"Ma s-sige na po uwi na tayo ok na ako." Huminga ako ng malalim kasabay ng pagpasok ng isang nurse. "Magaling na ako Ma.. ayaw ko dito." Hinawakan ni Mama ng mahigpit ang kamay ko at hinimas ang ulo ko kasabay ng pagtango niya.

Binalaan lang ako ni Doc na iwasan ang mga bagay na pwede akong ma stress o mapagod agad, may mga gamot na naman siyang nireseta sa akin. Nandito na ako ngayon kakapalit lang ng damit habang inaayos ni Mama ang mga gamit namin.

Mukang kailangan na namin ng pera.

"Maayos kana ba Anak? sigurado kabang uuwi na tayo?" Inaayos ko ang kama na hinigaan ko kanina.

"Opo Ma baka mahal na naman ang babayaran natin." Pilit akong ngumiti kay Mama.

Nasa labas na kami ng hospital at nag aantay nalang ng tricycle na pwedeng sakyan. Medyo mabigat parin ang pakiramdam ko na parang pwede akong matumba anytime.

---

"Dito nalang Manong." Pumara na si Mama at nilalayan akong lumabas ng tricycle kakababa ko palang pero ang mga tingin ng tao ay nanghuhusga na naman.

Nagbayad lang si Mama at binuksan na ang gate at nilalayan ako. Dapat nasa palengke na siya pero eto inaasikaso ako.

"Mama ligo lang po ako at papasok na sayang po ang klase ko ngayon." Napahinto si Mama sa pagliligpit ng gamit at tumingin sakin.

"Papasok ka? pwede namang wag muna Allure at gagaling mo lang sa hospital ikaw talagang bata ka." Kamot ulong sambit ni Mama.

"Pero Ma. May practice rin po ako sa music club at sayang po ang klase ko."

"Sige na hindi naman kita mapipigil pero wag kang maligo baka mabinat ka mag punas ka nalang maghahanda ako ng kakain mo at ihahatid kita. Pumunta na si Mama sa kusina.

Dumeresyo ako sa kwarto at kinuha ang uniform ko hinilot hilot ko pa ang braso ko dahil sa pangangalay nito.

Physical Exam.

Blood test.

Bone marrow test.

Chemotherapy.

Operation.

Nagbibihis ako pero ang mga bagay na yan ang tumatakbo sa isip ko, kung ang simpleng pananakit ng ulo at nosebleed ay sobrang hirap na paano pa kaya ang operasyon?

Sobrang hirap, halos iilan lang ang nakakaligtas dito. Ang mahal pa ng kinakailangan. Hindi kakayanin ni Mama lalo na ako sa dinami dami ng tao sa mundo bakit kasi ako pa?

Lagi nalang akong pinapahirapan.

Pagtapos ko magbihis bumaba na ako at nakita ko si Mama na nakatingin sa isang notebook at problemado na naman.

"Ma." Mahina kong at sapat na para marinig niya.

"Papasok kana? kumain ka muna." Inihanda niya ang kakainin ko.

"Ma kung hindi mo na kaya ako na ang susuko ha." Sambit ko habang kumakain ng lugaw.

"Ano kaba anak, wag kang sumuko gagaling kapa, mag co-college kapa, mag a-attorney kapa diba."

"Ma..ikaw lang kasi yung n-napapagod e'." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Ayaw kong nahihirapan ka dahil sakin Ma."

---

Pag pasok ko sa university tahimik na mukang nasa classroom na ang mga students. Naglakad ako papunta sa locker at kumuha ng libro. Pumunta rin ako sa dean's office kanina para mag report kung bakit ako absent.

Sabi ko nag ka emergency lang.

Malapit na ako sa classroom namin at huminga ako ng malalim bago pumasok.

Pag pasok ko palang sa pinto tumigil ang prof sa pagsasalita at kasabay ng pag tingin nila sakin.

"Sorry Ma'am I'm late." Nahagip ng tingin ko ang nag aalalang muka ni Meli at katabi niya sila Ryona na kinataka ko.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now