Mas binagalan nito ang paglalakad na mukhang hindi naman nagmamadali. Walang magawa si Shen kung 'di ang bagalan din ang paglalakad. Nakakahiya kung mauuna siya rito gayong iisang lugar lang naman ang pupuntahan nila.

At iyon na naman ang pakiramdam na tila napakabagal ng oras. Marahil ay dahil sa bagal ng paglalakad ni Ace.

Natigil lamang siya sa paglalakad nang bumangga siya sa likuran nito. Sa sobrang pag-iisip ay hindi niya namalayang narating na pala nila ang elevator. Halos kapusin siya ng hangin nang mapatingin sa seryoso nitong mukha.

"After you." He gestured his hand inside the elevator when it opened. Agad namang pumasok si Shen sa loob.

And her heart kept on throbbing for whatever reason she didn't know.













AGAD NA NAGTAYUAN MULA sa kanilang kinauupuan ang mga nasa loob ng conference room pagkapasok nila ni Ace. They all greeted. Ngunit nahinto iyon nang makita siya ng mga ito sa likuran ng lalaki.

"Sorry if we're late," ani Ace saka naupo sa pinakadulong bahagi ng table. Sinundan siya nito ng tingin habang paupo siya sa tabi ni Cassie.

"Hoy ineng, nag-date kayo ni sir, 'no?" bulong pa nito at mapanuri siyang tinitigan.

Sumenyas lang siya rito na tumahimik na at itinuon ang tingin sa harapan. Muli pang nagtama ang mga paningin nila ni Ace at hindi niya maiwasang kabahan nang makita ang seryoso na naman nitong mukha.

Hindi ba siya ngumingiti?

"Nag-start na ba kayo?" tanong ni Ace kay Kristie na halos hindi na mapinta ang mukha. Padarag nitong binuksan ang laptop at nagsimulang mag-scroll sa folders nito.

"Not yet, sir," labas sa ilong na sambit nito. Hindi nakaligtas kay Shen ang mapang-akusa nitong mga titig. "Stella, minutes, please."

"Y-Yes, miss," kandautal pa si Stella habang kinukuha ang journal nito. Mukhang nabigla sa kakaibang mood ni Kristie.

Ano na naman ba ang problema ng isang 'to?

"Okay!" Ace exclaimed. "Let's start. Ano ba ang uunahin?"

"The marketing strategy, sir," si Kristie sabay baling nito sa kaniya. Nginitian pa siya nito. Isang peke na ngiti.

"Sino ang naka-assign sa part na 'yan?" Ace asked again. Inilibot ang tingin sa mga nasa table. Animo'y naumid ang dila ng mga kasama niya dahil nakatungo lamang ang mga ito sa kanilang mga laptop.

"A-Ako po, sir." She raised her hand timidly. At iyon na naman ang kakaibang pagtahip ng dibdib nang titigan siya ni Ace. His green gemstone eyes are really something, she thought.

"Miss Tiu..." Ace leaned on its chair. "I only need insights. Not the whole content." He even gestured his fingers to the air. "You may start now."

"Y-Yes po, sir."

Kanina pa niya binuksan ang lapotop habang papunta sila rito sa conference room kaya naman pagbuklad niya nito ay agad niyang hinanap ang folder ng presentation sa window. Insights lang naman ang hinihingi ng boss nila, but she needs to impress him. Iniisip niya na kapag na-impress ito ay baka ma-promote na siya.

And she's hoping for that to happen.

She faced the laptop to everyone. Ipinakita niya sa mga ito ang isang slide na may video content gamit ang kaniyang smartphone. May ikinabit siyang chord sa laptop na hiniram kay Cassie to connect on her phone so that the turning of slides will become efficient.

"St. Thomas Academy, a prominent school in Metro, will held a music festival for this month. And it will be between twenty-third and twenty-fifth. So, instead of making billboards as what Ms. Bagares said on her written marketing strategy, what if we sponsored their music festival and give them our newly energy drinks for free?"

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon