CHAPTER THREE

17 3 0
                                    

ANNAH'S POV

Saturday ngayon at walang pasok. Buti naman. Wala nang ginawa si James kundi utusan ako!

Naglinis muna ako sa salas at kwarto ko bago humiga. Mamaya nalang siguro ako magbabasa ng lessons ko. Medyo tinatamad ako.

"Annah."

Ano kayang pwedeng gawin ngayon?

"Annah."

Labas kaya ako?

O hindi ipasyal ko nalang si Summer?

Oo nga noh ipasyal ko nalang si Summer!!!

"SAVANNAH VALERIO!!"

"Yah! Ano ba kuya! Bakit ka ba sumusigaw?" tinignan ko si Kuya na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.

"Kanina pa kita tinatawag Savannah Valerio!"

"Ano ba kasi yun Sebastian Valerio?"

"Tsk. Aalis muna ako. Oh eto 300, kung gusto mong lumabas."

"Wow anong nakain mo kuya at lalabas ka ngayon? May date ka noh? Hahaha ayieeee lumalablayp hahaha." asar ko sa kanya.

"Manahimik ka diyan Annah. Sige na alis na ako." saka niya hinalikan ang noo ko. Bait talaga ng kuya ko.

Nagpalit muna ako saglit. Kung ano yung nahablot ko, yun na yung sinuot ko. Wala akong alam sa fashion kaya wala na akong pakealam sa suot ko ngayon.

Lumabas na ako at ni-lock ang pintuan.

"Summer!!" pagtatawag ko sa kanya.

"Arf arf arf."

"There you are." nilagay ko yung tali niya. Matagal na ring hindi to lumalabas ng bahay.

Ang gaganda ng mga bahay dito sa village na to. Mga ilan lang ang mga simpleng bahay na two story. Isa na kami doon. Buti nga nakabili pa si Kuya ng ganitong bahay. Ilang taon rin naming pinag-ipunan to.

Naglakad-lakad lang kami ni Summer sa village. Si Summer ay isang golden retriever, ang cute kasi ng balahibo niya kaya pinangalanan kong Summer ^_^. Nang medyo napagod na kami, napadpad kami sa playground, umupo ako sa swing, syempre siya sa damo.

"Arf arf arf!"

"Ssshhhhh wag kang maingay Summer." pagpapatigil ko sa kanya sa pagtahol. Bigla-bigla nalang kasing tatahol buti naman tumigil na.

"Tsk dummy nerd." halos magpanting ang tenga ko ng marinig ko ang boses na yun. Tae! Ba't siya andito?!

Tumingin ako sa likod, ayun nakita ko siya na nakatayo with his poker face, nakabulsa ang isang kamay, at yung isa ay hawak niya ang tali ng isang golden retriever din =_=.

Lumapit siya at umupo sa isang swing. Yung dalawang aso naman nag-amuyan ng pa-ikot. Yung ginagawa ng mga aso alam niyo yun? Basta yun. Ang gulo ko.

"Dito ka nakatira?" tanong ko sa kanya.

"I live in our house, not here dummy." sorry naman.

"Dito ka rin sa village na to?" pagpapaliwanag ko ng tanong ko.

"We owned this village so that's a f*cking yes."

Maka-mura naman tong lalakeng to. Edi kayo na ang mayaman, sensya naman hindi ko alam kung sino ang may-ari nitong village na to!

May hinagis siya sa akin bigla, buti nalang nasalo ko. Pagkatingin ko 100 pesos.

"Bakit to?"

"Eat it."

"Tsk ano na kasi...."

"Buy some ice cream. For the four of us."

Tumango nalang ako at bumili ng apat na dirty ice cream. Vanilla flavour lang at ube flavour ang meron kaya vanilla nalang ang kinuha ko. Bumalik na ako kung saan yung pwesto namin, sa swing.

"Eto na po Prince James." sabi ko at nag-bow, binigay ko sa kanya yung dalawa. Siyempre akin yung dalawa este isa pala sa akin isa naman kay Summer.

"Summer oh/Here Winter." sabay pa naming sabi ni James habang pinapakain yung aso.

"Winter pangalan ng aso mo?"

"Yeah dummy."

"Wow parehas tayo, one of the season. Sa akin Summer!" masigla kong sabi.

"I'm not asking."

"Sungit." bulong ko.

"What did you said?"

"Masungit na nga, bingi pa." bulong ko ulit

Pagkatapos naming kumaing dalawa ni Summer ay tumayo na ako, "Uhm alis na kami. Thanks sa ice cream James.", sabi ko at tumalikod na pero napatigil ako nang magsalita si James.

"Welcome." mahina niyang sabi pero rinig ko naman. Di ko alam pero napangiti ako.

Nang makarating na kami sa bahay ay pinakawalan ko na si Summer. Pumasok na rin ako sa loob at nadatnan ko doon si Kuya.

"Ganda ng ngiti natin Annah ah!" pang-aasar ni Kuya.

"Sino ang dahilan ng ngiti na yan little sis?" pang-iintriga ni Kuya -_-

"Wala!"

"Sus wala daw. Halika ka na, kain na."

At ayun nga kumain na kami.

"Annah may ipapakilala ako sayo bukas." masiglang sabi ni Kuya

"Sino naman?"

"Basta makikilala mo siya bukas at tuturuan ka niyang maging babae!" sabi ni Kuya

"Babae naman ako ah!!"

"Babae ka nga pero sa pag-kilos at pag-aayos, nah." sabi niya na umiiling-iling pa. Oo na! Badtrip to! Kailangan pang ipamukha na wala akong alam dun eh!

Distraction Called "LOVE"Kde žijí příběhy. Začni objevovat