Chapter 28

382 14 0
                                    

"Hindi pala kayo magjowa, valdez eh."Rinig kong pagkakasabo ng isang empleyado. If I'm not mistaken, he is albie? "Buti na rin yon kasi mas bagay naman sila nitong tropa ko."Inakbayan pa niya si chie habang tinuturo ito na parang proud.



Napatingin muna ako saglit kay samantha bago ako sumagot, "Hindi naman talaga. Bakit? Sinabi ko bang magjowa kami? We're just friends."




"Wag mo na silang pansinin, ly. Tara nalang dito."Hinila naman ako ni michelle papunta sa kanila.




"Maglalakad-lakad lang muna ako, mich. I need fresh air."Seryoso kong sabi. Gusto kong umiyak pero parang walang lumalabas na luha sa aking mga mata.





"Samahan na kita."Ella said.




I shook my head, "Hindi na. Kailangan ko rin kasing mag-isip isip. And I want to be alone."





"Basta, bumalik ka kaagad, ah!? May bonfire tayo later. Kahit di ka employee, kasama ka naman namin dito."Napatango naman ako kay michelle.




"Sige."Sagot ko pa. Tinapunan ko pa ng tingin si samantha saglit bago ako lumagpas sa kanila.





Ayoko na talagang magmahal. Masasaktan lang ako kapag pinagpatuloy ko pa 'to. Pakiramdam ko ay parang tinutusok-tusok ang puso ko sa sakit. Ano bang ginagawa mo sa akin, samantha? Kung kelan, napamahal na ako sa'yo, saka mo ko sasaktan ng ganito?





Ang dali para sa inyo saktan ako. Hindi niyo alam na nahihirapan na ako sa set up na ganito. Sobrang sakit!!! Sana hindi nalang ako pumasok sa buhay mo. Sana hindi mo nalang ako pinapasok sa buhay mo kung sasaktan mo lang din ako.




Mahal kita eh. Mali, minahal na kita eh. Pero bakit naman ganito kasakit ang kapalit? Sana sinabi mo nalang sa akin ng maaga na hindi mo ko kayang mahalin. Pagbibigyan naman kita eh. Pero ang ginawa mo kasi, pinapaasa mo ko. Nagseselos ka sa tuwing may kausap akong ibang babae na para bang nagseselos ka sa kanila.




Naramdaman ko may kumapit sa braso ko, "Tara, samahan na kita."



Mabilis akong napalingon sa gilid ko, "Den?"




"It's me."Nakangiting sabi niya sa akin.




"What are you doing here?"I asked with no emotion.




"I want to be with you."She seriously said, "Ly?"Humarap naman siya sa akin ng seryoso, "Can you give me a chance?"Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi, "Joke lang."Napatawa siya ng malakas kaya napairap ako sa kanya.



"Siraulo! Manang-manang ka kay ella ano?"Banat ko pa sa kanya.



Hinampas niya ako ng mahina, "Hoy, grabe ka naman! Ayoko dun kay donya ella. Ang liit nun eh."




"Nagsalita ang hindi maliit."Pang-aasar ko pa sa kanya.




"Hindi naman talaga ako maliit eh. Ang sexy ko nga eh."Napamewang pa siya, "Makita mo bukas, magswiswimsuit ako para sa'yo."



NEIGHBOURWhere stories live. Discover now