BMDN Chapter 3

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay sige mag hahanap tayo" sabi nya sa anak nya

Nakangiting nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.

Bumaling sakin ang Daddy ni Kisza kaya nawala ang ngiti ko. Seryoso syang nakatingin kaya pati si Kisza ay napatingin sakin tapos sa Daddy nya.

"Ay Daddy sya si Ate Nina. Sinamahan nya ko sa pag hihintay sayo" sabi ni Kisza saka hinawakan ang kamay ng Daddy nya sa harap ko at inabot din nya ang kamay ko.

"Ayan" sabi ni Kisza at pinag dikit ang kamay namin ng Daddy nya.

Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente ng mag dikit ang mga kamay namin. Sandali lang iyon pero ramdam ko parin ang init ng kamay nya sa kamay ko.

"May anak kaba dito?" Tanong ng Daddy ni Kisza gamit ang malamig na tinig. Na halatang napipilitan lamang syang kausapin ako dahil kasama nya ang anak nya.



"W-wala. Dinadalaw ko lang ang d-dati kong alaga. D-dito din kasi sya nag aaral" nauutal na sagot ko saka nag iwas ng tingin



"Nag aalaga ka dati ng bata Ate Nina?" Tanong ni Kisza


"Oo, kaya pag namimiss ko sya pinupuntahan ko sya dito" sagot ko. Totoong naging Nanny ako noon, pero nagkasakit ang kapatid ko kaya napilitan akong umalis sa amo ko para alagaan si James.



"Daddy diba mag hahanap na tayo ng mag aalaga sakin kasi aalis ka papuntang Spain para sa work? Si Ate Nina nalang yung kunin mo" masayang sabi bi Kisza.

Hindi ko gusto ang suggestion ni Kisza. Ayokong masyadong mapalapit sakanya, okay na na kikita ko sya. Baka kasi pag napalapit ako sakanya ay mahirapan na akong umalis.




"Pwede ka naman kila Mama ka mag stay habang wala ako." Sabi ng Daddy nya na ikinasimangot ni Kisza.


"Ayoko dun Daddy." Nakasimangot na sagot nya sa Daddy nya. Bumaling sya sakin saka ngumiti.

"Ate Nina, papayag ka namang maging Nanny ko diba?" Masayang tanong nya. Ayoko syang makitang malungkot, pero alam kong hindi magandang idea na ako ang maging Nanny nya.

Ako ang totoong nanay nya pero magiging Nanny nya ako? Kahit na wala namang may alam na ako ang nanay nya maliban sa dalawa kong kapatid. Ayoko paring magkaroon ng kaugnayan sa kanya- sa kanila. Dahil baka makagulo lang ako.




"Kisza, pasensya na pero hindi kasi pwede eh." Mahinhin na sabi ko.

Nalaglag ang balikat nya. Medyo na guilty ako pero alam ko kasing iyon ang tama. Nag umpisang mamasa ang mata sya kaya na alarma ako at umupo para magkapantay kami saka ko hinawakan ang mukha nya.

"Ssssh... Huwag kang umiyak" sabi ko saka pinunasan ang mukha nya.


"Ayaw mo po ba sakin?" Umiiyak na sabi nya.

Parang sinaksak ng libo libong karayon ang puso ko. Para hindi tungkol sa pag ayaw ko na maging Nanny nya ang dahilan kung bakit nya tinatanong ito kung hindi ang dahilan kung bakit ko sya ipinamigay.



"Hindi sa ganun Kisza. Gusto kita, gustong gusto kita simula noong una kita ko sayo. Pero kasi hindi talaga ako pwedeng maging Nanny mo." Sabi ko sakanya.

Ang hirap ng ganito yung gustong gusto mong yakapin ang anak mo pero hindi mo magawa dahil wala ka namang karapatan. Dahil simula ng iwanan ko sya ay nawalan na ako ng karapatan sakanya.




"Pero bakit ayaw mo?" Umiiyak na sabi nya



"Kasi hindi pwede" sagot ko. Tumango lang sya saka pinunasan ang luha nya sa ka humarap sa Daddy nya.



"Tara na Dad" sabi nya sa Daddy nya at  hinawakan ang kamay nito saka sila nag lakad palabas ng School. Nakita kong itinaas ni Kisza ang dalawang kamay nya saka sya kinarga ng Daddy nya. Niyakap nya ang braso nya sa Daddy nya at Ipinig nya ang ulo nya sa balikat nito.


Pagkaalis nila ay nanghihinang umupo ako. At paulit-ulit na sinabing tama ang ginawa ko.


Ayokong makagulo sa pamilya nila.




***




"Are you okay Kisza?" Taning ni Spencer sa anak. Tahimik itong naka upo sa back seat ng kotse.




Tumango ang bata, pero alam nyang hindi ito okay. May ano ba sa babaeng iyon at gustong gusto ng anak nya?

Simula noong nakita nya ang babae kasama ang anak nya sa Park ay lagi na itong mag kukwento tungkol sa babaeng iyon. Sinabihan nya rin ang anak na huwag sasama kung kani kanino. Kaya pati ang guard na school na pinag aaralan ng anak nya ay pinagalitan nya.

Sobra ang takot nya noong nahuli sya ng pag sundo dito ay wala na ito sa school at sinabi ng guard na mag sumundo daw dito na babae. Ilang mura ang sinabi nya sa guard at binantaan na papatayin nya ito pag hindi nya nahanap ang anak nya. Buti nalang at  napadaan sya sa park malapit sa school nito. At doon nya nakita ang anak na masayang makikipag kwentuhan sa babaeng kasama.

Mukha namang hindi gagawa ng masama ang babae pero hindi din sya dapat mag pakasiguro. Hindi sya basta basta nag titiwala sa tao lalo na kung pisikal lang ang pag babasihan. Kaya laking pasasalamat nya ng tanggihan nito ang gusto ng anak nya na maging Nanny nito.











Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon