CHAPTER EIGTH

0 1 0
                                    

Nasa room ako mag isa sa subrang aga ko, akala ko kase late na ako. At dahil wala akong magawa bitbit ang gamit pumunta ako sa library.

Grabe ang kakapal ng mga alikabok hindi ba sila nag lilinis dito. Hinanap ko ang mga book na related sa subjects ko.

Habang nag aaral don ko napag tanto na andami ko na palang na miss na lesson. Kahit hindi naman ako matalino kailangan ko pading mag aral.

Nasa kalagit-naan ako ng pag-aaral ng mag beep ang phone ko.

(De Luna)...

Good morning..

Sya nanaman ang kulit din ng isang ito nakaka inis panira ng mood. Pinatay ko ang phone ko para makapag focus.

Napansin kong madami na ang studyante na dumarating kaya naman tumayo na ako at inayos ang gamit ko para maka balik sa room.

Andito na si Alas at Blade ang aga ng mga to pumasok parang walang kabulak-bulang ginagawa sa buhay"good morning Dalia"

Napa tingin ako kay Alas muka atang nasa tama ang pag iisip mg isang to binati ko din silang dalawa at pinatong ang isa kong paa sa hita ni Blade.

Naglabas sila ng notes pero hindi nag susulat. Dumating ang mga kaklase ko at isa isa nilang inabot ang notebook nila kay Blade at Alas.

"Kong mangungupya ka Dalia bilisan mo na wag kang pa pitiks pitiks dyan malapit na ang time"ani Alas kaya pala ang seryoso nito e.

Tinignan ko ang mga gawa ng kaklase ko halos pareho lang saakin"tapos na ako dyan"

Nagka tinginan sila dalawa saka hinablot ang gamit ko ni check nila ang notes ko at parang di sila maka paniwala.

I agaw ko yon sakanila at binalik sa bag ko"kong mangungupya kayo gawin nyo na malapit na si Sir" dali dali silang nag sulat kaya pala ang aga ng dalawang to.

BREAK time na kaya nagpunta kami sa cafeteria walang practice ngayon dahil na din sa pagka panalo namin kahapon.

Ang sabi ng dean next naman daw ang basketball at volleyball at next week pa gaganapin yon kaya si Blade tudo ang practice kasama ang team nya.

Ang gulo naman ng dalawang to nag chi chix nanaman at idadamay pa ako nong kilan umiyak pa yong isa sa harap ko pakiusapan ko daw si Blade na balikan sya hello ano ko taga salo ng mga umiiyak na babae

"Balita ko babalik yong Ian dito kasama yong mga gwapong lalaki" bulungan sa kabilang table.

"At balita ko pa ahh basketball player yong travis"

Kahit wag na silang bumalik lalo na yong Ian na yon nakaka pikon.

May time pa naman kami kaya nag lalaro nalang kami nila Alas sa cellphone ng kong ano ano mawala lamg ang boredom namin.

Paulit ulit ding nag pop ang message ko nakaka inis na yong de luna na yon lang naman ang makulit e.

"Woii Dalia kanina pa yan ay replyan muna kaya"ani Blade tinangoan ko lang sya at nag tuloy sa laro.

Nang matapos kaming mag laro kinuha ko na ang gamit ko pabalik sa room ng tumunog ang cellphone ko sa inis ko ay sinagot ko ito

"Ano ba talagang problema mo ahh kong wala kang magawa sa buhay mo wag ako ang kulitin mo"

"Dalia"yong kaninang galit napalitan ng gulat pano kase si mama ang tumawag.

Ano naman kaya ang kilangan nya tumikhim ako bago sagotin si mama.

"Sorry ma akala ko kase ikaw yong nag prank call sakin" pag sisinungaling ko.

"E block mo kase ang mga ganyan mamaya kong sino pa iyan....oo nga pala agahan mo ang uwe mo mamaya may pag uusapan tayo"

Truth Behind My Dreams(On Going)Where stories live. Discover now