"May trabaho pa 'ko. Kung mang iinsulto ka lang pwede ba?! 'Wag ngayon! 'Wag dito!" inis na sabi ko rito at akmang aalis na pero para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nito.




"I'm the owner. I can pay you double or triple if you want." siya ang may-ari nito? Totoo ba 'yon? Hindi niya ba ko ginu-good time?




"Alam mo..." inis akong umupo sa upuan na kaharap nito. "-ang yabang mo!Akala mo kung sino kang mayaman! Kung gusto mong bumayad ng doble o triple sa empleyado mo rito 'wag ako! Hindi ko kailangan ng gano'ng klaseng bayad mula sa isang mayabang na kagaya mo!"




"Ipinaglihi ka ba sa sama ng loob ng nanay mo? Lagi ka na lang galit. Nagmamagandang loob na nga 'ko." sagot nito ng pabulong din dahil baka may makarinig sa'min dito.




"Sayo na 'yang pagmamagandang loob mo! Kainin mo ng buo!" inis akong tumayo at iniwan siya roon. Wala akong oras para makipagtalo sa kagaya niya.




"Lars!" dinig kong tawag sa'kin ni Marco pero hindi ko na ito nilingon pa. Kaagad kong tinanggal ang apron na suot ko at kinuha ang gamit ko para makauwi na. Ayoko ng manatili pa roon kung gano'n lang din ang makikita ko.




"Hi ate!" bungad sa'kin ni Lohrein pagkapasok ko sa loob ng bahay. Siya ang bunso sa'ming magkakapatid at papasok na rin siya ngayong darating na pasukan kaya todo kayod kami.




"Bakit gising ka pa? Gabi na ah. Sila kuya?"tanong ko rito. Mag-isa lang kasi siya rito sa salas at walang kasama. Nasa labas naman na ang jeep ni papa kaya alam ko na nandito na rin siya. Narinig ko na parang may nagtatalo sa may kusina kaya napatingin ulit ako sa kapatid ko na inosenteng nakatingin sa'kin.



"Pumunta ka na sa kwarto. Matulog ka na." sabi ko rito na kaagad naman niyang sinunod. Nang masigurado ko na nakapasok na ito sa kwarto ay lumapit na ko sa may kusina para tingnan kung anong nangyayari.




"Ano ba namang nangyayari sa'yo Larry! Hirap na nga kami sa kakakayod para lang mapag-aral ang mga kapatid mo dadagdag ka pa sa problema!" rinig kong sigaw ni Mama habang papalapit ako. Nakita ko si kuya Enzo na nasa harap ni papa na mukhang inaawat. Si mama naman ay sapo sapo ang mukha at mukhang problemado. Habang si kuya Larry...nakasandal sa may pader,nakatungo.



"Kuya?" sabi ko dahilan para mapunta sa'kin ang atensyon nila.



"Lala..."gulat na sabi ni kuya Larry na duguan ang mukha. Kaagad naman akong pumunta rito para alamin kung ayos lang ba siya.




"Ayos ka lang ba kuya?"nag-aalalang tanong ko rito.



"Huwag mo 'ko alalahanin. Puntahan mo si Lohrein." utos nito sa'kin pero hindi ko ito sinunod. Nagtataka akong lumingon kila mama. Pilit iniisip kung ano ang nangyari at bakit kailangan humantong sa ganito.




"Iyang kuya mo,Lala...Nakabuntis" sabi ni mama na halos nanghihina na.



"Ma...Sorry. Alam ko na marami tayong problema. Hindi ko ginustong dumagdag. Tumigil na nga ako sa pag-aaral para makatulong sa inyo agad eh." sagot ni kuya Larry na napaupo na lang at napahagulhol.



Totoo 'yon. Sa sobrang hikahos namin sa pera ay kinailangan tumigil ni kuya sa pag-aaral para makatulong kila mama. Iyon kasi ang panahon kung kailan sobra kaming naghirap. Napeste lahat ng pananim namin. Dumaan ang tagtuyot kaya namatay ang tanim naming palay. Kolehiyo na noon si kuya at graduating na. Pero sa sobrang hirap ng buhay mas pinili niya ang tumigil sa pag-aaral para makatulong kila mama.




"Iyan ang isusumbat mo sa amin ngayon?! Gago kang bata ka! Hindi ka naman namin pinilit na tumigil sa pag-aaral! Bago isusumbat mo sa amin 'yan! Tarantado ka!" nanggagalaiting sagot ni Papa habang pilit kumakalas kay kuya Enzo na siyang pumipigil dito para hindi na muling masaktan pa si kuya Larry.




"Tama na! Nagtatrabaho na rin ako! Kasi gusto ko rin makatulong!" sigaw ko na ikinatahimik nilang lahat.



Kita ko kung paano lumuwag ang pagkakahawak ni kuya Enzo kay papa. Ayaw kasi nito ipaalam na pareho na kaming nagtatrabaho para makatulong. Kolehiyo na siya at malapit na makapagtapos kaya kahit alam niya kung gaano kahirap ang sitwasyon na'min ay pinipilit niya pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Desidido siyang makatapos kaya todo ang tiyaga niya para mabigyan kami ng magandang buhay.




"Lala..." sambit ni kuya Larry na halatang hindi makapaniwala sa sinasabi ko.




"Ako rin ma...pa. Nag apply kami ni Lala sa malapit lang sa pinapasukan namin. Nag apply ako bilang waiter sa isang kainan. Maayos ang pasweldo nila kaya nakakaipon ako...para maitulong sa inyo kahit papaano. Si Lala...nag apply siya sa coffee shop." paliwanag ni kuya Enzo.



"Tama po 'yon ma...pa. Gusto lang namin makatulong." sagot ko naman. Napatingin naman ako kay kuya Larry nang hawakan niya ang kamay ko.



"Ang bata mo pa...Lala."naluluhang sabi nito.



"Kung ayaw niyo tulungan si kuya sa gastusin para sa magiging anak niya...ako na lang ang tutulong sa kanya." sabi ni kuya Enzo dahilan para makatanggap ito ng suntok mula kay papa.Ano bang nangyayari?




"Tangina! Mas lalo niyo lang ipinamumuka sa'kin na wala akong kwentang ama dahil kinailangan niyong magtrabaho lahat! Ako ang padre de pamilya! Ako ang dapat na nagsusustento sa inyo!" galit na sigaw ni papa bago sinuntok ang pader. Kita ko kung paano umagos ang dugo mula sa kamo nito na siyang dumadaloy ngayon sa pader. Alam ko na mabigat para kay papa ang lahat ng ginagawa namin pero kailangan.



"Kailangan namin tumulong,pa. Ayokong maging pabigat." sabi ko. Inis akong binalingan ni papa at akmang susugurin ako pero agad na pumagitna si mama.



"Tama na,Lando. Mga anak mo 'yan. 'Wag mo silang saktan. Hindi nila kasalanan kung bakit kailangan nila tayong tulungan sa mura nilang edad." umiiyak na sabi ni mama habang pinipigilan si papa.



"Lando!" sigaw ni mama nang itulak siya nito at nagdire-diretso sa'kin. Nakahanda na 'ko sa kung anong gagawin sa'kin ni papa pero ilang minuto na ang nakalipas hindi ko parin nararamdaman ang palad niya sa mukha ko.




"Pa...'wag niyo silang idamay dito. Ako ang may kasalanan." sabi ni kuya habang pinipigilan ang kamay ni papa .



Ganito na lang ba lagi? Palagi na lang akong may problema? Palagi na lang ganito 'yung sitwasyon? Pagod na pagod na 'ko...




"Magsilayas kayo sa pamamahay ko! Wala akong anak na kagaya niyo!" iyon lang ang narinig ko mula kay papa bago niya kami tuluyang iwan sa kusina.




"Lando!" habol ni mama kay papa. Naiwan na lang kami dito nila kuya. Nakatulala. Nabigla sa sinabi ni papa.




"Pasensya na kayo. Nadamay pa kayo dahil sa'kin." sabi ni kuya Larry. Naayapos na lamang ako sa kanya.



Hindi ko na alam kung ano pa ang susunod na mangyayari. Masyado na 'kong nanghihina. Sunod-sunod na ang problema na dumadating sa'kin.


Sawang sawa na 'ko.






🌻
WORK OF FICTION

Our Brightest TomorrowUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum