Chapter 17

5K 115 20
                                    

"I miss you..." sabi ko sa kabilang linya.

"I miss you too... sorry at hindi ko na nahintay yung competition mo bago ako bumalik sa company." sagot ni Adam sa kabilang linya.

3 days kasi bago ang competition ko ay biglang nagkaroon ng emergency sa company nila kung kaya't kailangan na niyang pumasok.

Bukas na magsisimula ang swimming competition. Tatlong araw din yun and so far maganda naman ang kinakalabasan ng mga practices namin.

Mas maayos na ang pakikitungo ni Kourtney sa akin ngayon maging ang ilang teammates namin.

Isa lang naman daw ang problema nila sa akin noon, yun ay ang mahirap daw akong kausapin at aminado akong kasalanan ko nga kung bakit ganun ang trato nila sa akin.

Masyado siguro akong nakakulong sa past ko kaya pati ang present ko ay naapektuhan na rin. Na kahit gusto kong magkaroon ng kaibigan ay takot pa rin ako dahil baka maulit na naman yung nangyari sa amin dati.

"I'm really sorry for not responding to all of you when you're trying to talk to me..." wika ko sa kanila nang magtipon-tipon kami sa loob ng clubroom.

"Alam na namin kung bakit, and nahihiya na rin kaming makipagkaibigan sa'yo dahil sa mga nagawa namin sa'yo noon, kaya sorry din, sana mapatawad mo kami." wika ng isa sa mga teammates ko.

Mabilis akong tumango at halos mapaluha ako nang lumapit ang mga ito sa akin at yakapin ako.

Magmula nung araw na iyon, sila na ang palagi kong kasama, maging sina Yena at Lucille.

"How are you feeling right now? Nervous?" tanong ni Adam sa kabilang linya.

"Nope, I'm not nervous. I'm excited actually." I honestly anwered.

"That's my girl."

"Manonood ka ha." I said with my pabebe voice. Ew.

"Haha isa pa nga." natatawang sagot nito. I rolled my eyes.

"Tsk!"

"Haha just kidding, of course I'll watch my favorite and shout my loudest cheer so you can still hear it even when you are under water."

"Hmmp.." Natawa naman ito sa kabilang linya. Alam na kasi nito na kapag ganun ang reaction ko ibig sabihin ay nagba-blush ang mukha ko.

"It's already 5:30pm, I forgot to ask, have you eaten already?"

Agad naman akong napatingin sa phone ko para icheck yung time. Isang oras na pala kaming magkatawag.

"Later, How 'bout you?"

"Later di , tinatapos ko lang yung ibang files dito sa office para wala ng abala bukas at libre akong makakanood ng game mo." sagot nito. Rinig ko nga sa kabilang linya yung pagflip ng mga papel na sa tingin ko ay yung mga files iyon na kinakailangan niyang ireview bago niya pirmahan.

Tatlong araw ang competition pero nasa unang araw kasi ang event na sasalihan ko.

"Okay, wait for me there."

"Huh?" hindi na ako sumagot at pinatay ko na agad yung tawag bago nagprepare ng pagkain para sa aming dalawa.

Nagluluto ako ng nilaga habang katawag ko siya kaya madali lang akong nakapagprepare.

Yung kotse ko na yung ginamit ko at nagtungo na ako sa company nila. Malapit lang naman iyon dito at hindi ganun katraffic kaya mabilis akong nakarating doon.

Nagulat ako nang papasukin agad ako ng guard pagdating ko roon since gabi na. Siguro ay naitawag na ni Adam sa kanila ang pagdating ko.

Halos wala na rin mga tao dito sa first floor at yung ibang natira ay papaalis na rin.

He mentioned to me before na sa 10th floor yung office niya kaya dun ako dumiretso sakay ng elevator.

Pagdating ko roon ay wala ng katao-tao at mukhang siya lang talaga ang nag-overtime sa kanilang lahat. Madali ko lang naman nahanap yung office niya na nasa dulo.

Kumatok ako doon bago binuksan ang pinto. Naabutan ko siyang naglalakad papunta sa pinto para siguro buksan iyon pero naunahan ko na siya.

"Surprise!" nakangiti kong bati sa kanya pero agad niya akong hinila at hinalikan sa labi. Tinugon ko naman agad iyon at halos ayaw na nitong pakawalan yung labi ko hanggang sa kapusin kami ng hinga.

"Hindi halatang namiss mo ako ha." wika ko habang hinihingal pa.

"Sobra." sagot nito bago ako muling halikan.

"I can't do it with you, so I'll just kiss you... for breathing excercise na rin." biro pa nito bago na naman ako halikan.

We literally just kissing each other magmula nang dumating ako! Feeling ko namamaga na yung labi ko and madaming kiss marks na sa leeg ko!

"Let's eat." saad ko at dun palang kami nagsimulang kumain ng literal na pagkain dahil kanina pa nito nilantakan yung labi ko.

Nag-volunteer pa akong tulungan siya pero hindi ito pumayag kasi ayaw niya akong mapagod dahil bukas na yung competition ko. Kaya naman tahimik nalang akong nakahiga sa sofa niya habang busy ulit ito sa kanyang trabaho.

Halos mahigit isang oras din bago ito natapos at sabay na kaming umuwi sa apartment ko. Dun na daw siya matutulog para siya ang maghatid sa akin bukas sa school.

Maaga kaming tumungo sa school kinabukasan. Pagkahatid sa akin ay dumiretso agad ako sa aming bus na siyang magahahatid sa amin sa venue. Umalis naman agad si Adam para sunduin ang kambal dahil manonood din daw ang mga ito ng game ko.

Dahil kami ang defending champion ilang beses inulit sa amin ni coach na kailangan manatili kami sa top 3 sa lahat ng events para mataas pa rin ang aming points at malaki ang tsansang mag-overall kaming muli.

Huminto muna kami sa isang hotel na malapit sa venue para ilagay ang ilan sa mga gamit namin dahil three days ang competition.

Nang makarating kami sa venue ay pumila muna kami para magregister. Habang hinihintay ang ilan pa sa mga teammates ko dahil ako ang unang natapos ay parang may napansin akong isang babaeng nakasuot ng varsity jacket namin sa.

Agad iyong nawala sa paningin ko kaya pinagsawalang bahala ko nalang dahil baka namamalikmata lang ako.

"Let's go." aya ni coach sa amin at pumasok na kami sa loob. Dumiretso kami sa locker room  na naka-assign sa aming team.

"Isang oras na lang magsisimula na ang competition. Mauuna ang freestyle race kaya magready na kayo Bella." wika ni coach sa amin.

At dahil ako ang pinakamabilis sa amin ay ako ang pambato sa 50m and 100m freestyle race at nito lang ay sa akin. Si Kourtney ay sa 200m at 800m habang si Ellaine, isa sa mga teammates ko ay sa 400m naman.

Ang iba ay sa backstroke, breaststroke at butterfly races na gaganapin sa second at third day ng competition.

"Ready?" tanong ko kay Kourtney at Ellaine habang nagbibihis kami. Nakangisi naman silang tumango sa akin. Last year ay parehong third place ang mga ito at kahit hindi ko sila nakakausap kada practice ay alam kong pursigido silang higitan pa ang rank nila ngayon.

Alam kong kinakabahan ang mga ito dahil mabilis na nawala ang mga ngisi sa kanila kaya naman sabay kong tinampal ng mahina ang mga likod nila.

"Hindi man tayo nag-uusap noon, I know kung gaano niyo pinaghandaan ang competition na ito so relax, huwag niyong ipressure ang nga sarili niyo dahil mas magaling na kayo ngayon kaysa noon. Okay?" sabi ko sa kanila.

"Wow, captain na captain ka na ha." biro ni Kourtney pero agad itong sumeryoso. "Promise hindi na kami pabuhat sa'yo, mananalo kami!" tumango naman si Ellaine kaya ngumiti ako sa kanilang dalawa bago kami lumabas.

**
Enjoy reading! 😁

Badass Swimmer (Sporty Princess #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon