"Ang bilis mo naman po dun?"

"Sumama po kasi ang ihip ng hangin dun!" Padabog ko pang sagot. Natawa naman si manong at iiling-iling na pinausad ang taxi.

Zares' Point of View

"Shit!" Napalo ko ang bibig ko ng masambit yun. "Sorry po, ma'am, sir, sa nasabi ko kanina. Pangako ko sa inyo.. mamahalin at aalagaan ko po ang anak niyo para hindi na kayo mag-aalala sa kanya. Pangako ko po yan sa harap ng puntod niyo." Napangiti ako ng maalala yung kanina. Alam kong nagalit siya sa mga sinabi ko kanina. Sh*t! I need to fix this now! I can't wait any longer.  "Sige po, ma'am, sir, magpapaalam na po ako sa inyo. Dahil patutunayan ko na sa inyo yung sinabi ko."

Dali-dali akong lumabas ng gate at tinungo ang kotse ko. Alam kong yung taxing binayaran ni Daren ang sinakyan na naman niya.

Mabilis akong nagpatakbo para maabutan yun at masundan. Hindi naman ako nabigo.

Hindi ko alam kung anong ginawa mo nang magkaganito ako sayo, kaede. Pero ito lang ang masasabi ko.. mahal kita. Mahal na mahal na kita. Ayokong mawala ka sakin kaya ngayon, hindi ko hahayaang matapos ang araw na to na di mo ko pinapansin.

Sinundan ko lang yung taxi hanggang sa makarating sa university.

*****

Hapon na kaya nasisiguro kong lalabas na siya.

Dito talaga ako tumambay ng maghapon. Dito narin ako kumain dahil gusto kong abangan siya.

Napatayo ako ng makita ko siya sa harap ng gate at nag-aabang siguro ng taxi.

Pumasok ako sa kotse ko at inilapit yun sa di kalayuan sa kanya. Lalabas sana ako ng makita kong may isang kotseng pumarada sa harapan niya. Si Jacob!

"Kaede!" Sigaw ni Jacob at kumakaway-kaway pa. Lumabas siya ng kotse niya at tumabi Kay kaede.

"Jacob, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni kaede.

Naririnig ko ang boses nila dahil lumabas ako ng kotse at medyo mas lumapit pa ako na bahagyang nakatago.

"Napadaan lang. Nakita kita kaya nilapitan kita." Lumingon-lingon siya. "Hinihintay mo ba yung boyfriend mo?"

Tiningnan ko ang mukha ni kaede ng maging masama ang tingin niya. "Hindi! Bat ko naman siya hihintayin?" Galit nga..

"May problema ba? Nag-away ba kayo? Niloko ka ba niya?" Anak ngㅡ" Bigwasan kita jan eh!

"Hindi! W-Walang nangyaring ganun."

"Eh anong nangyari? Tss. Iwan mo na siya Kaede.. sakin ka nalang sumama."

Tanginaㅡ! Hahakbang na sana ako para lumapit nang magsalita si kaede.

"Jacob, akala ko ba napag-usapan na natin to?" May humintong taxi sa tapat nila. Yung taxing binayaran ni Daren. "Jacob, oo may problema samin dahil nagalit ako sa kanya pero hindi naman ibig sabihin nun.. hihiwalayan ko na siya." Napatigil ako. I-Ito na ba? Ito na ba ang gusto kong marinig mula sa kanya? "Mahal ko siya, Jacob kaya hindi ko rin kayang mawala siya. Oo, galit ako sa kanya pero alam kong ngayon lang to--mawawala rin to." Tumibok pa ng mas malakas ang puso ko. God! Ito nga lang ay parang sasabog na ang puso ko.. pano pa kaya kung sinabi niya yan sa harap ko?

Napatingin ako kay Jacob. Natawa ako sa mukha niya. Para siyang nalugi dahil ang tamlay at nakasimangot siya. Ano ka ngayon ha? Ang sarap isigaw nun sa kanya pero ayokong mas magalit pa sakin lalo si kaede.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now