Chapter 26

404 16 0
                                    

*Kringg* *Kringg*

"Mauubos na tong kinakain ko putak parin ng putak yang phone mo" Elliana.

"Hayaan niyo yan. Unknown number di ko kilala yan" sabi ko

"Baka important yan Felishia" Kyrix

"Mga importanteng tao lang sa buhay ko ang may alam ng number ko. Unknown number yan at di ko kilala. So bakit ko sasagutin?" I said.

"Baka nag change nang number?" Cassie

"If they will change magsasabi yun kaagad" Sabi ko.

"Pero kanina pa yan girl. Baka manliligaw mo yan?" Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Laurine.

"Manliligaw? Wala na akong manliligaw ah" Sabi ko at uminom ng juice

"Duh ang dami kaya. Yung iba nga nagsesend nalang ng message request sa social media accounts mo eh para mapansin" Cassie

"Duh stop. Kung sino man yan, I don't know him or her so relax and eat. I'll just silence it" Sabi ko sa kanila at dinampot ang phone ko at pinatay yun. Kulang ang silence eh.

"I'm finished" kyrix.

"Saan kayo pupunta after this?" Dagdag niya.

"Uuwi na ako" sagot ko.

"Yeah me too" Sabi ng mga kaibigan ko.

"Okay" kyrix.

----

"Bye see yah next time" Elliana

"Text-text nalang" Cassie

"Sige, bye" sabi ko.

"Ihatid na kita"

Napalingon ako kay Kyrix nang sabihin niya yun.

"Huh?"

"Ihahatid na kita" ulit niya pa.

"Ako?" Paninigurado ko.

"Yes" Kyrix

"Wag na, baka may lakad ka pa, makaabala pa ako" Sabi ko

"Wala akong lakad. And please, let me drive you home. Para masiguro kong safe ka"

Wala nakong magawa kundi tumango.

Iginiya niya ko papunta sa kotse niya saka kami sumakay.

"How's life there? Naging masaya ba ang highschool life mo?" Panimula niya.

"Yes naging masaya naman" Sabi ko

Pero mas naging masaya yun kun di ka umalis

"Good then, anong trabaho mo ngayon?" He ask

"Naku, wala akong trabaho. Or should I say, di ako pinayagan nina daddy na nag work. Ewan ko nga ba sa kanila, eh nakapagtapos naman na ako tapos I'm in my right age na pero ayaw parin nila" bulalas ko.

He chuckled.

"You're still a princess to them. Kahit nga siguro ako. Kung magkakaroon ako ng anak na babae tapos dumating na siya sa point na kagaya mo, mahihirapan akong pakawalan siya para mag trabaho at gumawa ng sarili niyang pamumuhay" Kyrix.

Tumango tango ako. Ganun rin naman ako pero gusto ko talaga mag trabaho eh.

----
"Nandito na tayo" Sabi ko.

Itinigil niya naman ang sasakyan.
Hinanda ko ang bag ko at ngumiti sa kanya na nasa labas na ng bintana ng pintoan na nasa gilid ko para buksan ang pinto ng kotse

"Thanks" Sabi ko pagka bukas niya ng pinto.

"Mayaman pala kayo" aniya.

"Dahil sa pagtatyaga nila dad sa company" Sabi ko at humarap sa kanya.

"Salamat nga pala sa paghatid ha" Sabi ko sa kanya.

"No problem" nakangiting aniya.

"Sige pasok ka na." Tumango ako sa kanya saka tumungo sa gate at nag doorbell.

"Ma'am Felishia, buti nandito na po kayo. Kanina pa po kayo hinihintay sa loob" Sabi ng maid.

"Ah ganun po ba? Sige po salamat" Sabi ko saka pumasok na sa loob ng bahay.

Nasa pintuan palang ako ng marinig ko ang pamilyar na boses

"Where did you go?"

Napaigtad ako ng marinig ang boses na yun. Nilibot ko ang paningin sa sala namin at nakita ko si Calixian na prenting naka upo sa sofa namin na parang prinsipe.

"At anong ginagawa mo dito?" Tanong ko saka naglakad papasok ng bahay.

"You, where did you go? Bat di ka sumasagot?" He said.

"What? Anong di ka sinasagot? Wala ka namang number ko diba?" Taka kong tanong

"I came here to give a chocolate cake baked by my mom and sakto naman na kakapasok ko palang eh kakarating palang ng mommy mo dito and hinanap ka niya sa akin. I said di kita kasama and di ko alam kung nasaan ka. And then she told me that she left her phone to her office so she gave me your number and I'm trying to reach you almost an hour! Bat di ka sumasagot? Sino yung kasama mo?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Si mommy! Lagot ako nito.

"Uh. Nasan si mommy?" Tanong ko.

"She's on her room I think. And please don't change the topic. Where did you go and who is with you?"

"Aba kung makatanong ka naman daig mo pa ang magulang ko ah? Kaanu ano ba kita?" Nakapamiwang kong sabi.

"You're future master"

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon