"Ingat!" Narinig ko pang sigaw niya nang maipausad ko na ang kotse.

- UH -

"Bro, may natanggap na kaming impormasyon." Bungad sakin ni Daren.

"Meeting room." Tipid na sabi ni sir Raymond at nagpatiuna sa pagpasok.

Sumunod naman kami. "Ayon sa nakuha naming impormasyon, may mga babae na namang nadukot sila Fuentes at parami ng parami ang mga experiment nila. Ang ilang mga babaeng nandun ay naturukan na nila. Sinasabi sa source natin na may pinaplano na naman si Fuentes." Nagtaka naman ako ng tumingin sakin si sir. "Yan muna ngayon, tatawagin ko nalang kayo pag may plano na." Nagsitayuan kami ng magsalita si sir. "Ares, I need to talk to you."

Tinapik lang ako ni Daren sa balikat bago lumabas. Kami nalang ni sir ang naiwan.

"Bakit po, sir?"

"May nakapagsabi sakin na nanganganib ang buhay ng girlfriend mo." Kinabahan naman ako sa narinig. May inilapag si sir na picture ni Kaede. "May copy sila ng picture na yan, hindi ko alam kung saan nila nakuha basta ang alam ko lang gagamitin nila si Kaede laban sayo." Umigting ang panga ko sa narinig. "Natandaan mo yung sinabi mong tuturukan sana si Kaede? Sigurado akong hindi malabong gagawin nila yun. So, take care of her. Don't take your eyes off of her as much as possible. Okay lang na wag ka munang pumunta dito, bantayan mo nalang siya. Tatawagan ka nalang namin sa mga balita."

"Yes sir!" Nanginginig akong pinulot yung picture at ibinulsa. "Hindi ko sila hahayaang magawa ang gusto nila. I won't let them touch my girl either!"

"Good! Ngayon palang, bantayan mo na siya. Go!"

Napabuntong-hiningang lumabas ako at dali-daling tinungo ang kotse ko. Nang paandarin ko yun, napalingon ako nang may sumakay.

"Balak mo ba akong iwan?" Ani Daren.

"Kailangan ka dito, dito ka lang."

"Alam ko ang pinag-uusapan niyo ni sir Raymond. Gusto ko rin namang protektahan si Kaede ah!"

Hindi na ako nagsalita pa at pinausad nalang ang kotse.

Kaede's Point of 6

"Tina.." nasambit ko nang humarang siya sa dinaraanan ko. Expelled na siya pero bakit parin siya andito?

Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Siguro dahil natatakot akong baka may gawin na naman siya sakin.

"Hi there, Kaede! Nag-enjoy ka ba dito na wala ako?" Lumapit siya sakin na nakangisi kaya umatras ako. "Bakit ka umatras? Natatakot ka ba sakin? Don't worry, wala naman akong gagawin sayo." Ngumiti pa siya ng matamis.

"Please, Tina. Leave me alone. Please!" Pakiusap ko.

"Yes, I bullied you pero noon yun, nakalipas na. Ngayon, wala na akong masamang gagawin sayo. I'm here to tell you about your parents. The death of your parents."

Mas lalong dumoble ang kaba ko. "A-Anong sasabihin mo?" Napaatras ulit ako ng lumapit siya. "W-Wag kang lumapit."

"Paano ko sasabihin kung hindi ako lalapit? Gusto mo bang may ibang makarinig?" Aniya na ikinailing ko naman agad.

Nang lumapit pa siya hindi na ako umatras. May kung ano sa sistema ko na maniwala sa kanya kaya hindi ako umatras.

"Your boyfriend kept a very big secret from you.. and it's about your parents." Mahinang sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Napaigtad pa ako ng lumapit siya sa tenga ko at may binulong na nakapagpatigil sakin.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now