CHAPTER FIVE

17 3 0
                                    

ANNAH'S POV

Maaga akong nagising dahil ginising ako ni Ate Lucy. Kasama ko na si Tamaki sa dreamland eh! Sayang tsk tsk tsk.

Kumain muna ako bago naligo. Baliktad naman ngayon =_=. Nagpapalit na ako ng bago kong uniform ng may kumatok.

"Pasok po."

"Annah...halika tulungan kitang ayusin yan." at siya na ang nag-ayos ng uniform ko hanggang sa necktie.

Inayos niya rin ang buhok ko. Ang ganda ng buhok ko hihi, curl sa dulo. Pumunta si Ate sa table na hindi ko ginagamit, andun lahat ng mga accessories na binili nila. Yung mga damit ko hindi ko pa nai-ayos, andun rin sa table. Namili siya ng accessories dun. Humarap siya at may hawak siyang white na ribbon na may maliit na crown sa gitna at bracelet rin na white.

"Ayan tapos na. Ang ganda-ganda mo. Kung nag-aayos ka lang sana ng sarili mo dati, hindi mo na kailangan ng make-over pero okay naman kasi may nakasama akong babae ulit na pumunta sa mall." masaya niyang sabi sa akin. Tinignan ko ang sarili ko sa full length mirror. Ibang-iba na ako ngayon, ang dating magulo ang buhok, ang ganda na ngayon. Ang dating naka-eyeglass na mata, ngayon ay full black eyes na ang makikita mo. Ang dating oversize na uniform, maayos na ngayon.

Niyakap ko si Ate Lucy, "ate salamat po."

"Ano ka ba. Wala lang yun, parang kapatid na rin ang turi ko sa iyo."

"Future sister-in-law ako eh haha."

"Hahaha tama, halika ihatid ka namin ni Hon sa C.A. Grand entrance dapat. Basta yung paglakad mo ayusin mo. Be confident. Saka maliit lang naman ang takong ng shoes mo."

Nakarating kami sa school kaya naman bumaba na ako sa kotse. Ngayon lang ako nag-kotse papuntang school. Naka-back pack lang ako, buti hindi nila pinake-alaman ang bag ko ^_^. Naglakad na ako papasok sa school. All eyes are on me. Girls are wondering if who I am . Boys are looking at me like I'm the most gorgeous girl they have ever seen. Naks! Napapaenglish ako ng di oras.

20 minutes pa bago ang first subject namin. Nag-vibrate naman ang cellphone ko sa pocket ko kaya tinignan ko kung sino ang nag-text.

From: Master James

Library.

=_=

Pumunta na ako sa pangalawang library na mukhang pag-aari na nila. Kumatok muna ako bago pumasok. Siyempre andiyan si Ryan babes, dapat maging mabait ako, hihi ang lanjot ko.

"Who are you?" -Ryan

"Ang ganda mo namang magnanakaw?" -Carl

"Are you my future wife?" -Drake

"Tsk dummy." ­-James

Ang galing ah! Nakilala ako ni James!

"Ikaw na yan Annah?" -Carl

Tumango ako.

"Wow!" sabay na sabi ni Ryan at Carl

"Gorgeous *wink*" sabi naman ni Drake

Si James naman nagbabasa lang ng libro. Wala ba siyang masasabi sa transformation ko? Ang ganda ko na kaya.

"Ano po ba ang kailangan niyo prince James?" saka ako nag-bow sa kanya.

*Riiiiinnggggggg!!!*

"Ay time na. Mauna na po ako Prince James."

Magkaklase rin lang naman kami ng COLD pero ayaw ko namang sumabay noh. Nakarating ako sa classroom, mamaya-maya darating na rin yung teacher namin.

"Miss sure ka bang dito ka sa section White?" tanong sa akin ng isa sa classmate ko na babae. Tumango ako sa kanya.

"May naka-upo na kasi diyan eh. Yung kaklase namin na si Annah the frog." tumango lang ako, ayaw kong sabihin sa kanila na ako si Annah. Bwiset!! Annah the frog? seriously?! Annah the nerd pwede pa eh!

"Sit down class. Where is Savannah?"

Tumayo ako nung tinawag ako ng teacher namin, "Yes ma'am?"

"Wow! I didn't recognize you. Anyways, you're excuse for your class. Mr. James Crogan wants you to go the second library." tumango nalang ako at kinuha ang bag.

Tsk ano na naman bang kailangan ng James Crogan na yun?! Teka!! Teka teka teka!!! Crogan?!!! Sh*t!! Is there's a possibility na siya ang anak ng may-ari ng C.A. pero malay ko baka kamag-anak niya lang.

Nakarating ako sa library at si James lang ang nadatnan ko.

"Bakit master?" master naman ngayon, ang haba kaya ng Prince James as if naman prinsipe siya. Si RYAN nalang hihihi.

Insted na magsalita siya ay lumapit siya sa akin.

Lapit

Atras

Lapit

Atras

Lapit

Atras

Omo!! Waahhhh na-corner na niya ako!! Eto na nga ang sinasabi ko eh!! Gumanda lang ako, pagsasamantalahan niya na ako!!!Waaahhh! 16 palang ako huhuhu T_T.

Naramdaman ko nalang na pinitik niya ang noo ko kaya napadilat ako.

"Tsk dummy." nakakasawa na ang line niyang yan! Yung totoo, dalawa ang author pero tipid lang ang lines ni James?

Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa harapan ng pintuan ng....

"Headmaster? Oy! Anong gagawin natin dito?"

Kesa sumagot ay binuksan niya ang pintuan at tinulak ako.

"Ms. Valerio. Wow! Is that you?"

O_O

*gulp*

*gulp*

Jusko! Wag nilang sabihin na pagtutulungan nila akong rape-in dito? Waaahhhhh!!!

"Dummy stop thinking things." sabi sa akin ni James

"G-Good morning po Mr. Crogan."

"Take your seat Ms. Valerio, also you son."

Umupo na ako at si son daw. Umupo si James, wait!!! waaahhhh siya ang anak ni Mr. Crogan?! No wonder matalino siya _ _#

"I am very well impressed at your grades Ms. Valerio so I decided that I'll give you a full scholarship when you'll go to college. Marami akong kilalang headmaster sa isang university kaya hindi ako mahihirapan na bigyan ka ng full scholarship hanggang makapagtapos ka."

"P-Paano po kung hindi sila a-agree?" tanog ko sa kanya.

"That's a good question Ms. Valerio. Kung hindi sila sasang-ayon, pag-aaralin kita sa kahit anong gusto mong unibersidad."

"Talaga po?!!!"

"Yes Ms. Valerio. Pakitunguan mo lang ang anak ko, ayos na yun."

"Opo! Maraming salamat po ^_^."

"Pwede na kayong bumalik sa library."

Lumabas na kami ni James, hindi kami sa library dumiretso kundi sa classroom na. At si James, natulog lang ang ginawa. Ako naman, nakinig ng lesson.

Distraction Called "LOVE"Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt