Chapter 68

268 12 0
                                    

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan si Sofie na nakikipaglaro kasama ng ibang bata dito sa park. Habang dinededma ko naman si Calixian na walang kasawaan sa kadadaldal sa akin ng kung ano ano.

"Which one do you like? Yung food delivery, or yung lutong bahay?"

Tinignan ko siya at pinukulan ng masamang tingin.

"Bakit ang daldal mo ngayon? Parang kagabi lang may pa iyak iyak ka pa eh"

Sumimangot siya pero hindi parin tumigil kaka-dada.

"Don't bring back the past can you? I'm trying to be a happy handsome man here!" Aniya.

"Happy man, at ako yung gagawin mong subject para maging happy? Aba sinasabi ko sayo Calixian, hindi ako Clown para pasayahin ka!" Singhal ko sa kanya at tinalikuran siya. Pero dahil matigas ang ulo niya sunod parin siya ng sunod.

"Ayaw mo ba na I date kita? Hoy babae ang swerte mo nga at inaya kita na makipag date sa akin! Wag ka na pakipot" Calixian.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"I'm not being hard to get here, ang babaw naman kasi eh. I de-date mo ko dahil maganda tong dress na suot ko? Kung ganun ang gusto mo, hintayin mong maka uwi tayo. Palalabhan ko to at mag date ka kasama nitong dress okay ba?" Sabi ko.

Tumawa naman siya na parang may nakaka tuwa sa sinabi ko.

"You're still the Felishia I've met before. Madaling mapikon at madaling ma inis. Walang sweetness sa katawan at, man-hater. Akala ko nagbago ka ng mga three percent eh. Pero wala pa rin palang nagbago sayo" Calixian.

"Duh, ba't naman ako magbabago? Sino ka ba para baguhin ko yung ugali ko?"

"You're asking if who am I? Then, I'm you're future husband." Parang proud pang sabi nito at ngumiti pa ng wagas

"Wag assuming, palabas lang ang lahat noh! Anong akala mo papatulan kita? Dream on Calixian!"

"Dream on talaga, sa gwapo kong to! At baka nakakalimot ka, boto yung parents mo for us kaya bakit hindi nalang natin totohanin Felishia Ellison-Bancroft?" Nakangisi niyang sabi habang unti unting lumalapit sa akin.

"Eww! Ang sagwa pakinggan yung apilyedo mo. Hindi bagay sa ganda ko" Sabi ko at nag flip hair.

"Babagay din yun babe" Calixian.

"Alam mo ikaw ah, napapansin na kita, kanina lang inaaya mo ko ng date tapos ngayon dinadagdag mo yung apilyedo mo sakin. Sabihin mo nga, may feelings ka sakin noh? HAHA nahulog ka sa kagandahan ko noh Calixian? Aminin mo na" Panunukso ko sa kanya. Pero syempre joke lang yun. Iinisin ko lang siya.

Kumunot naman ang noo nito saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka naman ka sexy-han pero pwede na rin. Hindi pang modelo ang katawan mo pero pwede na rin. Yung height mo na hanggang balikat ko lang ayos lang yun. Tapos yung mukha mo na minsan nakaka inis rin tignan pagtatyagaan ko nalang yan. Kaya over all okay na rin"

Napasimangot ako sa sinabi niya.

"Aba grabe ka naman maka pagsalita. Parang napipilitan lang eh. Hoy lalaki, kung di ko nakikita, ang ganda ko kaya! At anong sabi mo? Hindi pang modelo tong katawan ko aba! Eh kung makatingin ka nga sakin nung nag suot ako ng revealing dress sa harap mo tulala ka nga eh! Ang manyak mo pang tignan! At excuse me, kung iniisip mong pandak ako pwes hindi ako pandak! Sadyang matangkad ka lang kasi lalaki ka! Pwede na kaya pang flight attendant tong height ko" Sabi ko sa kanya.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon