Chapter 5

6.4K 155 23
                                    

Dahil maaga akong nagising kinabukasan kaya maaga akong pumasok sa school.

Hindi ko alam pero habang naglalakad ako papasok sa main gate ng aming rskwelahan ay sobrang gaan ng pakiramdam ko. Same morning routines lang naman ang ginawa ko pero bakit ganito yung nararamdaman ko?

Napahinto ako sa isang hallway nang biglang may tumawag sa phone ko kaya inilabas ko agad iyon mula sa bag ko at saka sinagot. Hindi ko na tiningnan kung sino yung tumawag at sinagot ko na kang basta.

"Hello?" sagot ko.

"Good morning." bati ng isang baritonong boses na alam ko na kung kanina galing. Hindi ko namalayan pero napangiti na lang ako basta.

"Good morning." nakangiting bati ko rin kay Adam.

"Where are you?" tanong nito.

"Nasa school na. Ikaw?"

"Papunta pa lang." sagot nito.

"Okay ingay ka."

"Thanks."

Nakangiti pa rin ako habang binaba ko na ang tawag. Tinago ko agad ang phone ko sa aking bag at magpapatuloy na sana sa paglalakad nang magulat ako sa mga estudyanteng narito sa hallway at gulat na nakatitig sa akin.

"Si Bella ba yan?" tanong nung isang estudyante.

"Wow first time ko siyang makitang ngumiti ng ganyan." sabi naman nung isa.

"Nakita niyo na ba yung post sa instagram? Feeling ko boyfriend niya yung kausap niya kanina. Ang saya niya eh."

"So wala na talaga sila ni Floyd?"

"Wala na di kasi kayo naniniwala sa akin, masyado kasing maganda si Bella kaya naiinsecure si Venice sa kanya."

"Diba hindi pinakita ni Bella yung mukha nung boyfriend niya? Baka si Floyd yun?" kumunot ang noo ko sa tanong nung isa.

"Hindi si Floyd yun, nasa IG stories siya ni Vemice kahapon at magkasama sila dun sa resort nila Floyd."

Dahil dun ay pakiramdam ko effective na nga ang pagpapanggap namin ni Adam.

Hanggang sa makarating ako sa aming classroom ay ganun pa rin ang tingin nila sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin at nanahimik na lang sa upuan ko.

Hindi naman nagtagal ay dumating na si Sir Adam ay as usual nakataas na naman ang buhok nito with his comma hairstyle.

"Good morning." bati nito pero sa akin lamang siya nakatingin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya dahil baka mabuking pa kami.

"Okay get your books ang we will discuss a new lesson." iyon lang ang sinabi nito at nagsimula na itong magturo. Minabuti ko na ring makinig at intindihin abg mga itinuturo niya para hindi na ako mahirapan sa mga pasurptise quiz niya kung sakali.

"Okay class that's it for today. See you tomorrow." pagkasabi nito ay lumabas na agad siya na saktong-sakto sa pagtunong ng school bell.

Bakit nagmamadali yun? tanong ko sa sarili.

Kahit nagtataka ay dumiretso nalang ako sa aking sunod na klase. Pagkaupo ko sa aking upuan ay biglang nagtext sa akin si Adam.

From: A
You look pretty today.

Agad akong napangiti sa tinext nito.

To: A
Ngayon lang?

From: A
Don't get me wrong, you are always look so beautiful.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko pero nang mapansin ko iyon ay agad kong pinaseryoso ang mukha ko.

Hindi na ako nagreply sa kanya dahil dumating na ang prof namin.

Badass Swimmer (Sporty Princess #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon