"Hindi ka didiretso sa conference room?" seryosong tanong nito kaya tuloy ay napaharap siya rito. Nahigit niya ang sariling hininga nang lumanding ang tingin niya sa mga mata nito. His gemstone green eyes were protruding.

Nanatiling nakabukas ang elevator dahil sa pagkakahawak ni Ace sa pinto niyon. She cleared her throat. "N-Nasa department po kasi ang laptop ko."

"I'll go with you." Lumabas na rin ito ng elevator at nagpatiuna sa paglalakad.

Hindi agad nakahuma si Shen sa nangyari. Like, for real!? Gusto siyang samahan ni Ace na kunin ang laptop niya!

"Shen," tawag nito sa kaniya at tila no'n lang bumalik ang diwa niya. "Let's go."

Muntikan na siyang mapasigaw nang biglang sumara ang elevator. Agad siyang lumabas at sumunod dito. Hindi niya maiwasang mailang sa ibang empleyado na nadadaanan nila. Nagtataka ang tingin ng mga ito kung bakit nakabuntot siya kay Ace.

Pakiramdam niya ay ang layo ng nilalakad nila. Parang napakabagal ng oras sa tuwing makakasabay niya si Ace.

Hanggang sa makarating sila sa Marketing Department ay nanatili lang siyang nakasunod sa lalaki. Wala ng tao sa loob. Nahihinuha niyang nauna na ang mga kasamahan niya sa conference room. They stopped at her cubicle. She pressed her lips and took a glance at her desk. Pero dahil nga nasa harapan niya ito, hindi niya matanaw ng maayos ang kaniyang mesa dahil na rin sa malaking katawan nito.

"Looks like someone has an admirer."

Sa sinabi ng boss ay agad niyang tinungo ang desk. Nanlaki ang mga mata niya nang tumambad sa kaniya ang pamilyar na isang bungkos ng mga pulang rosas na napaka-elegante ng pagkakabalot at dalawang box ng chocolate.

Iisang tao lang ang naiisip niyang gagawa nito. Si Third. Pero nakakapagtaka dahil nag-iba ito ng schedule ng pagpapadala sa kaniya ng mga bulaklak at chocolates.

Kunot-noo niyang hinalungkat ang mga bulaklak kung may note itong kasama. Nang hindi niya makita ang hinahanap ay binalingan niya ang dalawang box. Isang pamilyar na sticky note ang nakita niya pagkatanggal ng unang kahon. Her brows furrowed when she started reading the note.










Hope your receive these little gifts from me, Shen...









Walang pangalan na nakasulat. Hindi nasabi sa note kung kanino galing ang mga bulaklak at chocolates. Buong akala niya ay galing na naman ito kay Third dahil ganito lagi ang natatanggap niya. Mas pinakatutukan niya ang sulat-kamay ng note. Single stroke, all uppercase.

May naalala siya sa note na ito. Ngunit ayaw niyang isipin na galing nga rito ang sulat. At nasisiguro niyang hindi ito galing kay Third.

"You love red roses," patungkol ni Ace sa mga bulaklak.

She twitched her lips. Atubiling napatingin sa boss. Mataman lang itong nakatitig sa kaniya. Tuloy ay hindi niya maiwasang pagpawisan kahit na nakabukas ang aircon sa opisina. Pakiramdam niya ay nakagawa siya ng isang pagkakamali.

"K-Kunin ko lang sir 'yong laptop ko," pagpapaalam niya na tinanguan lamang ng lalaki.

Pero bago kunin ang laptop ay inayos na muna niya ang pagkakalagay ng mga bulaklak at box ng chocolates sa mesa niya. Nang masiguro ang mga iyon ay saka niya binitbit ang kaniyang laptop.

"Okay na po ako, sir," aniya sa lalaki. Muli siya nitong tinitigan at hindi niya maiwasang mailang sa uri ng tingin nito.

"Let's go. Late na tayo," anito at nagpatiuna sa paglabas ng department.

Agad naman siyang sumunod habang yakap-yakap ang nakatikom na laptop. Palaisipan pa rin kay Shen kung sino na naman itong nagpadala sa kaniya ng mga 'yon. Hindi pa nga niya alam ang identity ni Third ay may bago na naman siyang secret admirer.

Love, ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon