Lumipas ang ilang minuto ay binalikan ako ni Doc habang hawak ang resulta sa test ko kaya naman ay kinakabahan akong tumayo dahil sa pagtingin niya sakin, masasabi kong maayos naman ang mukha niya at naka-ngiti pa pero natatakot parin ako.

"Your almost 1month pregnant." Anunsyo niya na ikina-laglag ng panga ko.

"Baka maling dugo po ang na test niyo." Umiling iling pa ako sa kaniya.

"Hija kung gusto mo ay mag pregnancy test ka." Sabi ni Doc.

"Thank you doc." Paalam ko.

Bumalik ako sa condo ko habang dala dala ang binili kong pregnancy test at agad akong pumasok sa loob ng banyo at saka ko sinubukan ang pregnancy test na yun, kinakabahan ako sa magiging resulta dahil hindi pa ako handa sa ganoong bagay at alam ko sa sarili ko na naka-inom ako ng pills ko dahil hindi naman ako pumalya dun.

"Shit..." halos manlumo ako sa naging resulta.

Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba kay Steven ang ganito, bahala na.

Bumuntong hininga ako at saka ko kinuha ang tatlong pregnancy test at saka nilagay sa bag ko at dali-dali akong pumunta sa bahay nila Steven, siguro ay nandun siya pero kung wala ay sigurado ako na nasa penthouse siya.

"Elv.." tawag ko kay Elvie ng pagbuksan niya ako ng gate.

"What brings you here?" Ngumiti siya at pinapasok ako sa loob.

"Nandito ba si Steven?" Tanong ko habang papasok kami sa sala nila.

"Yeah, nasa pool sila kasama nila Kyle." Ngumiti siya.

"Sige pupuntahan ko muna siya." Paalam ko.

"Okay sige, may kukunin din muna ako sa kwarto ko." Sagot niya at umakyat na.

Habang palapit ako ng palapit sa poom area ay mas lalong tumindi ang kaba ko at naririnig ko na din ang mga boses nila na nagke-kwentohan at ng marinig ko ang pangalan ko na binanggit ni Kyle ay hindi muna ako nagpakita at sumandal muna sa pader sa may pintuan papuntang pool.

"Diba may nangyari sa inyo?" Boses iyon ni Kyle.

"Yeah.." maikiling sagot naman ni Steven.

"Pano kung mabuntis pala yun?" Tanong ni Tyron.

"Nah.. nag pills siya." Sagot naman ni Steven.

"Pero kunwari nabuntis ano gagawin mo?" Boses na iyon ni Marvin.

"I don't know.." tinakasan ako ng dugo ng marinig ko ang sunod niyang sabi. "Hindi pa ako handa para sa mga anak anak na yan."

"So wala kang plano panagutan kapag nangyari?" Tanong ni France.

Hindi ko na inantay ang pag-sagot ni Steven dahil umalis na ako doon at saka sobrang sama ng dibdib akong umuwi sa condo at samo samo saring emosyon ang nasa dibdib ko ngayon, gusto ko sumigaw sa sobrang inis at sakit.





.
.
.
.
.
.

NABALIK ako sa realidad ng biglang tumunog ang phone ko at napa-ngiti ng makitang ang number yun ni Mommy.

["Mommy!"] Agad na bungad sakin ng anak ko na si Triven, na mag aapat na taong gulang na.

"What are you doing baby?" Puno ng lambing na tanong ko.

["I'm pwaying mommy! I have new toys po."] Ngumiti naman ako dahil sa pagkabibo ng anak ko.

"Hm.. nasa pilipinas na ba kayo baby?"

["Yes mommy, sobwang hot po dito."] Reklamo niya.

"Bukas nandiyan na si Mommy, bigay mo kay lola ang phone kakausapin lang ni mommy."

["Wowa, hewe po mommy want to talk to you daw po... anak?"] It's mom.

"Mom, okay naman po ba ang byahe niyo?"

["Oo naman, pagdating nga namin ay reklamo ng reklamo dahil mainit daw."] Binuntutan pa iyon ni Mommy ng tawa.

"Bukas na po ang uwi ko diyan, mag le-leave din po muna ako sa trabaho."

["Mag-iingat ka."]

"I will mom."

Ilang paalam pa ang nangyari bago ko pinatay ang tawag at saka na ako nag-ayos dahil malapit na ang flight namin at may take-over naman tapos pilipinas na, nakakapagod pero kaya pa naman ng katawan ko.


















SEPTEMBER_AVERY

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now