Chapter 6

6.3K 172 18
                                    

"Everyone I want you to meet Carina." pakilala ni coach sa katabi nitong babae na may morenang kutis at medyo may katangkaran rin.

"Siya yung tinutukoy kong super rookie na madadagdag sa team natin simula ngayon." dagdag nito at saka humarap doon kay Carina para sabihan na magpakilala sa amin at agad naman nitong sinunod.

Narito kasi kami ngayon sa clubroom para dito official na ipakilala ni coach ang bago naming miyembro.

"Hi everyone I'm Carina." iyon lang sinabi nito. Isa-isa namang nagsilapitan ang mga teammates ko para makipagkilala at makipagkamay sa kanya.

"Bella." tipid kong pakilala pero mukhang iba na naman ang ibig sabihin ng mga iyon sa mga kasama ko rito.

Ngumiti naman sa akin si Carina at iniabot nito ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon at nakipagkamay sa kanya.

"Bella, since same kayo ng position ni Carina, I want you to mentor her." sabi ni coach kaya tumango naman ako.

Pagkatapos ng meeting na iyon ay nagsi-uwian na kami.

Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro ko sa living room nang may biglang may magdoorbell at kumatok sa aking pintuan.

Pumunta ako agad para icheck kung sino iyon at napag-alaman kong si Sir Adam.

"What are you doing here?" gulat kong tanong sa kanya at mabilis na hinila papasok sa loob upang walang makakita sa kanya. Mahirap na baka may maligaw na kakilala ko sa school rito at ipagkalat 'to.

"Ramen?" sagot nito sabay angat sa dala nito.

"Tsk! Para diyan lang you risk to go here na." sabi ko at sabay kaming tumungo sa kusina ko. Agad naman nitong inilabas ang dalang ramen at sabay kaming kumain nun.

"I saw you earlier nung pauwi ka na and it looks like ypu have a problem." wika nito.

"Kaya ka pumunta rito?" agad akong natigilan sa tono ng boses ko. Para akong umaasa na nag-aalala ito sa akin kaya ganun na lang ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko nung tumango ito.

"Bakit naman?"

"I heard the news about your certain new member." sabi nito at ngayon ay humarap sa akin.

"What about it?" tanong ko sa kanya.

"I'm worried about you."

"Na baka ma-elbow ako ng isang rookie?"

"Of course not!" mabilis nitong sagot.

Natawa ako dahil dun.

"I know you can beat her..." nagulat ako nang biglang hawakan ng isang palad nito ang mukha ko at haplusin ang pisngi ko. "..because you are a champion." dagdag nito bago ilapit ang mukha sa akin at patakan ng magaang halik ang labi ko.

Napapikit agad ako dahil sa munting halik nito. Bigla kong naalala kung paano namin ito unang ginawa at kakaiba ang mga halikan naming iyon noon kumpara sa ngayon. Feeling ko may mga paruparo sa loob ng tiyan ko habang papalapit na naman ang mga labi nito sa akin hanggang sa siilin akong muli ng mas malalim na halik.

Hindi na agad ako nakapag-isip pa at kusa ko nalang ipinatong ang mga kamay ko sa kanyang balikat hanggang sa magtungo ito sa bandang likod ng kanyang ulo habang tinutugon ko na ang mga halik niya sa akin.

Napasinghap ako nang bigla niya akong buhatin at dalhin sa aking mahabang sofa. Umupo ito rito kaya mistulang nakaupo ako sa kanya ngayon habang patuloy pa rin ang mga halikan namin.

Kusa na ring naglalakbay ang mga kamay nito sa aking katawan. Ramdam kong humahaplos na ngayon sa kaliwang dibdib ko ang isang kamay nito habang ang isa ay nasa likuran ko at nakasuporta sa akin.

Mas lalong nag-init ang pakiramdam ko at kaya mas pinagbutihan ko ang paghalik sa kanya. I even played his tongue with my own. Hanggang sa ihiga ako nito at saka pumatong sa akin. Bumaba ang mga halik nito sa leeg ko , sa balikat ko hanggang sa makarating ito sa tapat ng dibdib ko.

He was about to remove my shirt when we suddenly heard a knock on my door.

Dahil dun ay parang nagising ako at nagmadaling umayos para pumunta sa pinto ko at silipin kung sino iyon.

Ganun nalang ang kaba ko nang makita ko ang mga magulang ko na nakatayo sa harap ng pinto ko kaya dali-dali akong tumakbo sa living room at hilain si Adam papunta sa aking kwarto.

"Dito ka muna. Nasa labas ang parents ko and hindi ka nila pwedeng makita. Maliwanag ba?" sabi ko at mabilis na sinarado ang kwarto ko at nagtungo agad sa pinto para pagbuksan ang mga magulang ko.

"Hi Ma! Pa! Ang timing niyo dumalaw ha." halos pabulong kong sabi sa kanila.

"Bakit ano bang ginagawa mo?" mataray na tanong ni mama at umupo sa sofa. Agad nanlaki ang mga mata ko nang maalalang doon kami naghalikan ni Adam kanina.

"W-Wala po. Kumakain at nagbabasa lang po ako kanina. E kayo bakit gabi niyo na naisip dumalaw rito." sagot ko atsaka iniba agad ang usapan.

"May pinuntahan lang kami ng mama mo diyan sa malapit kaya naisipan naming dumaan dito. How's your school? Okay lang ba?" si Papa.

"Okay na okay po Pa, don't worry."

"Ang swimming team mo, pabuhat pa rin ba?" tanong naman ni mama.

"Ma!" suway ko agad sa kanya.

"Sabi ko naman sa'yo na dun ka nalang sa Ravenleign mag-aral kasama ni LA pero mas pinili mo pa rin mag-aral diyan sa Eastwood tignan mo, ikaw ang bumubuhat sa team niyo para magchampion kayo."

"Ma! Nagkataon lang naman na may mas magaling sa kanila nung time na 'yun tsaka pinagbubutihan naman po nila yung pagpa-practice nila kaya alam kong kahit wala ako magcha-champion pa rin ang team ko." sagot ko naman.

"Ayoko lang naman na nape-pressure ka anak." mahinahong saad ni mama sa akin.

"Trust me mama okay lang po talaga ako at magcha-champion na naman po kami this season. Final year ko na oh ngayon mo pa ako pagsasabihan ng ganyan."

"Correction, every year kaya." singit pa nito kaya tinawanan ko nalang siya.

"Oh siya sige alis na kami ng Papa mo, mag-ingat ka parati ha." tumango naman ako bago yumakap sa kanila.

Akmang aalis na ang mga ito nang biglang may narinig kaming parang nahulog sa kwarto ko kaya mabilis na lumingon doon si mama.

"Ano yun?" taka nitong saad bago lumapit sa pinto ng room ko pero mabilis akong humarang sa harap nito.

"Yung libro ko po yun na binabasa ko kanina. Nagmadali po kasi akong buksan yung pinto kaya hindi ko na naayos. Sige na po uwi na kayo ingat po sa biyahe ha." at saka pinagtulakan ko na sila palabas hanggang sa makalabas na nga ang mga ito.

Huminga muna ako ng malalim dahil sa kaba ko kanina bago nagtungo sa kwarto ko at nakita kong nakahiga na sa kama ko si Adam at natutulog na.

"Hey, wala na yung parents ko, wake up na." sabi ko rito pagkaupo sa gilid niya.

Imbes na sumagot ito ay hinila niya ako para mapahiga ako sa tabi niya. Muntik pa akong mapatili dahil dun.

"Let's sleep. Tinatamad na akong umuwi."

"Palusot ka pa, gusto mo lang akong makatabi eh." pabiro kong saad pero hindi na ito sumagot at niyakap nalang ako atsaka ibinaon ang ulo nito sa bandang leeg ko.

Wala akong nagawa kundi ang matulog na rin at feeling ko ay isa na ito sa pinakamahimbing kong tulog sa buong buhay ko.

At dahil dun, na-late ako sa aking unang klase kinabukasan, pero di bale worth it naman.

**

Badass Swimmer (Sporty Princess #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon