Chapter 11

5.5K 151 14
                                    

Nakangisi at nakataas ang isang kilay ko habang nakatingin kay Adam na busy sa pangongolekta ng mga papers namin.

May pasurprise quiz na naman kasi ito ngayon. Kung kahapon ay inis na inis ako ngayon naman ay tuwang-tuwa ako dahil nakapasa na ako!

Dahil sa sobrang proud ko sa sarili ko ay muntik pa akong mapatayo at sumigaw kanina pero buti nalang napigilan ko agad yung sarili ko kung hindi magtataka ang lahat ng mga kaklase ko dito baka isipin pa nila sinaniban ako.

Nahuli ko itong ngumisi habang tinitignan ang mgaresulta ng aming quiz na pinasa sa kanya.

Bigla namang tumili yung mga kaklase kong babae. Tsk! Gwapo kasi talaga eh.

Natapos ng maaga ang aming klase sa kanya kaya naman naisipan kong magtungo muna sa library para magpalipas oras.

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa library nang biglang may humila sa akin. Sisigawan ko sana yung taong yun pero nagulat ako nang makitang si Adam yun.

"What the hell are you doing?!" mahina ngunit mariin kong tanong sa kanya habang pasulyap-sulyap sa paligid dahil baka may makakita sa amin.

"Nah. I just wanna congratulate you. Only one mistake huh." nakangiting sagot nito.

"I told you. Ikaw lang naman kasi distraction sa akin."

"Nope. I'm your inspiration." mabilis nitong sagot sabay kindat sa akin. Inirapan ko naman siya agad.

"Ang asyumero mo talaga no?" natawa lang ito bago hinalikan yung pisngi ko at saka mabilis na tumakbo. Maiinis sana ako pero nang makita ko kung paano ito tumakbo ay tawang-tawa ako dahil para itong matanda sa isang comedy movie na may ginawang kalokohan.
Napailing nalang ako bago muling magtungo sa library.

Ilang araw pa ang lumipas at bukas na magaganap ang laban namin ni Carina. At hanggang ngayon ay iniiwasan niya pa rin ako. Dahil dun ay nagfocus nalang ako sa pagpa-practice.

"Are you ready for tomorrow?" tanong ni Adam sa akin. Nandito na naman kasi siya sa apartment ko. I mean araw-araw na siyang nandito at may mga damit na rin siya dito. Iniiwan na kasi niya yung mga pinagbihisan niya rito kapag dito siya natutulog at sa tingin ko ay sinasadya niya iyon.

Sinabay ko na yung mga yun nung magpa-laundry ako. At nang matapos ay hindi naman pwedeng kung saan ko nalang ilagay kaya nilagay ko na rin sa closet ko. Ayun tuwang-tuwa siya.

"Bakit parang mas kabado ka pa kaysa sa akin?" natatawang sagot ko sa kanya.

"Di ba sabi mo magaling si Carina, of course kakabahan ako."

Napangiti ako. "Lahat naman ng nakakalaban ko magagaling. Huwag ka ng kabahan, mananalo ako bukas." sabi ko saka pinisil yung magkabilang pisngi niya. Nakapout kasi ito at nakakunot yung noo kaya bigla siyang naging cute sa paningin ko.

Wala sa sariling pinatakan ko ng halik yung labi niya kaya pareho kaming natigilan. Nagpalipat-lipat ang tingin namin mula sa mga mata at sa mga labi.

Holy shit.

Halos mapahiga ako sa sofa ko nang mabilis nitobg sunggaban ang mga labi ko at agad ko namang tinugon ang mga halik nito.

Agad ko namang ipinalibot ang mga kamay ko sa kanya at saka inilagay ang isang kamay ko sa likod ng kanyang ulo upang mas lalong pang dumiin ang aming halikan.

Halos mapaungol ako nang ipasok nito ang kamay sa aking maluwag na tshirt at agad na hinawakan ang kaliwang dibdib ko.

"Oh God." ungol ko nang itaas nito ang suot kong bra upang mas mahawakan ang dibdib ko. Dahil dun ay nagkaroon ng ito pagkakataon para ipasok ang dila nito sa akin at agad ko naman iyong sinalubong.

Badass Swimmer (Sporty Princess #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon