PROLOGUE

47 2 0
                                    





I'm just a simple girl who loves peace the most.

Isa lamang 'yan sa mga bagay na pinakagusto ko. Ang mabuhay ng mapayapa. Hindi naman sa hindi ko 'to nararanasan ngayon pero 'yon na talaga ang gusto ko. Simula pagkabata ay aliw na aliw na ako sa kapayapaan.


Lumaki kasi ako sa Batangas. Mas tahimik doon kaysa rito sa bago naming nilipatan na lugar. Kinailangan namin lumipat dahil naniniwala ang mga magulang ko na mas matutostusan nila ang pangangailangan naming magkakapatid kung doon sila magtatrabaho sa siguradong mas malaki ang kikitain nila.



Jeepney driver si papa at si mama naman ay helper sa isang mayamang pamilya. High profile pa nga yata eh. Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay mayaman sila. Minsan na rin akong naisama ni mama sa bahay ng amo niya noong nasa ibang bansa sila para doon mag celebrate ng Christmas. Sana all!


Pero simula no'ng masangkot ako sa isang issue sa school na pinapasukan ko...hindi ko na naranasan ang kapayapaan sa loob at labas ng paaralan.


In just a blink... Everything has change.




"Lara!Owemji,sis!" bungad sa'kin ni Yam na nakabantay sa'kin sa may gate pa lang. Guard ka sis?




"Bakit ba? Agang-aga ang ingay mo." sagot ko rito nang makapasok ako matapos tingnan no'ng guard ang I.D. at bag ko.



"Nabalitaan mo na ba?" pabulong na tanong nito sa'kin na animoy nag-iingat with matching lingap lingap pa sa paligid.


"Ang alin?" tanong ko rito. Pabulong din. Nahahawa na ko sa kagagahan nito ha!



"Kilala mo si Enriquez?" tanong ulit nito. Enriquez? May kilala ba 'kong Enriquez?


"Sinong Enriquez?"kunot noo kong tanong dito. Hindi ko alam kung ano bang hinithit nito kahapon at ganito na ngayon. Parang aning.


"Gaga ka! Hindi mo kilala si Enriquez,sis?!" she said exaggeratedly. Napalingon naman ako rito dahil sa inakto niya. Sino ba kasi 'yong Enriquez na 'yon at masyadong pa showbiz ang keme sa buhay.



"Hindi nga!Ano ba? Anong meron?" takang tanong ko rito habang papasok kami sa room namin. Senior High School na kami ngayon at nasa Academic Track kami under ng strand na Humanities and Social Sciences. Pero gaga sis! Akala ko madali lang dito hindi pala! Na-scam ako ro'n ha!





Napansin ko naman na biglang nagsipagtinginan sa'kin mga kaklase ko na akala mo naman ay nakakita ng Miss Universe. Ano ba?! Ako lang 'to oh! Kalmahan niyo! Charizzz!




"Si Stephen Dragan Enriquez. Ang three point shooter ng basket team nitong school. Shooting Guard ng team. May height na 6'4 at syempre pege she ehe!" paliwanag nito na nahaluan na ng katalandian. Tiningnan ko ito na animoy nandidiri ako sa kanya.




"Landi mo!Alam mo ba 'yon?" I said sarcastically. Normal na samin ang ganito kaya wala ng samaan ng loob.




"Oo,sis! So ayon na nga! He's so tall naman 'di ba? Biruin mo 6'4 ang height. Tangkad,sis! Paano na lang akong 5'4 'no?" dagdag pa nito at kunwari'y nasasaktan pa dahil sa height difference nila. Sira talaga.



"MVP siya,sis! Actually,ka-year level lang natin siya pero under siya ng STEM. Oh diba? Brainy ang Lolo mo!"pagpapatuloy nito. Nakikinig lang naman ako sa kanya habang nagbabasa ng notes ko. Hindi talaga kaya ng brain ko ang PPG grabe! Pakiramdam ko lagi rito para akong mag-aabogado!




Our Brightest TomorrowDonde viven las historias. Descúbrelo ahora