Chapter 111: Luctor et Emergo

ابدأ من البداية
                                    

Pagkatapos i-fold ni Kuya ang higaan ko, itinabi nila ang side table at ang desk. And they filled the space with foam.

Ang laki na, kasya na kaming lahat. Nakatapat lang kami sa TV kaya nagmumukha kaming magpipinsang nasa family reunion dahil sa set-up namin.

"Ayon! Tara na, higa na!"

Tumalon ang teletubbies and friend. Bigla naman akong ni-wrestling ni Kuya Lachlan hanggang sa matumba kami.

Patawa tawa naman ang gago.

Umayos na kami ng higa, magkakatabi. Madami man kami pero kasyang kasya. Napatawa na lang ako.

Sa right side ko si Kuya Lachlan samantalang sa left side si Zilch na sinundan ni Iñigo. Kahit pusa inihiga niya, si In-Kyu tuloy nakaupo lang. Pinagpalit 'yung pusang may pangalang Kyu sa totoong tao na may ngalang In-Kyu. Ayos rin.

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa ingay nina Langston. Bumangon ako at nakita silang naghaharutan, yeah, the teletubbies and friends.

They're even maintaining their voices kasi pinaglalagyan nila ang mukha ng mga tulog na tulog pa.

Inabot ko ang camera kong nasa lapag lang at kinuhanan sila ng litrato.

Agad silang napalingon sa akin na para bang they're thief that was caught in the act.

"Ate! Hoy!"

Bahagya akong napatawa. "Lipstick, dali!"

Hinagisan naman nila ako ng lipstick. I pursed my lips, lipstick ko 'tong galing sa lovlex na hindi ko naman ginagamit.

Nilagyan ko ng bilog ang magkabilang pisnge ni Iñigo, i draw his eyebrows too.

Tumayo naman ako at dumulong kay Kuya Lachlan at pinag-drawingan siya ng kung ano. Ang mga mukha ng babae tapos na nilang gaguhin kaya ito sila, patawa tawa habang tinatapos ang mukha nina Rocco at Helix. Pati mga editors at manager namin, baboy na baboy rin ang mga mukha.

Tumabi ako kay Zilch na pinapanuod silang mag-drawing. Mukha silang naghahasik ng lagim dahil sa pinaggagawa nila sa mga mukha ng dalawa.

Hinarap ako ni Zilch. Kinuha niya ang lipstick sa kamay ko.

"Dapat meron ka rin." Tumawa siya. I chuckled and let him draw whatever her wanted.

Nang matapos siya, agad ko ring kinuha sakanya ang lipstick. Nilagyan ko siya sa mukha kaya ito kaming dalawa, patawa tawa.

Ang tatlo naman, nilagyan rin ang isa't isa.

"Lagyan mo 'ko frog para alpha kokak." Humagikgik sina Langston.

After we did that, we took a lot of photo. Para hindi mahalata, nagsibalik kami sa pwesto namin at kunwaring nagsitulog.

Iminulat ko ang isang mata ko. Everyone is now waking up. Nasulyapan ko pa sina Langston na nagyayakapan, nakatulog talaga sila.

Narinig ko ang malakas na tawa ni Iñigo. "Taong etits!"

Pinigilan ko ang pag-tawa. He's pertaining to In-Kyu na may etits nga sa bandang noo.

"Tawa tawa ka pa jan, tignan mo mukha mo. Pusa ka na low budget." Iñigo flicked my forehead.

"At least hindi nagmukhang japayuki na original na nanggaling sa Korea." I laughed.

"Tangina mo!" agad na hinampas ni Danica si Langston. Nagising naman ang mokong.

Napatawa na lang ako dahil kawawa ang tatlong teletubbies sa mga babae. After that, dinambahan sila nina Lenox at ayon na nga, mukha silang mga batang nagw-wrestling. Ang hindi lang naman sumasali sakanila, eh si Zilch at ang mga managers naming napailing na lamang.

"Baba na tayo, sabay tayong kumain." Ani Sandro.

Patawa tawa ngayon sina Langston. Hindi man lang sila nag-abalang tanggalin ang mga lipstick sa mukha nila.

"The management na magha-handle ng season 7, emailed me." Ani Rie. Umagang umaga, kaharap niya ang iPad niya. Our hardworking managers.

"Ano says nila?" Si In-Kyu. Umubo ubo si Iñigo.

"Interview tomorrow before the game."

Napatingin sila sa akin.

Ngumiti ako at tumango. "Sus, g."

"Sure?" Si Kenji.

Tumango ako. "Yup."

"And, sa isang araw, Tita said na umuwi kayo ni Lachlan. Your cousins went home. Kumpleto kayo, that's why they want you to go."

Umusbong sa akin ang kaba at napatango na lamang.

It's fine. I'll be fine.

District Survival Onlineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن