Chapter 16

5.5K 125 24
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan at kahit masakit ang buong katawan ko lalo na sa bandang gitna ko ay pinilit ko pa ring tumayo at maligo.

Matapos maligo ay nagtungo na agad ako sa kusina pa magluto ng almusal naming dalawa. Mabuti nalang at mayroon pang itlog at hotdog na natira sa ref ko kaya yun na yung niluto ko.

Nagsaing na rin ako ng kanin at habang hinihintay na maluto iyon ay prinepare ko na din yung mga vegetables at fruits na ibe-blender ko to make some smoothie.

Kailangan ko na talagang maggrocery dahil halos wala ng laman yung ref ko.

"Good morning." agad akong napalingon sa gawi ni Adam. Napansin ko agad na bagong ligo ito. Naalala ko na naman na may mga damit nga pala siya dito.

"Want some?" tanong ko sa kanya nang yumakap ito mula sa likuran ko habang nagslice ako ng carrots.

"I want you." bulong nito sa tainga ko bago humalik sa pisngi ko. I can easily smell his minty breath.

"No sex starting today, I'm still sore, baka mamaya hindi ko na maigalaw mga paa ko sa competition." sabi ko bago sinimulan magblender.

"Ihahatid ulit kita mamaya." sabi nito bago niligpit yung pinagkainan namin at nagpresentang maghuhugas.

Hindi na ako nagreklamo at nag-ayos nalang ako ng gamit ko.

"Do you know how to drive a bigbike?" tanong ko nang palabas na kami ng apartment ko.

"Why you want me to use your bigbike?" mabilis akong tumango. "Okay." Sagot nito kaya kinuha ko agad yung dalawang helmet ko at binigay sa kanya yung isa. Parehong itim yun.

Nang makarating kami sa parking lot ay binigay ko agad sa kanya yung susi ng bike ko.

"Sanay ka bang magdrive o ako nalang? tanong ko sa kanya nang makalapit kami doon.

"Simula ngayon ako nalang iri-ride mo." he said then winked at me. Inirapan ko nalang siya bago sumakay sa bike ko at kumapit sa kanya.

"Tigas ah." wika ko tukoy sa kanyang tiyan.

"Oo at makakahawak ka pa ng ibang matigas kapag binaba mo pa yung kamay ko." sagot nito kaya mabilis na uminit yung mukha ko at hinampas ko agad siya sa likod niya.

Natatawang kinuha naman nito yung kamay ko at pabalik na ipinulupot sa may tiyan niya pagkatapos ay nagmaneho na ito papunta sa school.

"See you later." wika ko nang makarating kami sa school. Bumaba agad ako at binigay sa kanya yung helmet. Humarap muna ako sa salamin at inayos yung buhok bago nagpaalam sa kanya.

"Hey miss gorgeous, where's my kiss?" sabi nito nang pigilan akong makaalis.

"Later na kanina ka pa nakakarami."

"Tsk! Isang kiss lang." nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nagpout pa ito.

"Okay fine." I said bago lumapit sa kanya at mabilis na humalik sa lips niya. Agad naman itong ngumisi at mabilis din akong hinalikan.

"Okay galingan mo ha. Make me proud." naiiling na lang ako bago umalis sa harap niya at nagtungo sa unang klase ko.

"Hi Bella! Blooming ka ah! May dilig no?" bungad agad ni Yena sa akin pagkapasok ko sa room.

"What are you saying?" sagot ko nang makaupo ako.

Lumapit ito sa akin at saka binulong yung ibig niyang sabihin. Nanlaki naman ang mga mata ko at dali-dali kong hinampas sa kanya yung bag ko habang tawa naman ng tawa ito maging si Lucille sa kanyang tabi.

"Haha! Biro lang pero blooming ka talaga sis. Sana all nalang talaga." sabi nito bago umayos sa inuupuan dahil dumating na yung teacher namin.

Matapos ang klase ko sa araw na iyon ay dumiretso naman ako sa club room namin para sa isang meeting.

"Carina is sick kaya wala siya ngayon." sabi ni coach pagkapasok niya palang.

"Hindi pa rin siguro tanggap na natalo siya." wika ni Kourtney sa likuran ko. Nagkunwari nalang akong walang narinig at nagfocus nalang sa harap sa mga sinasabi ni coach.

Pagkatapos ng meeting ay isa-isa na kaming lumabas sa club room. Medyo nahuli ako dahil may ilan pang sinabi si coach sa akin.

Nang kukunin ko na yung bag ko para lumabas ay naroon pa pala si Kourtney sa kanyang pwesto at mukhang hinintay ako.

"Bakit hindi ka pa lumalabas?" wika ko habang inaayos yung bag ko.

"Hindi ka ba nagtataka dun kay Carina?" tanong nito sa akin. Kumunot naman agad ang noo ko.

"What do you mean?"

"I saw her and his boyfriend several times and they look so inlove with each other. I heard binugbog siya nito right kaya may pasa siya sa mukha and other parts of her body? I'm not buying her reason na binugbog siya, I think gumagawa lang siya ng reason para kaawaan mo siya but she didn't succeed, tinalo mo pa rin siya." Natawa pa ito sa huling sinabi niya.

"I—I don't know what to say..." yun lang ang nasabi ko.

"Well, base on observations ko lang naman yun and wala naman akong evidence to prove that but beware, mas demonyo pa ang mga taong bait-baitan sa harap mo." sabi nito at saka ito lumabas ng room.

Huminga na lang ako ng malalim bago lumabas ng room at magtungo sa parking lot kung saan naghihintay sa akin si Adam.

"Hi!" bati ko sa kanya pagkalapit ko. Yung bigbike ko pa rin ang gamit nito.

"Date tayo?" aya nito at agad naman akong pumayag. Masyado akong nastress sa sinabi ni Kourtney sa akin at kailangan kong malibang para makalimutan iyon.

"Ilang days na lang competition ko na." sabi ko kay Adam habang nakahiga kami sa kama ko.

"That will be your last competition in SAU. I'm happy I can witness it." Isang buntong hininga ang naging sagot ko kaya humarap ito sa akin.

"Kanina ko pa napapansin na may malalim kang iniisip, ano yun?"

"May sinabi si Kourtney sa akin kanina."

"Who? Yung maldita mong teammate?"

Tumango naman ako. "She said na hindi siya naniniwalang binugbog siya ng boyfriend niya dahil everytime na makikita niya ang mga ito ay sovrang sweet daw nila ang parang hindi mo maiisip na kaya siyang bugbugin ng boyfriend niya."

"Well, mas lalo akong nagdududa kay Carina dahil sa sinabi ng teammate mo sayo."

"I'm just hoping na sana hindi siya ganung klaseng tao gaya ng iniisp natin ngayon." malungkot kong saad.

"We never know, minsan ang taong desperadong makamit ang isang bagay, gumagawa ng mali kapag wala na siyang ibang choice."

Yumakap nalang ako sa kanya at nagpasyang itulog nalang lahat ng iniisip ko dahil hindi pwedeng madistract ako lalo na at malapit na ang competition ko.

~~
Sa lahat Sporty Princess Series, I think ito na yung PINAKAMAIKLI kasi malapit na siyang matapos huhu

Salamat sa paghihintay ng update ko kahit once a month nalang po ako kung mag-update! Bumabawi na po ako hehe

Enjoy reading! :)

Badass Swimmer (Sporty Princess #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon