Tahimik lang akong sumusunod sa kanila habang inaalala ang mga nangyari ngayong araw. Grabe, parang kanina lang normal lang yung araw ko. Tapos ngayon kasal na ako. Ano kaya ang kahihinatnan ng lahat ng to?

"We're here na, pasok na kayo sa car. And tabi kami ni wifey mo ha Xian Xian. I want to have a chitchat with her kasi pareho kaming maganda kaya diyan ka sa tabi ng driver." Anang tita ni Calixian.

"But--

"Walang papalag! Papasok ka o mahuhuli kayo ng tauhan ng Lolo mo"

Tumahimik nalang si Calixian sa sinabi ng tita niya at pumasok na sa kotse.

"Let's get inside na dear" tumango lang ako saka pumasok na din. Pagkapasok ko. Naramdaman ko agad yung pagod at gutom. Hay, sana naman maka kain na ako.

"What's your name?" Tanong ng tita ni Calixian.

"Felishia po" sagot ko.

"Unique! I like it! By the way, I'm Amira. Ang panget pakinggan noh? Pang matanda eh. Di bagay sa sexy kong katawan"

Di ko mapigilang mapatawa dahil sa kadaldalan ni tita Amira. Marami pa siyang ikwenento about sa life niya at napag alaman ko na kapatid pala ito ni Tito Eric at dalaga pa siya.

"Marunong ako mag Tagalog kasi dito ako lumaki. Since I was a kid, I really love to travel at nang makatapak ako ng pilipinas, I really feel at home kahit pa sa ibang bansa ako nanggaling. Si Kuya Eric naman, nakatapak lang ng pilipinas nang makilala niya yung mommy ni Xian Xian. Naalala ko pa nga one time inaway ako nung mommy niyang asawa mo eh"

Napalunok ako ng sabihin niyang  asawa mo I really still can't believe na ikinasal ako sa araw nato.

"Tss. Could you just shut your mouth? Di ka ba napapagod kaka salita?" Singit ni Calixian.

"Aba aba! Hoy lalaki. Tandaan mo lumaki ka lang, pero mas matanda parin ako sayo! Galangin mo ko pwede? Ay-- mali pala, hindi pala tumatanda tong beauty ko HAHAHAHA"

"Maganda nga wala namang boyfriend. Tsk tsk. Tatanda kang dalaga niyan tita" Calixian.

"Ayan, marunong naman palang bumigkas ng tita eh. And FYI, marami akong manliligaw no! Di ko lang sinasagot. Di sila bagay sa beauty ko" umirap si tita Amira.

Dumaan ang ilang minuto ay bumaba na kami at tumambad sa harap ko ang isang restaurant. Di ko mapigilang pumalakpak sa tuwa at tumakbo papasok doon

"Kakain na ako!!" Sigaw ko saka pumasok sa resto. Pero nang buksan ko ito ay nagulat ako ng walang katao tao. Bumalik naman yung ala ala ko kanina sa kasal kaya napa hakbang ako paatras at di sinasadyang naapakan ang gown ko kaya na out of balance ako. Bago pa ako mapasalampak sa sahig ay may pumulupot na mga braso sa bewang ko.

"Careful"

It was Calixian. Tumango lang ako saka umayos ng tayo.

"Lovely birds pasok na. Tama na muna yan ha, Xian Xian. Kung makayapos ka parang mawawala yang asawa mo eh"

Palihim akong napa irap sa sinabi ng tita ni Calixian.

"Ohh I saw it! HAHAHA pati yung wifey mo napa irap eh. Come on dear. Lumayo ka sa lalaki na yan at kakain na ang magaganda" Ani Amira at hinatak ako.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon