Chapter 19

337 13 0
                                    


"Gago! Lakas mo!"Binato kaagad ako ni ella ng unan.




Kasalukuyan silang nandito sa condo kong dalawa. Dumiretso na rin ako sa condo pagkatapos kong alagaan si samantha kanina. Since nakatulog na rin naman siya.





"Walang bawian na yan, ah!?"Turo pa sa akin ni michelle.





"I mean it."Seryoso kong sabi sa kanila.





"Corny mo."Pambasag ni ella sa akin.





"Palibhasa kasi, wala kang naging lovelife. Kung walang nanliligaw sa'yo, binabasted ka naman."Kontra pa ni michelle sa kanya.





"Porket swerte ka sa lovelife eh."Sinamaan siya ng tingin ni ella.




"Oo tapos ikaw hindi."Prangka na sabi ni michelle sa kanya, "Lalaki' ka ng walang jowa, ay, di ka pala lumaki."Seryoso lang si michelle ngunit alam kong inaasar niya lang si ella.




"Tatanda ng walang asawa kamo."Nakisali na rin ako sa asaran.




Sinamaan naman ako ng tingin ni ella, "Sana di ka sagutin ni samantha."





"Hindi naman ako nanliligaw. Pumasok palang naman ako sa buhay niya. I'll take it slowly."Pahayag ko naman sa kanya.





"Naiinggit ka lang naman eh kasi walang nagtangkang manligaw sa'yo."Asar na naman ni michelle dito.





"Excuse me?"Tinaasan niya ng isang kilay si michelle, "Natatakot lang sila sa akin. If I know, they want to court me but I know, I'll just gonna reject them."




Michelle suddenly chuckled which made me shocked, "Sa tingin mo talaga, may papatol sa'yo? Kung meron man, goodluck sa kanila."





Nagulat ako sa pagtawa ni michelle. Siguro dahil minsan ko lang siya nakikitang tumatawa ng ganyan. Kapag nagbabarahan o nag-aasaran kasi sila ni ella, talagang seryoso lang siya lagi.





Hinampas pa ng mahina ni ella si michelle, "Ikaw! Ang sama mo sa akin. Kaibigan ba talaga kita?"




"Hindi ko nga alam kung bakit kita naging kaibigan eh."Sagot pa niya kay ella.




"Matakaw kayo eh."Pareho silang napatingin sa sinabi ko, "Di man kayo magkasundo minsan. Pero aminin natin o hindi, naging magkaibigan kayo dahil sa pagkain."





"Oo nga, ly. Ang galing mo."Ella sarcastically laugh.





"Umalis na kayo dito kasi matutulog na ako."Basag ko nalang sa kanila.





"May date yan. Yieee!"Panunukso na naman ni ella sa akin. Walang katapusang panunukso.





"Oo, meron."Hindi ko na itinanggi kasi alam ko namang hindi nila ako titigilan.






"Sabi na nga ba eh."Komento pa ni ella pero napailing nalang ako sa kanya.







•••





Lumabas na ako ng condo ko pagkatapos kong mag-ayos. Siyempre, gusto kong makita si samantha. Masaya lang ako na kasama ko siya.





"Hi."Bati ko kaagad sa kanya pagkalabas ko ng condo.




"Hello."Bati niya rin pabalik sa akin.




NEIGHBOURWhere stories live. Discover now