CHAPTER ONE

5 2 0
                                    

     

   

    Mahangin sa labas kaya subrang lamig,ang gandang matulog ang kaso gigisingin nanaman ako ni mama for sure. Bumaba ako sa kama at umupo sa harap ng study table ko. Siguro mag babasa nalang ako hanggat hindi pa dumarating si papa

Ilang oras na ang naka lipas at nagising ako sa napaka gandang silid. May puting kama kong saan ako nakahiga. May mamahaling gamit na sa tingin ko ay hindi ko pag mamay ari.

Napaka liwanag dito sa kwarto at yon ay ang pinaka ayaw ko sa lahat. Gusto ko ng simple at tahimik na lugar hindi maliwanag tulad nito. Nasanay ako sa ma dilim at maliit na ilaw lang ang aking ginagamit.

Bumaba ako mula sa kama at ramdam ko ang lamig ng sahig. Napaka tahimig at halos wala akong ibang makita,walang bintana pero subrang liwanag,naka sara ang pinto pero para itong naka bukas dahil sa nakaka silaw na liwanag dito.

Bakit nandito ako sa lugar nato? Paano ako naka rating kong ang ginawa ko lang ay matulog?

"Dalie gising na,Dalie anong klaseng tulog ba yan at abot ng isang oras bago magising?" andito na pala si papa at mukang hindi maganda ang araw nya. Sa muka palang ay makikita mo na ang authority nakaka takot den si papa minsan.

Bumangon ako at humalik sa pinsge ni papa. Lagi komg ginagawa yon kahit na paalis palang sya papuntang trabaho. Lumamlam naman ang muka nya

"Ohh naka bihis kana den pala pero natulog ka pa eh di useless ang pag aayos mo sa sarili mo". Ano ba to si papa daig pa si mama kong ma nermon hindi naman na ako bata medyo lang hehehe.

"Ahh pa antagal mo kase eh at chaka marami rami den ako nabasa kaya hindi ko napansin naka idlip na ako. So pa shall we go?" Tumayo na ako at hinila ang bag ko na naka patong sa kama pati na den ang ID ko na kilangan ko para maka pasok sa school.

Sumakay na ako sa sasakyan ni papa at hinihintay ko nalang siya may pa goodbye kiss pa sya kay mama ahhh awww sweet hahahaha.
 

Hindi kami ganon kayaman sapat na pera lang para sa pag aaral ko at ng kambal ko. may kambal den ako pero nauna na syang pumasok. Lagi namang ganito e dahil ako ang tanga saming dalawa ako ang laging napapagalitan at laging binantayan ni papa.

Si Darwin ang kakambal ko matalino top 1 at gwapo. Wala syang pake sa mga babae dahil pag aaral ang gusto nya. Ako lang daw ang pangalawang babae sa buhay nya kasi si mama yong first, dapat ako nalang hystttt. Close kami pero ayaw nya akong nakiki alam sa mga bagay na gusto nya ganon den ako no.

Hindi den kami pareho ng section,pinag layo kami ni papa masyado daw akong mahina kumpara sa kakambal ko. Ayos lang yon sakin basta huwag na kaming lilipat ng school. Masyadong mataas ang naabot ni Darwin para maabot ko den.

Hindi kase ako ganon katalino sakanya ganda lang ang meron ako, tsk maganda ako at yon na yon. Siguro dahil kambal kami di maiiwanan na ma ipag kumpara kami kaya nga lang sya ang madalas na napupuri,ayos lang naman sakin yon kase may pag ka bobo talaga ako.

Pero saming dalawa sya ang sakitin at ako ang sakit hahahaha. Alagang-alaga sya nina mama at papa kase mula pagka bata nya lagi syang may sakit kong ano-ano sakit sa pag-ibig lang ang wala. Ako naman ang sakit, sakit sa ulo nila mama, sakit sa buto ni Darwin pag nasa school, sakit sa bungo ni ma'am pag may ka gagohan ako.

Mula pagka bata ako na ang laging pasway samin habulin ng away reyna sa issue at kong ano ano pa ehh wala naman akong ginagawa kundi maingit sa kapatid ko.

Feeling ko kase sya lang yong mahal nila like laging sinusuportahan sa lahat ng gusto nya, laging okay lang kahit saan sya pumunta tapos ayos lang na ma late sya ng uwe minsan nga hindi pa sya nakaka uwe pero ako isang mali ubos ang tiwala, isang mali lahat ng kasalanan ko sa nakaraan e susumbat nila yon lahat.

Kaya minsan napapatanong ako ano kaya ang pakiramdam na ipinag mamalaki at pinupuri kahit kunti.

Sumakay na si papa at nag maneho papuntang school, we both silent so nag tanong ako. "Pa, next week pala gagawa kami ng project sa bahay ahmm ang gusto sana nila sa bahay nalang ng kaibigan ko pero sabi ko hindi ako papayagan so i decide na sa bahay nalang, okay lang po ba?"

"Mas okay yon kaysa kong saan pa at baka mamaya iba nanaman ang project na yan at isa pa kailangan mong maka habol sa mga aralin mo". Bakit kilangan kong habolin tao ba yan o turo, tumatakbo ba yan?

"Yeah! Ahmmm paki tabi naman pa jaan lang sa tabi ng tindahan may bibilhin lang ako." Ubos na nga pala ang yong oil pastilles na ginagamit ko pag boring ako, nag do drawing ako pag wala akong magawa or na iinis ako sa mga kaklase kong haliparot.

Tinabi ni papa ang sasakyan at bumaba ako para bumili. Pag ka bili ng kailangan ko ay bumalik ako sa sasakyan pansin ko ang tingin ng ibang lalaki sakin. Maybe dahil sa suot ko, maayado naman kasing maikli ang palda ko kaya tinanggal ko ang jacket na suot ko at itinali iyon sa baywang ko. Hindi ko na inalis yon hanggang maka sakay ako.

"Dalie susundoin kita ng 4:40 walang ma le late naintindihan mo ba?"

"Pa! may practice ako ng softball game".

"Hindi ko sinabing sumama ka jaan sa larong yan".

"Pero pa naman, promise sasabay ako kay Darwin uuwe sya ng 5:00 please pa."

"Sasabay ka sakanya kapag hindi ko nakita ang anino mo sa bahay pag apak ni Darwin doon aalis ka sa softball team na yan."

"Yeah! Thanks." Ito nalang ang nag papasaya sakin at ako ang susunod na captain ngayon pa ba ako aalis, no! nag hirap ako para marating to inubos ko ang oras sa pag lalaro at pag pa practice kaya hinding hindi ko bibitawan to.

Tumigil ang sasakyan ni papa sa harap ng school namin, tinanggal ko ang seatbelt na suot ko at binuksan ang pinto."mag aral ka wag matulog"

"I Love you too pa" nang sa tingin ko ay wala na stang sasabihin sinara ko ang pinto pero hindi parin umaalis ang sasakyan ni papa.

Bumukas ang bintana nito"may practice ka ba talaga mamaya?" Kumunot ang noo ko at the same time kinabahan ako na baka hindi nya ako payagan.

"Yes pa, 3:30 to 5:00 kaya don't till me na hindi ka papayag".

"Kong may practice ka bakit nasa loob pa ng sasakyan ko ang glove at bat mo?" sahan dahan akong napatingin sa likod nito at dali dali kong kinuha ang mga gamit ko then i smile to him before he left.

Nasa harap ako ng gate ni check ng guard ang id ko at pumasok na ako.

Sa araw na to simula nanaman ng pakikipag plastikan.

     Hi, I'm Dalia Janine Santiago ang pitcher ng  Fantkey softball team.




By:Gem_Artemis

Truth Behind My Dreams(On Going)Where stories live. Discover now