I don't want to starve my wife

I don't want to starve my wife

Gosh! Di ko alam kung bakit parang sirang plaka na pa-ulit ulit ko yung naririnig sa isip ko. Epekto lang naman siguro to sa biglaang pagpapakasal di ba?

"Hey, don't you like the fruits?"

Nabalik ako sa huwesyo ng itanong yun ni Calixian sa akin.

"H..ha? Ah, g..gusto ko." Di ko alam kung bakit ako biglang na-utal. Siguro di lang ako sanay sa mabait mood ni Calixian.

"Which one do you like to eat? Orange? Strawberry, mango, apple, banana---

"Banana mo raw xian ang gusto ni Felishia HAHAHAHA"

Napa awang ang bibig ko sa pagkabigla dahil sa sinabi ni amira. Di ko mapigilang kurutin siya dahil sa bungabunga niyang kung ano anong kalokohan ang sinasabi.

Grabeng babae to nakakahiya!

Dahan dahan kong binaling ang tingin ko kay Calixian at nakitang maski sya ay nagulat sa sinabi ng tita niya. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay binigyan ko siya ng apologetic face at awkward na ngumiti sa kanya ng konti.

"Ahm, y..yung orange nalang yung kakainin----

"ORANGE? AYAW MO SA BANANA NI XIA--

"STOP! PAANO MAKAKA KAIN ANG ASAWA KO KUNG PURO KABASTOSAN ANG LUMALABAS SA BIBIG MO?"

Tahimik lang ako habang nakikinig sa dalawa na nagsisimula na namang mag bangayan.

"Wew! High blood yarn? Parang nagbibiro lang ako eh!" Natatawang sagot ni amira kay Calixian na namumula na marahil sa pagka inis

Sinilip ko yung relo ko at napansing  malapit na mag nine a.m kaya napagpasiyahan ko na tumayo at awatin yung dalawa.

"It's almost 9 a.m wala pang laman ang mga tiyan natin. Pwede ba ipagpaliban na muna ninyo ang mga bangayan na yan please? Gusto ko munang kumain"

"HOY! saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang mga gawain! Balik ka dito! Hugasan mo yung mga pinggan! Sinong paghuhugasin mo niyan? Si Felishia? Hoy mahiya ka naman sa asawa mong maganda! Baka magasgas ang mga kuko niya---

"A..Amira, ako dapat ang gumagawa ng mga gawaing bahay kasi ako yung babae---

"Dear! Let me remind you na boss day ngayon kaya dapat relax ka lang ngayon at hayaan mong ang pamangkin ko ang gumawa ng mga gawain na yan dahil alam ko! Na pag may sarili na kayong house ay ikaw ang aali-lain niyan. Sinasabi ko sayo wag kang magpapa under sa lalaking yan!" Ani Amira at giniya ako papuntang sala.

"Kilala ko na yang pamangkin mo, may pagka gago siya minsan pero mabait naman siya kailangan lang talaga nang mahabang pasensya at pakisama. In terms of household chores, ayoko naman na siya lang lahat ang gumagawa nun. Kasi trabaho yun ng mga babae eh. Since wala naman akong trabaho ako nalang ang gagawa ng mga yun. Pag natapos na yung clinic na pinagawa niya mabi-busy na siya dahil nga sa trabaho niya kaya nararapat lang na magkaroon siya ng tamang pahinga bago yun. Kaya dapat pantay kami sa mga gawain. Para hindi masyadong mabigat isipin di ba" Sabi ko kay Amira.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon