Chapter 20

350 9 0
                                    

Hinigpitan ko ang pagkakahawak kamay niya para sana ilayo siya kay mj kasi alam kong ayaw na ayaw niyang lumapit yung babae sa kanya pero bago ko pa man magawa yon ay nakalapit na yung mj. Kumakaway pa bago lumapit sa amin. Napabitaw naman agad si samantha sa pagkakahawak ko sa kanya. Napatingin muna ako dun bago napaayos ng tayo para tumingin kay mj.



"Uhm, hi!"Nakangiti pang bati niya, "You must be her friend, right? What's your name again?"



"Yes. And I'm Alyssa."Sagot ko naman.



"Nice to see you two again."Pagkatapos niyang tumingin sa akin ay napatingin din ito kay samantha, "How are you, sam? Okay ka na? Gumagala ka na sa mall, ah!?"Hindi nagsalita si samantha, nakatago lang siya sa likod ko.


"Napilit ko lang."Ako na ang sumagot para kay sam.


"Good influence ka pala sa kanya eh."Biro pa niya.



"I think so."I awkwardly laugh.



"Alam mo, hindi na yan sumasama sa iba. Ikaw lang ata ang nakapilit diyan eh. You must be special for her."Pahayag pa niya. Special? Am I?



"Maybe."Yun nalang yung nasagot ko. Hindi ko kasi alam kung paano sagutin yun.



"Anyway, I have to go. I have something to do pa. Nice to see you again."Inilad niya yung kamay ko na agad ko namang tinanggap pero nagulat nalang ako ng biglang hinila ni samantha yung kamay ko para hawakan kaya napabitaw yung kamay namin ni mj, "Ah, sige. Kailangan ko ng umalis."Tumingin muna siya sa kamay namin ni samantha na nakahawak bago kami iniwan dito.



Humarap naman ako kay samantha na nakataas na ang kilay ngayon, "Bakit? Anong problema?"



"Shake hands huh?"Seryoso pang sambit niya sa akin, "Bagay kayo."Saka niya binitawan ang pagkakahawak sa akin.




Tatalikod na sana ito ng pigilan ko siya, "Hoy, sam! Ano bang problema mo?"




"Wala."Sagot niya pero ramdam ko naman ang inis ng tono ng kanyang boses.



"Shopping nalang tayo."Aya ko naman sa kanya, "Ang init ng ulo mo kasi."



Umiling naman siya, "I want to go home. I'm tired already."



"Ha?"Naguguluhan kong tanong sa kanya, "Hindi pa nga natin naikot ang buong mall eh. Uuwi na agad tayo?"



"Masakit na yung ulo ko. Gusto ko nalang magpahinga."Seryoso pang sabi niya. Balik na naman ba siya sa usual self niya?



"Okay."Tanging nasagot ko nalang.



Ano bang problema niya? Okay naman kami kanina, ah!? After naming nakita si mj, naging ganyan siya. Napakamot nalang ako ng ulo ko. Kung hindi lang talaga siya si samantha bernardo, naku!




Tahimik lang din kami sa kotse ko. Wala ni isang nagsasalita sa amin. Umupo siya sa tabi ko pero hindi naman niya ako kinakausap. Ano bang gagawin ko sa'yo, samantha bernardo? Mababaliw na ako kakaisap neto eh.


NEIGHBOURWhere stories live. Discover now