Halata bang wala akong tiwala kay Paolo? Haha.

"May ibibigay ako."

Nanlaki ang mga mata ko dahil dun. Wala yun sa pinag-usapan namin ah. Ano na naman ba itong pa epek ni Paolo? May pakulo pa.

He pulled something out from his pocket- a small black velvet box and held it close to me. At this point, parang gusto ko na talagang tumalon mula sa kinauupuan ko, board a rocket ship at umalis na sa planet na ito.

I looked at the box as if it's a demonic artifact. What the heck is he doing?! 

"Sand, pwede bang." He paused as if he's doubting whether he should proceed or not. Ano na namang klaseng drama 'to? Wala ito sa napag-usapan namin!

The box he's holding appeared to me like Pandora's box- mysterious and full of shit. The moment he opens it and if the content is really what I think it is, it will change our friendship, for better or for worse, forever.

"Sand, gusto kong isuot mo ito."

Just like that, Paolo opened Pandora's box and suddenly it was a pandemonium. 

He wanted me to wear a ring. 

The Fifth SonWhere stories live. Discover now