40: What Lover's Do

7 1 0
                                    

CHAPTER 40: What Lover's Do

JASMINE'S POV:

I stared at him. Ang gwapo na niya ah? Kahit ang puti puti ng mukha niya at parang namumutla na dahil siguro sa hospital.

Tumakbo ako sa kaniya at sinampal siya ng malakas. “Ikaw!” Turo ko sakaniya. “Napakairesponsable mo! Binuntis mo yung bestfriend ko tapos hindi mo pa pinanindigan!”

Bigla naman siyang namutla at may biglang pumasok sa kwarto. It's the woman who just came out minutes ago.

“Hey! Hey! Crazy woman, chill okay? Pano naman gagawa ng kababalaghan yung kuya ko eh nasa hospital siya aber?” tanong niya habang nakapameywang.

Napataas yung kilay ko, “Ikaw ba kausap ko?”

“Jasmine, umalis kana,” biglang saad ni Justin at tinulak pa ako gamit ang guitara. Pumunta naman yung babae at chineck siya.

“Kuya, wait lang ah.”

Hinila naman ako ng babae sa labas at nilock yung pinto. “A-ano ba! Masakit!”

She faced me,“Hey, bakit kaba nananampal ng tao ha? Hindi mo alam lahat Prin—Jasmine! Your words might be reciprocated pero alam mo bang mas gugustuhin ko nalang na wag mong lapitan yung kuya ko! You crazy woman! Bumalik ka sa jowa mo!”

Napalunok ako kasi parang iiyak na siya. “You leave my brother alone, wag kanang magpapakita pa.”

Aalis na sana siya pero hinawakan ko yung laylayan ng damit niya, “But she's the father of my best friend's child!”

Tumawa siya, “Kung makapagbintang ka naman babae parang alam mo lahat. Try asking your best friend again,” she smirked at bumalik sa kwarto ni Justin.

I enhaled. “Fuck!”

Why does she know my name? Tsaka prin? Princess? Is she going to mock me? Tsaka bakit niya alam na may jowa ako? Si Ice ba?

I heard my phone vibrated kaya napaigtad ako at tinignan to.

Bebelabs:
Hey, don't forget to eat your breakfast baby. I love you so much, enjoy!

Jasmine baby:
Yes, ikaw din. I love you more.

Hindi na siya nagseen pa at bigla naman akong napapitik gamit ang kamay. Si Autumn.

Pumasok kaagad ako sa kwarto niya at nakita ko naman siyang hinahawakan yung singsing niya sa kamay niya.

She smiled when she saw me, “Jas—”

“Who’s the father?”

Nawala naman kaagad yung ngiti niya at parang namutla. “Huh?”

Ako naman yung napangisi, “Tell me Autumn.”

Tumulo na naman yung luha niya, tell me, ganito ba lagi kapag buntis? Haish!

“Sorry bes...”

“Sa ano?

“I lied....”

Tumayo ako sa harap niya, “Sa ano?”

Yumuko siya, “I and Justin was just p-pretending... at hindi siya ang ama neto... I'm s-sorry...”

Tila parang shooting star akong nawala sa katinuan at ang buong alam ko lang umupo ako sa gilid ng kama at parang hindi makasalita habang kinukwento niya.

All this time again? I was hurt by him? I don't know what to feel anymore.

Is it really me that he hurt? Or is it him that I broke?

𝗛𝗲𝗿 𝗘𝗻𝗱𝗹𝗲𝘀𝘀 𝗠𝘂𝘀𝗶𝗰: #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon